CHAPTER 5: EXPECT THE UNEXPECTED

7.4K 327 23
                                    

A S H E

"Ms. Garcia..."

Argh! Bakit may nagtatawag sa aking Ms. Garcia dito sa FWO? Bakit at paano nila nalaman tunay kong apelyido dito? Masyado naman atang pormal ang pagtawag nila sakin.

"Ms. Garcia..."

Ano ba 'yan! Yan nanaman!

"Ms. Garcia!"

Bigla akong napatayo nang magulat ako sa isang sigaw.

"Teka, anong ginagawa ko dito? At bakit tao ang pagmumukha niyo? Nag-iba na ba? Tsaka ma'am, bakit nandito rin kayo?" tanong ko sa kanila.

"Anong bang sinasabi mo? Nandito ka lang naman para pumasok at hindi para matulog sa klase ko! At anong sinasabi mong nag-iba? Earth 'to at mga tao ang nandito. Bakit? Di ka ba natulog magdamag?" sabi ni... m-ma'am?!

Bigla naman akong kinilabutan. Bigla kong narealize na muntikan na ako dun. Yikes! Si ma'am pala yun. Lagot na! Natyempuhan ko pang itong prof na masungit.

Ang malas ko naman!

"Sorry po ma'am. Kagabi lang po kasi umuwi si kuya kaya medyo alam niyo na, nag-bonding po hehehe." excuse ko na may kasama pang hand gestures. Woooohhh! Buti nalang matalino ako. Ang bilis magproseso ng utak ko.

"Sige. Pagbibigyan kita ngayon. Next time get enough sleep hindi 'yung puro paglalaro ang inaatupag." sabi niya.

Wow ma'am pa'no niyo po nalaman? Galing ni ma'am ah.

"Yes po ma'am. Thank you po." sabi ko.

"Ok, you may now sit." sabi niya.

Hay nakaligtas! Ano bang nangyari? Nakatulog ako? Napuyat ako eh. Pano ba naman kasi naglaro ako ng 12:00 midnight hanggang 7:00 A.M. Grabe seven hours. Walang tulog buti hindi ako nagmukhang zombie.

Habang nagle-lesson si ma'am, talagang pinilit ko yung sarili ko na makinig. Ayoko nang mapahiya ulit. Kahit papaano naman nakakasagot ako sa mga tanong niya. Buti nalang nakabawi ako kaagad.

Di nagtagal at maaga ding nagpa-dismiss ang prof namin. Darating daw kasi yung dean at may importanteng sasabihin daw.

Nagulat nalang kami dahil nandyan na siya bigla. Kanina pa ba siya nakatayo sa harap ng pinto? Nagulat din si ma'am pagkabukas niya. Basta-basta lang siya pumasok na parang wala lang.

"Good morning. There will be no classes in the afternoon due to some circumstances that occur in our school..." parang robot siyang nagsasalita. Nakatulala lang siya at parang may mali sa kulay ng mga mata niya. Bigla naman nagwala ang mga tao dito sa room pagkatapos niyang magsalita.

"Yes! Maaga akong makakapaglaro ng FWO!" sigaw nung isa.

"Oo nga! Hahaha! Ang saya!" sigaw naman nung isa.

Kanya-kanya silang sinasabi hanggang napansin ko na biglang tumingin sa'kin yung dean at ngumiti. Nanlaki ang mga mata ko.

Ang creepy. Parang may masamang mangyayari sa likod ng mga ngiti niya. Masama ang kutob ko.

Hindi ko inasahan ang mga sumunod na salitang binanggit niya.

"Enjoy." pagkasabi niya nun, bigla na siyang umalis kasama yung prof namin. Hindi man lang ba nagtaka si ma'am sa mga kinilos ni dean? Bakit 'yung mga kaklase ko parang wala man lang napansin? Bakit parang ako lang 'yung naguguluhan dito?

Halos nanginginig ako ngayon. Buong katawan ko nanigas. Ano yung tinutukoy niya? Bakit ganun siya? Parang may mali.

Napasinghap nalang ako bigla nang may humawak sa balikat ko. Si Hiling lang pala.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon