CHAPTER 4: TROUBLED THOUGHTS

9.5K 350 19
                                    

K I R O

Pagkalog-out ko, hindi ko namalayan na umaga na. Napaka-bilis ng oras dito. Buti nalang di pa ako nakakaramdam ng gutom.

Bumaba lang ako saglit para uminom ng tubig at kumuha ng tinapay. Pagkabalik ko sa kwarto, humiga na ulit ako at nakaramdam na agad ng antok. Bigla namang pumasok sa isip ko yung babaeng na-meet ko kanina.

Grabe nakakatawa siya. Para siyang inosente at walang kaalam-alam sa mga nangyayari. First time ko makatagpo ng babaeng katulad niya sa FWO. Ewan ko lang kung makasurvive pa ang isang katulad niya dahil ako mismo sa sarili ko, talagang nahirapan din ako nung nagsisimula palang ako.

By the way, I'm Kiro. IGN ko sa FWO pero hindi ko tunay na pangalan. Matagal na akong naglalaro nito at masasabi kong magaling ako dito.

Naalala ko tuloy nung una kong subok nito. Isa na talaga akong gamer pero hindi ko ipagkakaila na nagdalawang-isip din ako kung lalaruin ko ba 'to o hindi. Bagong-bago kasi siya sa mundo at hindi pangkaraniwan lang. Di ko alam pero may kakaiba akong naramdaman. Magkahalong kaba at excitement. Tapos 'yun, sinubukan ko parin siya. Hindi ko maipaliwanag 'yung naramdaman ko basta ang alam ko lang, sobra akong nabilib. Nabilib ako sa kakayahan ng taong lumikha nito. Hanggang sa na-addict na ako dito.

Nararamdaman ko na ang pagbigat ng mga mata ko. Inaantok na talaga ako. Sige mamaya nalang tulog muna ako.



W I S H

(Setting: In game)

Yo! Well hello there everyone! Ako lang naman ang nag-iisang kaibigan ni Ak. Ang sama niya ni hindi niya man lang ako pinakilala sa inyo. Pero anyway, ako nga pala si Wish Oceana Aquino. Angas ng Oceana no? Pero that's my name! Cool diba?

Kasalukuyan kaming nasa FWO ng mga kasama kong sina Carl, Miguel at Mika. Sila ang mga pinsan ko. Kagagaling lang namin sa battle arena malapit lang sa City of Beginnings kung saan nagaganap ang mga duel sa pagitan ng mga players and guilds. Labanan kasi kanina ng mga top players. Sobrang intense at exciting ng laban nila! Napakarami ding tao. 'Yung feeling na parang nanonood ka ng anime na naglalabanan live!

Napakagaling nila, inggit na inggit ako. Pangarap ko din talaga na lumakas katulad nila kaya ginagawa ko din ang aking best. Another reason din kung bakit nanood kami is para mag-observe at para makakuha ng techniques sa pakikipaglaban. Para naman tumaas-taas konti yung level ko diba. Ang tagal ko na nga dito pero ang baba parin ng level ko. Yung mga pinsan ko nga level 30+ na. Si Carl ang pinakamataas sa amin, level 45. About sa guild, hindi pa kami sumasali. Nagdecide kami na okay na muna 'yung kaming tatlo lang.

Hay ang noob ko talaga.

Pabalik kami ngayon sa central city which is 'yung city of beginnings para bumili ng pagkain. Na-miss ko na 'yung best seller dun kaya 'yun ang bibilhin ko syempre. Nakakuha narin kami ng bahay dito. Dun kami nags-stay kapag nandito kami sa FWO.

Habang naglalakad kami, may napansin akong isang babae na nakaupo sa may malaking bato. Di ko alam pero nakuha niya yung atensyon ko. Biglang gumalaw ang mga paa ko papunta sa kanya. Sinundan lang naman ako ng mga pinsan ko.

"Hi!" sabi ko kaya bigla naman siyang napatingin sa akin. Feeling close ang datingan ko hahaha!

"Ah hi." sabi niya naman. Halatang nagulat siya sa pag-approach ko sa kanya.

"Ikaw lang?" tanong ko naman.

"Ah oo." sabi niya naman.

"Siya nga pala, ako si Zeth. Ito naman mga kasama ko." sabi ko. Zeth, IGN ko 'yun dito sa FWO.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon