[W.O.M] CHAPTER 12: SAVING A FRIEND

4.6K 233 4
                                    

A S H E

May sinasabi sa akin si Kiro habang pinagmamasdan ko sila. Parang ayaw pa i-process ng utak ko ang mga nangyayari dahil malapit sa buhay ko ang mga taong nasa peligro ngayon.

"Kami ng bahala ni Yuri sa iba. Tapusin mo na yung isang 'yun." pagkasabi niya nun, agad na kumilos ang mga paa ko at tumakbo sa kanya. Dumiretso agad ako sa higanteng halimaw na aatake kay Wish. Agad kong inutusan si Yume na umatake at humarang ako sa harap niya para maprotektahan siya.

Sa pangatlong atake ni Yume namatay at naglaho ang halimaw. One-click lang din lahat kay Kiro at Yuri ang ibang mga kalaban. Hindi man lang sila pinagpawisan.

Hindi ko nililingon si Wish. Hindi ko siya magawang tingnan. Sinenyasan ko si Kiro na umalis na kami pero bigla akong napatigil ng banggitin niya ang pangalan ko.

"A-Asky?!" tanong niya. Nilingon ko na siya.

Long time no see... Wish. Sumulyap ako sa taas para makita ang pangalan niya.

Z-Zeth?! Siya si Zeth? Ang unang babaeng na-meet ko dito sa FWO ay walang iba pala kundi ang bestfriend ko. Napakaliit talaga ng mundo.

Hindi ako nagsasalita, nakatingin lang ako sa kanya.

"Asky! Naalala mo pa ba ako? Ako 'to, si Zeth!" sabi niya. Hahawakan niya sana ako pero lumayo ako. Hindi ko parin siya sinasagot.

Sorry Wish... ayoko kasing malaman mong ako 'to dahil ayokong sisihin mo ang sarili mo.

Tumalikod na ako sa kanya at daha-dahan akong naglakad na papalayo sa kanya. Naririnig ko pa ang mga sinasabi niya.

"Masaya ako dahil nagkita uli tayo. Kahit na ayaw mo akong sagutin, alam ko at nararamdaman ko na kilala mo pa ako. Maraming salamat Asky. Kung hindi dahil sa'yo... b-baka hindi ko na ulit makikita ang bestfriend ko." sabi niya. Umiiyak na siya niyan.

Ano ba 'yan Wish! Ang crybaby mo parin!

Napabalik ako sa kanya para yakapin siya. Gusto kong iparating sa kanya na wag na siyang mag-alala sa akin. Durog na durog ako nung makita ko siyang umiiyak. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na wag magbreak-down sa harap niya.

Hindi ko inasahan na magkikita kami at mayayakap ko ulit siya ng ganito. Niyakap ko siya ng mahigpit ngunit mabilis dahil ayoko rin naman na magtaka siya.

"Wag kang umiyak. Hindi makakatulong sa'yo yan." sabi ko sa kanya at pinunasan ang luha niya. Nginitian ko siya at tumakbo na ako papalayo. Sumunod na rin sa akin sila Kiro.

Peste! Ayokong umiyak. Bakit ko iiyakan 'yang babaeng yan? Baliw naman 'yan eh. Pero bestfriend ko parin 'yun.

Nanlambot ang tuhod ko at napa-upo nalang. Hindi ko na napigilan kaya napabulalas nalang ako ng iyak. Umiyak ako ng umiyak habang nakayakap sa tuhod ko.

"A-Asky-sama..." sabi sa'kin ni Yume.

"Y-Yume, p-pa'no kung di natin sila naabutan? Edi sana hindi ko na siya makikita! Kahit baliw yun mahal na mahal ko parin yun!" sabi ko.

Nagulat nalang ako nang itayo ako ni Kiro at niyakap. Mas lalo akong umiyak sa ginawa niya.

"Bakit ka ba ganyan?" sabi ko sa kanya habang pinapalo yung dibdib niya. Hindi niya ako sinasagot.

"Naguguluhan na ako sa'yo. Minsan masungit ka. Minsan mabait ka. Ano ba talaga?! Ang gulo-gulo mo eh." sabi ko sa kanya. Pero imbis na sagutin niya ako, niyakap niya nalang ako ng mahigpit.

"Wag ka ng umiyak. Diba sabi mo nga hindi makakatulong 'yan." bulong niya. "Wag mo ng isipin 'yun. Ang mahalaga, nailigtas mo siya." dugtong niya.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon