[F.W.O] FINAL CHAPTER PT. 1: THE GAME MASTER

3.1K 101 22
                                    

A S H E

*boooooom!*

*explosion sfx*

Tuluyan nang nasira ng mga halimaw ang barrier na ginawa ng mga familiar at pumwesto na kami sa kanya-kanyang posisyon. Kailangan naming maging alerto.

Kasalukuyan kong kinakalaban ang isang ninja ngayon. As always, mabilis itong kumilos pero mabilis naman akong nakaka-iwas. Kahit na anong gawin niya, napupuruhan ko parin siya. Agad ko siyang napatay at naglaho na sa paningin ko.

Muli akong tumingin sa tower. Tsk! Napakalayo pa namin. Tumatabo ang oras, kailangan ko nang makapunta doon. Kailangan ko nang makaharap ulit si Kuya. Kailangan kong malaman ang dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng 'to.

"Aaaaarrgghh!" sigaw ng mga halimaw habang isa-isa silang sumasabog. Napatingin ako sa kung sino ang may gawa nun at nakita ko si Silver. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong kindatan. Awkward akong ngumiti sa kanya dahil hindi ko alam kung bakit siya nangindat.

Napatingin ako kay Zeth at nag-thumbs up siya sa'kin. Tumingin din ako kay Clyde at nagtaka ako kung bakit bigla siyang umiwas ng tingin sa akin. Lumapit ako sa kanila. Sila ang pumatay sa tatlong malalaking halimaw na 'yun.

"Ang galing niyo." sabi ko sa kanila.

"Tsk, basic lang 'yun." sagot naman ni Silver.

"Yabang mode, on." sabi sa kanya ni Zeth at nagtawanan lang kami.

"I need help here." napatingin ako kay Mist nang sabihin niya 'yun. Agad akong lumapit sa kanya at tinulungan siya.

*boooooom!*

*explosion sfx*

"Thanks." sabi ni Mist sa'kin.

"Walang anuman." sagot ko at bumalik na rin ako sa pakikipaglaban. Pati ang mga familiar namin, hindi din maawat sa pakikipaglaban.

Napatingin ako kay Kiro at seryosong-seryoso siya sa pakikipaglaban. Ang lakas at bilis niya ay kakaiba talaga. Nagulat nalang ako nang bigla siyang tumingin sa'kin at nginitian ako. Napatigil ako saglit at napahinto sa pakikipaglaban.

S-sandali... ano 'tong nararamdaman ko?

Napahawak ako sa dibdib ko at ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ganito? Hindi ko naman maintindihan. Maya-maya, napatakip nalang ako sa mata ko nang may biglang sumabog sa harap ko.

"Focus Asky!" rinig kong sigaw sa'kin ni Yume. Woops, muntikan na ako dun ah. Buti nalang nandyan si Yume para pabalikin ako sa diwa ko!

"Thanks Yume. Life saver ka talaga." sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko ang pawis ko.

"Ikaw kasi. Sa mga kalaban ang focus ha? Hindi sa kanya." nabigla ako sa mga narinig ko mula kay Yume.

H-hindi naman ako nagfo-focus sa kanya ah!

Inilibot ko ang paningin ko at nakita kong marami nang mga taong nakikipaglaban hindi katulad dati. Buong akala ko, kami lang ang nasa mundong 'to. Wait lang... pati ba naman 'yun nawala sa ala-ala ko? Walang tigil ang labanan at nauubos na ang oras. Alam kong hinihintay na ako ni Kuya doon.

*explosion sfx*

*sword flashes sfx*

Kada nasusugatan ako, ginagamot kaagad ako ni Yume. Kakaiba na talaga ang lakas ang mga familiar ngayon. Multi-tasker pa sila. Maya-maya, may lumitaw na limang ninja sa harap ko at na-corner ako. Mabilis silang kumilos at nakakahilo.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon