[W.O.F] CHAPTER 9: OVERCOMING FEARS

2.2K 97 2
                                    

S I L V E R

Ano bang nangyayari kay Kiro?

Naiintindihan ko kung bakit niya nagawa ang bagay na 'yun. Kung ako rin naman ang nasa posisyon niya, kung ako 'yung nakakita nun, baka mas grabe pa ang ginawa ko. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Nakapatay siya at alam kong hindi niya kailanman matatanggap 'yun. Pero hindi niya naman dapat na hayaang mamatay na din siya. Muntikan na nga siyang patayin nung lalaki kanina kaya bigla ko siyang sinangga. Pinipilit kong iwasan ang mga tira niya at nung nakakita ako ng tsempo, agad ko siyang sinipa kaya nakatakbo kami.

Nagtatago kami ngayon sa isang eskinita. Hanggang ngayon tulala parin siya. Tuloy-tuloy lang ang pagtulo ng luha niya. Hindi namin alam kung ano ang sasabihin namin sa kanya. Alam namin na hindi biro ang nangyari kaya ni isa, walang nagsasalita sa amin.

"Hindi ko sinasadya..." sabi niya ulit. 'Yan ang paulit-ulit na sinasabi niya simula pa kanina. Naawa ako sa kanya sa totoo lang. Ako nga 'tong kaibigan niya na wala man lang magawa. Ni wala ngang ding masabi.

"Hindi ko sinasadya..."

"Kiro, hindi mo naman talaga 'yun sinasadya. Tinulungan mo lang naman 'yung bata eh." sabi sa kanya ni Zeth.

"Pero pinatay ko parin siya. Anong point pa nung pagpatay ko sa kanya? Wala din diba? Namatay parin naman 'yung bata. Maling-mali 'yung ginawa ko. Nakapatay ako." sabi niya. Nakatingin lang ako sa kanya. Parang gusto ko na ring maiyak.

"Hindi ko talaga sinasadya..." sabi niya habang nakatingin parin sa mga kamay niya.

"Kiro ano ba?! Para kang sirang plaka eh! Paulit-ulit ka! Sinabi na ngang hindi mo sinasadya diba? Tinulungan mo lang naman yung bata. Hindi naman natin inaasahan na mangyayari yun eh. Hindi ikaw ang may kasalanan dito kundi 'yung lalaki. Naiintindihan mo ba? Kaya please... tigilan mo na ang pagsisisi sa sarili mo!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at nakapagsalita na ako sa kanya.

Ano? Patuloy na niya lang bang sisisihin ang sarili niya? Walang mangyayari kung ipagpapatuloy niya lang 'yan. Alam kong hindi naman namin siya masisisi. Napatingin ako sa kanya at nakayuko lang siya. Nakatingin lang din si Clyde sa kanya. Siguro naalala niya 'yung ginawa niya kanina.

Hay nako, talaga naman oh! Ayoko rin namang lumabas. Ang dami ng nagpapatayan sa labas. Ano bang nangyayari sa mundong 'to? Ibinagsak ko nalang ang sarili ko at umupo.

"Sumasakit na ang ulo ko." sabi ko habang hinihimas ko yung ulo ko. Tumingin ako kay Kiro, nakayuko lang siya. Mabuti naman at tumigil na siya.

"Bro." tawag ko sa kanya. Nakayuko parin siya at hindi ako pinansin.

"Kiro." seryoso kong tawag sa kanya kaya tumingin na siya sa akin.

"Hanggang kailan mo sisisihin ang sarili mo?" tanong ko sa kanya at napayuko uli siya. "Masakit sa batok 'yang ginagawa mo." sabi ko sa kanya at nilapitan siya.

"Kiro, para saan pa't nandito kami ng kaibigan mo? Hindi mo kailangang magmukmok at isipin nalang 'yan habang buhay. Kung ako ang nasa posisyon mo ngayon, baka ganyan din ang maramdaman ko. Pero Kiro, what you did is right. 'Yung pagtatanggol mo dun sa bata? Mabuti 'yun. Isipin mo ha, kung hindi mo naman pinatay 'yung lalaki, mas matindi pa 'yun dahil hinayaan mo nalang na mamatay 'yung bata sa mga kamay niya." paliwanag ko sa kanya. "Isipin mo nalang si Asky. Hahanapin pa natin siya diba?" dagdag ko. Hindi niya man ako sinasagot pero alam kong nakikinig siya.

"Tama siya Kiro." sabi ni Zeth at nginitian ko nalang siya.



K I R O

Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap ang ginawa ko. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko ang bagay na 'yun. Tsaka yung bata, hindi ko na nga siya nailigtas, nakapatay pa ako.

Hindi ko naman sinasadya 'yun. Hindi ko naman talaga sinasadya diba? Parang gusto ko nalang mamatay. Mas mabuti pa nga siguro na mangyari nalang 'yun sa taong katulad ko. Pero nung narinig ko ang pangalan ni Ashe, naliwanagan ang isip ko.

Si Asky. Siya nalang ang natitirang dahilan kung bakit nananatili pa akong buhay ngayon. Inangat ko ang ulo ko at tumingin ako sa mga kaibigan ko. Nakangiti sila sakin. Pero sa likod ng mga ngiting iyon, kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata nila. Hindi ko alam kung ano ang ba ang sasabihin ko.

"Kiro." napatingin ako kay Zeth at nakangiti siya sakin. "Cheer up! Hahanapin pa natin si Asky diba?" sabi niya.

Susubukan ko. Pipilitin ko, para sa mga kaibigan ko. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Salamat." sabi ko at tumingin ako kina Silver at Clyde. "Salamat sa inyo." sabi ko sa kanila.

"Kami ang dapat na magpasalamat sa'yo dahil pinilit mong pakinggan kami. Alam namin na matagal pa bago mo tuluyang makalimutan 'yun pero kahit papa'no, nagawa mo paring labanan ang sakit na nararamdaman mo. Wag mo ng isipin 'yun." sabi sa'kin ni Clyde at tinanguan ko siya.

Tama sila.

"So, ano ng gagawin natin ngayon?" tanong ni Silver.

"Actually, hindi ko alam. Ayokong makitang magpatayan ang mga tao. Ayoko nun. Hindi ko kaya." sabi ni Zeth.

Napatingin ako sa sword ko. Ito ang ginamit ko sa pagpatay sa lalaki kanina. Parang hindi ko na 'to kaya pang hawakan. Hindi ko alam, baka kung ano pa ang susunod na magawa ko. Ayokong mangyari 'yun.

Ikinuyom ko ang kamao ko. Kasalanan 'to lahat ng gumawa ng larong 'to. Gagawin ko ang lahat para mahanap siya. Hindi ako magdadalawang-isip na pagbayarin siya sa lahat ng ginawa niya.

"Isa lang ang naiisip kong pwede nating gawin." napatingin kami kay Clyde nang magsalita siya.

"Ang tumakbo lang muna ng tumakbo at magtago. Hangga't maaari, hindi dapat tayo masali o mapunta sa gitna ng giyera. Gagawa tayo ng paraan para matakasan 'to ng hindi nakakapatay." sabi niya. "Tsaka naalala niyo ba 'yung sinabi niya? 'Yung tungkol sa Illusion? Hahanap tayo ng paraan para mawasak natin 'yun." dugtong niya.

Oo nga pala, isa pa pala 'yun. Kailangan kong maka-isip ng paraan sa lalong madaling panahon bago pa kami maubos lahat.

"Illusion..." sabi ni Zeth habang nakahawak sa baba niya. "Gets ko na!" sabi niya.

"Illusion, 'yung mga spells na ginawa natin noon. Malamang isa lang 'yung ilusyon." paliwanag niya.

"Maaari." sagot ni Silver. "Pero--hay ewan! Ang hirap naman nito." dugtong niya. Maya-maya, napatingin ako kay Clyde nang bigla siyang magsalita.

"Kailangan na nating umalis dito." pagkasabi niya nun, sinilip ni Silver kung ayos na ba na lumabas kami. Pagka-senyas niya na ayos na, umalis na kami sa lugar na 'to.



W I S H (Z E T H)

Napatakip nalang ako sa bibig ko. Kitang-kita ng mga mata ko ang mga player na isa-isa nang naglalaho. Napakadami na ng mga namatay.

Hanggang kailan pa ba? Oo, malapit na ngang matapos ang mundong 'to. Oo malapit na maging maayos ang lahat pero sa paraang 'to? Na kailangan isa lang ang matira? Ang hirap. Sobrang hirap. Hindi ko na kaya.

Darating ba sa point na kailangan kong harapin ang tatlong lalaking 'to na naging parte na ng buhay ko? Darating ba sa point na kailangan kong kalabanin ang mga kaibigan ko? Para lang mabuhay ako?

Bakit? Bakit kailangang magpatayan pa para lang matapos ang mundong 'to? Hindi ko na maintindihan eh.

"Kailangan na nating umalis." rinig kong sabi sakin ni Silver. Hinawakan niya ako sa balikat at umalis na kami.












FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon