[W.O.S] CHAPTER 28: THE LOST MEMORIES

2.3K 94 4
                                    

A S H E

"Ashe?..." sambit niya at lalo pa akong nagtaka nang yakapin niya ako. Agad siyang kumalas sa pagkayakap at tiningnan niya ako sa mata. Hinawakan niya din ang mukha ko.

Bakit alam niya ang pangalan ko? At paano niya ako nakilala?

"Akala ko hindi na kita makikita..." sabi niya. "Tama nga ang pinaniniwalaan ko. Buhay ka pa nga..." dugtong niya.

Parang gusto kong maluha sa mga sinasabi niya. Pero bakit?

"K-Kiro?" takang sabi ko. Familiar sa'kin ang pangalan niya pero hindi ko talaga matandaan kung saan at paano ko siya nakilala. "Sino ka?" tanong ko sa kanya at nagulat ako nang biglang mag-iba ang expression ng mukha niya. Tumingin siya kay Mist na kasalukuyang nasa tabi ko lang at tinanong niya ito.

"M-Mist, anong nangyari? Bakit... bakit hindi niya ako kilala?"



K I R O

"Sino ka?" tanong ni Ashe sa'kin. Nagulantang ako sa mga sinabi niya kaya bigla akong napatingin kay Mist at kinausap siya.

"M-Mist, anong nangyari? Bakit... bakit hindi niya ako kilala?" takang tanong sa kanya. Nagsimula na akong mag-alala. Bakit hindi niya ako kilala? Bakit hindi niya ako maalala? Bakit parang nabura ang memorya niya?

Tiningnan ako ni Mist nang may malungkot na emosyon.

"Kiro... ano kasi--" hindi niya naituloy dahil may biglang nagsalita.

"M-Mist?..." sabi ng isang lalaki. Napatingin ako sa kanya at sobrang saya ko nang makitang buhay siya.

"K-kuya..." sambit ni Mist at agad niyang niyakap ang Kuya niya. Halos malaglag na ang puso ko nang makita ko ulit si Silver. Napakagandang balita ito para sa akin. Napakasaya ko dahil nakaligtas parin siya.

"Kuya, miss na miss na kita! Akala ko hindi na tayo magkikita!" sabi ni Mist habang patuloy lang sa pag-iyak.

Halos hindi makapagsalita si Silver. Kitang-kita ko na masayang-masaya siya dahil sa wakas, nagkita narin sila ni Mist. Tumingin siya sa'kin at bumulong.

"Salamat..." sabi niya. Kumalas na sila sa pagkayakap sa isa't-isa at tumingin sa'kin si Silver. "Panahon na para malaman ni Asky." sabi niya sa'kin. Bigla akong nag-alala nang marinig ko ang mga sinabi niya.

"S-si Zeth? Kamusta siya Silver? At si Clyde?!" sunud-sunod na tanong sa kanya.

"Maswerte lang talaga tayo Kiro. Buhay din sila kaso... critical ang sitwasyon ni Zeth ngayon." sabi niya at hinawakan niya ako sa balikat. "Nandun sila sa may ilalim ng puno. Kasalukuyan siyang pinapagaling ng familiar niya." sabi niya at tinuro niya ang malaking puno. Nandoon si Zeth at Clyde, naka-upo sa lapag. Agad akong tumayo at hindi na ininda ang sakit na nararamdaman ko pagkasabi ni Silver nun. Hinawakan ko ang kamay ni Ashe at sinama siya papunta sa kanila.

"Ang kaibigan mo." sabi ko kay Ashe habang tumatakbo kami. Binilisan niya din ang takbo kahit na kita mo sa mga mukha niyang nag-aalangan siya kung bakit siya sumusunod.

Nakikipaglaban ang mga tao ngayon kaya nagkaroon kami ng pagkakataong makapag-usap ni Ashe. Dito kami dumadaan malayo sa mga kalaban para hindi kami mapunta sa alanganin. Pagkarating namin kila Clyde, agad na nag-activate si Yume at Yuri ng barrier. Alam kong sobrang tibay nito at hindi ito agad na masisira pero limited lang ang itatagal nito. Pagkatapos nilang magpalabas ng barrier, tumulong narin sila sa paggamot kay Zeth.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon