[W.O.S] CHAPTER 17: PEOPLE'S DISAPPEARANCE

3K 142 5
                                    

K I R O

Nagsimula na akong tumakbo. Halo-halo ang nasa isipan ko ngayon. Para akong mababaliw. Hindi ko alam kung ba ang uunahin ko.

Si Asky. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nawala siya. Kailangan ko nang mahanap siya!

"Asky!" sigaw ko at nag-echo ang boses ko sa buong paligid.

"Asky!" sigaw ko ulit. Maya-maya, hindi ko napansin na may naka-angat palang ugat ng puno kaya natisod ako doon. Narinig kong tumunog ang buto ko sa tuhod.

"Argh!" sigaw ko habang namimilipit.

Bakit ba ganito? Bakit ba kailangan kong maghirap ng ganito?

Pinilit kong tumayo pero bawat pagtayo ko, natutumba ako. Gumapang ako papalapit sa puno, kumapit ako dito at pinilit na maitayo ang sarili ko.

Humangin bigla ng napakalakas. Rinig na rinig din ang kaluskos ng mga sanga sa sobrang katahimikan.

Nilibot ko ang paningin ko at hindi ko inasahan na ang mga sumunod na nangyari.



A S K Y

Inilabas ko ang sword ko agad na lumayo sa kanya.

"Humanda ka!" sigaw ko. Pagkaharap ko sa kanya, si Silver lang pala. Siya lang pala ang humawak sa balikat ko kanina. Napahawak ako sa dibdib ko at nakahinga ng maluwag.

"P-pasensya na akala ko kalaban ka." sabi ko sa kanya. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.

"I'm glad you're okay. Nag-alala ako kasi bigla ka nalang nawala sa paningin ko." sabi niya. Kumalas naman ako agad sa pagkayakap niya.

Nakakapagtaka na ang mga kinikilos ni Silver. Parang ewan.

"I'm okay. Ano bang ginagawa mo?" diretso kong tanong sa kanya.

"I-I'm just worried." sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. "Bigla kasing dumilim baka may masama nang nangyari sa'yo." dugtong niya.

"Kaya ko naman ang sarili ko Silver. Salamat." sabi ko nalang. "Teka, nasan nga pala si Mist?" tanong ko.

"Hindi ko nga alam eh. Kung saan-saan pa kasi nagpunta." sagot niya. "Teka hanapin natin baka naggagala lang yun." sabi niya at nagsimula na kaming hanapin si Mist.

"Mist!" tawag ko sa kanya.

"Mist where are you?!" sigaw ni Silver.

Tawag lang kami ng tawag sa pangalan niya. Pero walang Mist na sumasagot.


(1 hour later...)


Nag-aalala na si Silver.

"Mist stop hiding okay?! Hindi na nakakatuwa! Alam kong mahilig kang magtago pero seryoso, lumabas ka na!" sigaw niya pero wala parin. Wala paring sumasagot.

Nag-aalala na rin ako. Nasan na kaya siya? Kanina magkakasama lang naman kami. Pero bago magdilim, umalis siya.

"Asky..." sabi niya sakin.

"Nandyan lang siya Silver. Mahahanap din natin siya." pagpapalakas ko ng loob niya.

"Buti nalang nandito ka. Hindi ko mapigilang hindi mag-alala eh. Pero tama ka Asky, naniniwala akong makikita natin siya." sabi niya.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon