[W.O.S] CHAPTER 12: KIRO'S REALIZATION

3.2K 173 13
                                    

A S H E

Tumayo ako sa kama at inayos na ang sarili ko. Kailangan ko ng kumilos.

"Kaya mo 'to Ashe." sabi ko habang tinatapik-tapik ang pisngi ko.

Inayos ko na ang lahat ng gagamitin ko. Hinanda ko na rin ang sarili ko. Pagkatapos kong mag-ayos, napatigil ako saglit at pinagmasdan ko ang room ko.

"Ito na ang huling araw ko dito. Salamat sa pagpapatuloy mo sa'kin." sambit ko.

Umalis na ako dala-dala ang mga ala-ala niya.


*****


Pagkalabas ko ng pinto, tumambad kaagad sa'kin ang malamig na simoy ng hangin. Kailan pa naging malamig ang simoy ng hangin dito? Laging mainit ah? Ganun talaga siguro kapag nagse-senti ka. Nakikisama 'yung weather.

Nilibot ko ang paningin ko. Bakit walang gaanong tao? Maya-maya, napatingin ako sa taas dahil may mga nagliparang ibon. As in marami sila. Alin lang 'yun, either magma-migrate sila o baka may masamang mangyayari.

Tumingin ako sa direksyon ng pinanggalingan nila. Tiningnan kong mabuti at may naaninag ako sa malayo. Napamura nalang ako.

"Shit!" sigaw ko nang marealize kong mga kalaban na pala 'yun. Hindi ko inaasahang susugurin din nila ang city na 'to kaagad.

Habang tumatakbo ako, tingin ako ng tingin sa likod. Takte, ang bibilis nila! Wala na akong ibang choice. Nilabas ko ang sword at sheild ko at hinanda ang sarili ko.

Huminto ako at hinarap ko sila.

*sword flashes sfx*



K I R O

Naglalakad ako ngayon. Ewan ko. Feeling ko wala akong buhay.

Sobrang gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko naman gustong gawin 'yun. Sobrang gusto kong sabihin na hindi ko naman sinasadya. Pero kailangan eh. Kailangan kasi pakiramdam ko unti-unti ng nahuhulog ang loob ko sa kanya.

Alam kong nasaktan ko siya sa mga nasabi ko. Oo sinabi ko na hindi ko siya kaibigan pero kabaligtaran naman lahat ng 'yun. Maling-mali.

Isa pa sa mga dahilan ko ay ayoko na kasi maulit yung nangyari noon. Na hindi ko nanaman magawang protektahan ang taong mahalaga sa'kin. Hindi ko na mapapatawad ang sarili ko kapag naulit pa iyon.

Maya-maya, nakaramdam ako ng kakaibang aura. Siya agad ang pumasok sa isip ko.

"Masama ito." bulong ko. May nagtatakbuhang mga player sa direksyon ko. Hinablot ko 'yung isang lalake sa kwelyo at tinanong.

"Anong nangyayari?" tanong ko.

"Nandyan na sila! Mga kalaban! Mga ninjas!" taranta niyang sabi.

"Eh bakit di niyo harapin?! Bakit kayo tumatakbo?!" tanong ko sa kanya.

"Masyado silang marami. Sinubukan na naming lumaban pero marami kaagad sa mga kasamahan namin ang mga nasawi. Mabuti nga at nakatakbo kami kaagad." sabi niya.

Ibig sabihin kung gaano sila kalakas noon, mas malakas na sila ngayon? Paano ko nasabi? Eh sila ang dahilan kung bakit muntik na kaming mamatay nun.

"Saan 'yun banda?" diretso kong tanong sa kanya.

"Sa may city." sabi niya.

"Shit!" sigaw ko. Tatakbo na sana ako pabalik nang bigla niya akong pigilan.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon