[W.O.M] CHAPTER 3: HIDE MY IDENTITY

6K 284 10
                                    

A S H E

"Mask?" sambit ko at bigla namang nanlaki ang mga mata ko.

I can't believe it! Akalain mo yun? Eto ang nasa utak ko ngayon eh. Kasi 'yun nalang talaga ang naiisip kong paraan para maitago ang mukha ko. Ang galing!

"Sabi na nga ba Asky-sama eh matutuwa ka. Alam ko kasi na iyan ang nasa isip mo kanina pa. Hindi ka na mamomroblema ngayon kung paano mo maitatago ang mukha mo sa mga kakilala mo most especially sa kaibigan mo." sabi niya. Alam niya na nga lahat ah. Napatingin naman ako sa kanya nang bigla siyang manahimik na parang may gusto pa siyang sabihin.

"Tsaka Asky-sama, iniisip ko lang kung bakit ayaw mong malaman ng kaibigan mo na nandito ka. Maganda nga 'yun eh. You can help each other out kapag nagpakita ka sa kanya." tanong niya. Bigla naman akong napayuko nang sabihin niya yun.

"Ano kasi... hindi pwede. Ayokong masaktan ang damdamin niya." sabi ko.

"I see." sabi niya. "She cares for you a lot Asky-sama." sabi niya. He's right.

"Let's go?" sabi ko at sinuot na yung maskara.

"Oh ano? Bagay ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Ang astig nga eh. Bagay na bagay diyan sa uniform mo." pagkasabi niya nun, ngayon ko lang narealize na di pa pala ako nagpapalit ng damit. Magaling, ayos 'to. Hays.

"Nakalimutan kong magpalit ng damit pero ayos na yan. Ang mahalaga may suot diba? Tsaka kanino mo natutunan 'yang salitang astig?" sabi ko.

"Kanino pa ba?" sabi niya sabay taas-baba ng kilay niya.

Bigla kaming nagtawanan.

"Oh siya, halika na?" sabi ko sa kanya at bigla naman siyang tumalon papunta sa ulo ko.

"Alright! Let's gooo!" sabi niya na may kasama pang pagtaas ng kamay. Napa-iling nalang ako. Imba 'tong alaga ko no? Taas ng energy.


*****


"A-anong..." sabi ko at napatakip ako sa bibig ko dahil sa mga nakita ko paglabas namin.

Di ko makayanang tingnan ang lahat ng nasa paligid ko. Nagkalat ang mga dugo kung saan-saan. Marami na agad ang namatay. Pa'no na ang mga pamilya nila? Lalo akong nakaramdam ng galit at pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata ko.

Paano nalang kung nakita nila ako kanina? Edi sana kasama na rin akong nakabulagta dito. Hindi ko na sana muling makikita ang kuya ko.

Tatagan mo lang ang sarili mo Ashe. May katapusan din ito.

"Let's keep going." sabi ko sabay takbo papalayo.



W I S H (Z E T H)

*cough*cough*

"O-okay lang ba kayo?" tanong ko sa mga pinsan ko. Buti nalang at nakaligtas kami kanina.

"O-oo Zeth. Ikaw ba? Mukhang malaki ata ang tama mo sa braso." sabi sa akin ni Mika.

"H-hindi galos lang 'to. Walang dapat na ipag-alala." sabi ko sa kanya.

Buti nalang at wala ang kaibigan ko dito kung hindi di ko mapapatawad ang sarili ko.



A S H E

*huff*huff*

"Kapagod! Alam mo ba kung nasaan na tayo?" tanong ko kay Yume.

"Wag kang mag-alala Asky-sama. Safe tayo dito. Pwede ka na munang magpahinga." pagkasabi niya nun, nakahinga na rin ako ng maluwag.

Nakarating kami sa isang gubat. I think nasa gitna na kami ng gubat. Ang layo na din namin sa city. Tinanggal ko muna ang maskara ko tsaka humiga sa may paanan ng puno.

"Pahinga ka na rin Yume." sabi ko sa kanya.

"I don't need to rest. Responsibilidad kong bantayan ang master ko." sabi niya ng naka-stomach in at chest out. Napatawa naman ako sa ginawa niya.

"Inuutusan kitang magpahinga Yume. Alam kong pagod ka rin. Tsaka sabi mo nga na safe tayo diba?" sabi ko sa kanya. Hindi naman siya nakapagreklamo pa at sinunod na rin ako. Although ayaw niya talaga pero yan ang rule ng mga familiar. Sundin ang inuutos ng kanilang master.

Pagkahiga niya, aba't tulog agad! Okay lang pala sa kanyang hindi magpahinga huh? Ayan, sino ang plakda sa atin ngayon?

Muli akong humiga at napatingin sa langit. Napakaganda ng langit dito. Gabi siya pero hindi lang kulay itim ang makikita mo. May kahalong ibang kulay at makikinang din ang mga bituin. Napaka-peaceful. Kabaligtaran ng nangyayari sa ibaba.

Hindi ko maiwasang hindi isipin ang kuya ko.

Kamusta na kaya siya? Kung nandito man siya, saan kaya siya banda dito sa WOM? Iniisip niya kaya ako? Malamang oo. Ano ka ba naman Ashe. Mahal na mahal ka kaya ng kuya mo.

Nami-miss ko na siya. Iniisip ko lang na, makakaligtas kaya ako dito?

Hay.

Maya-maya, di ko namalayan na nakatulog na pala ako.


*****


*boooommm!!*

Napabalikwas nalang ako ng tayo ng makarinig ako ng isang pagsabog.

"Saan galing yun?" sabi ko. Medyo maliwanag na rin ang paligid. Mag-uumaga na. Pagkatingin ko sa gilid ko, wala na si Yume. Nag-panic agad ako.

Tumayo ako at hinanap ang pinanggalingan ng pagsabog. Nagmamadali akong maglakad.

"Yume please be safe..."

Hindi ko napansin ang naka-umbok na ugat ng puno kaya nadapa ako. Naglanding ang mukha ko sa lupa. Ang sakit nun ah!

"Asky-sama! Are you alright?!" tanong niya na parang maiiyak na.

Yume!

Niyakap ko kaagad siya.

"Anong nangyari? Bakit ganyan ang itsura mo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"May gustong umatake sa'yo kanina kaya I blew it out." sabi niya. Ha?

"Okay ka lang ba? Di ka ba nasaktan?" tanong ko sa kanya habang iniikot siya.

"Yeah. I'm alright Asky-sama. Tsaka medyo maliit lang naman yung halimaw na yun. Halos kasing laki ko lang." sabi niya ng nakangiti kaya napayapos nalang ulit ako sa kanya. Talaga 'tong cute na 'to. Pinag-alala pa ako ng sobra.

"Sure ka bang okay ka lang?" pag-uulit ko.

"Yup!" sabi niya sabay pagkalas ko ng yakap.

"So how's the fight?" nakangiting tanong ko sa kanya.

"Aba malupet! Ang weak niya nga lang Asky-sama eh. Very basic lang. Di man lang nga ako pinagpawisan." pagyayabang niya. Aba mana talaga sa akin 'to.

"Kaya pala puro dumi yang mukha mo." sabi ko sabay pisil ng ilong niya. Nginitian niya ako.

"May surprise ako sayo Asky-sama." sabi niya sa akin.

"Ano naman yun?" tanong ko.

"Check your profile hehe." sabi niya. Ano naman kaya 'yun?

*click*click*

"Omg!"


FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon