[W.O.S] CHAPTER 11: UNINTENTIONAL DECISION

3.3K 166 5
                                    

A S H E

"Ano? 'Yan lang ba ang kaya mo?" tanong niya.

Argh! Ang yabang niya talaga! Alam niyo bang kanina pa kami nagte-training at ni isang segundo, hindi niya man lang ako pinagpapahinga? Walang awa!

"Hinahamon mo talaga ako ah. Heto ang sa'yo!" sigaw ko sabay sugod sa kanya.

*sword cracks sfx*

Nanlaki ang mga mata ko at napaluhod dahil nabalian nanaman ako ng espada. Nakailang gamit na ako huhu.

Naka-duel mode kami ni Kiro at may malawak na barrier na nakapalibot sa amin. May gamit kaming wooden sword at kapag malakas ang impact ng tira mo, talagang masisira ito. Syempre hindi naman namin gagamitin 'yung mismong sword namin dahil nagte-training lang naman kami.

Pang-bente ko na atang sword to eh, nabali nanaman. Oo nabalian ko na rin siya pero dalawang beses palang. Ikaw ba naman kalabanin ang isang katulad ni Kiro? Tsaka hello? Lalake po siya at babae lang naman ako. Magkaiba ang lakas namin.

Hinagisan niya ako ng isa pang sword at sinalo ko iyon.

"Isa pa. Diba gusto mong mapalabas ang true strength mo? Work harder!" sabi niya. Tama naman siya eh. Aish! Hindi na nga ako magrereklamo.

Pinikit ko ang mga mata ko at nag-focus. Eto na!

"Game!" sigaw ko.

Tumakbo ako ng mabilis at nang malapit na ako sa kanya, natisod ako ng bigla niya akong pigilan. Napadausdos pa nga ang mukha ko sa kamay niya dahil iyon ang pinangharang niya. Inis kong tinanggal ang kamay niya sa mukha ko.

"Bakit?!" taka kong tanong.

"Gutom na ako." sabi niya sabay deactivate ng barrier. Tingnan mo 'yan. Kung hindi pa siya nagutom, hindi niya pa maiisipang tumigil.

Aish! Padabog akong tumayo at naglakad na. Umupo muna ako sa damuhan.

"Gabi na pala?" sambit ko at tumingin sa langit. Di alintana kanina kasi may illusion sa loob ng barrier. Depende kung anong background ang maga-appear.

*stomach grumbling sfx*

"Hala, gutom na ako. Ayoko namang pumasok sa loob dahil badtrip pa ako sa kanya. Titiisin ko nalang muna 'to." sabi ko sa sarili ko.

Yumuko muna ako at pinikit ang mga mata ko. Pagka-angat ko, may nakita nalang akong sandwich sa harap ko. Inaalok niya ko at tiningnan ko lang siya.

"Ano? Ayaw mo?" tanong niya.

"Wag na. Baka labag pa sa kalooban mo." sabi ko sabay talikod sa kanya. Pumunta siya sa harap ko at umupo. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay doon ang pagkain.

"Kainin mo 'yan. Kailangan mo ng lakas." sabi niya. Nakatingin lang siya sakin ng seryoso.

"S-salamat." sabi ko sabay subo.



K I R O

Kumakain lang siya ng tahimik at walang nagsasalita sa amin. Nakatingin lang ako sa kanya. Maya-maya, napagdesisyunan ko naring magsalita.

"Asky." tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa'kin.

"Bakit?" tanong niya.

"Sorry." sabi ko.

"Sorry saan?" tanong niya.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon