[W.O.S] CHAPTER 21: SILVER'S MISTAKE

3K 155 6
                                    

C  A  R  L   (C  L  Y  D  E)

Hindi kami pwedeng basta-basta nalang kumilos. Masyadong mahigpit ang mga bantay. Hindi ko din alam kung bakit hindi ako maka-isip ng paraan!

Kanina pa ako hindi mapakali. Hindi ko alam kung ano bang pwede kong gawin. Hindi ko pwedeng pabayaan at iwanan nalang bigla ang mga tao dito. Kailangan namin silang mailigtas sa puder ng pinuno.

Oo, nasa labanan na nga kami ng kamatayan pero ang tao pa mismo ang nagiging kalaban. Wala siyang pinagkaiba sa mga ito. Halimaw siya. Wala siyang puso.

Pero isa lang talaga ang naiisip kong paraan. Alam kong may mabuting puso si Kiro. Malakas ang pakiramdam ko na babalikan niya kami. Babalikan niya ang mga taong ito.

Kiro, ikaw nalang ang pag-asa namin.



M  I  S  T

"N-nasaan ako?..."

Pinipilit kong buksan ang mga mata ko pero nahihilo ako. Pakiramdam ko... pakiramdam ko may kumokontrol sa'kin. 

Mabigat sa pakiramdam. Parang hinihigop lahat ng lakas ko. Hindi ako makagalaw.

Ayoko na dito... nasaan ba ako?

"Kuya... Asky... tulungan niyo ako..."



S  I  L  V  E  R

Hinahabol ko ang paghinga ko. Muntikan na akong mapuruhan kanina. Akala ko katapusan ko na. Hindi ko maipaliwanag kung gaano na sila kalakas ngayon. Sobrang nahirapan akong tapusin silang lahat. Buti nalang nakalayo na si Asky.

Pinindot ko 'yung blue button at hinanap ang prutas na matagal nang nakatago sa akin. Maraming nagsasabi na nakakapagpagaling ito. Nang makita ko na, agad ko itong inilabas at pinagmasdan muna. Pulang-pula ito at kakaiba. Ang pangalan nito ay luminous berry.

Sa totoo lang, pinahahalagahan ko ito. Na hangga't maaari, hindi ko sana ito magamit. Isa kasi ito sa mga kayamanan ko sa kanya. Oo, galing kay Kiro ito. Ito kasi ang kauna-unahang item na natanggap ko galing sa kanya.

Simula nang maging kaibigan ko siya, pinahalagahan ko na iyon. He's very generous, actually. Bawat makukuha niya, hindi pwedeng hindi niya isi-share sa amin. Nakakagalit lang isipin na nagawa niya iyon. Nagawa niya pang unahin ang sarili niya. Kami na mga kaibigan niya ay pinabayaan niyang mapahamak. Kaming mga kaibigan niya na muntikan nang humantong sa kamatayan dahil sa ginawa niya.

Pero ayoko munang isipin siya ngayon. Mas mahalaga pa sa kanya ang kapatid ko. Kinain ko na ang prutas at nagsimula nang umalis.

May natagpuan akong isang kweba sa kalagitnaan ng paglalakbay ko. Lumapit pa ako ng konti para makita kung ano ba ang nasa loob. Baka ito ang hiding place ng mga ninja. 

Hindi pa man ako nakakalapit, may biglang sumabog. Sa lakas ng impact, pati ako tumilapon.

"The hell! What is that?!" napasigaw nalang ako.

Pinilit kong umupo at tumingin sa kweba. Pagkatingin ko doon, may naaninag akong dalawang ninja pero agad din naman silang nawala. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ang mga player na nagsilabasan galing sa kweba.

Salamat at sila ang nandoon. Matutulungan nila akong mahanap si Mist.

Pinilit kong makatayo kahit na masakit.

"Tulong! May tao dito!" sigaw ko. Maya-maya, may lumapit sa aking dalawang tao at kasunod na nun ang pagkawala ng aking malay.



FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon