[W.O.M] CHAPTER 11: SCHOOL GIRL NO MORE

4.9K 235 16
                                    

A S H E

"Ah hehe." napakamot nalang ako sa ulo. Masama parin ang tingin niya sa akin. Anong ine-expect mo Ashe? Tawanan ka lang niya?

*face palm*

"Kiro, sorry na." pagmamaka-awa ko sa kanya.

"Ikaw kasi Asky-sama eh. Kung hindi dahil sa kanya baka wala ka na dito ngayon." sabi ni Yume. Kasi naman eh, bakit ba ganun agad ang pumasok sa isip ko? Ang tanga-tanga mo Ashe Kyle Garcia. Hindi ka man lang nag-iisip.

"Kiro..." tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Sorry na." sabi ko uli.

"Tsk. Kamusta pakiramdam mo?" tanong niya. Napangiti ako ng malapad. Sabi ko na di mo din ako matitiis eh!

"Maayos na maayos. Thank you!" sabi ko at tumango siya.

"Nga pala, bahay mo 'to?" tanong ko.

"Oo." sagot niya habang inaayos niya 'yung higaan. Umupo ako sa upuan at tiningnan 'yung sugat ko sa binti. Nagulat ako nang makita kong wala na ito. Ni bakas wala na akong makita. Parang wala lang nangyari.

"Wow..." sambit ko.

"Wag ka masyadong ma-amaze. Parang yan lang." sabi niya. Balik sa sungit mode nanaman siya.

Napatingin ako kila Yume at Yuri na nag-uusap sa tabi ng bintana. Mukhang nagkakasundo na sila.

Ngayon ko lang napagmasdan ng mabuti si Yuri. Mas matangkad pala siya kay Yume . Napatingin ako kay Kiro ng bigla siyang magsalita.

"Hindi tayo pwedeng magtagal dito. Pakalat-kalat lang ang mga kalaban sa tabi-tabi. Baka mamaya bigla nalang silang sumulpot dito." sabi niya.

"Pero pa'no nga kung mangyari yun? Pa'no na yung bahay mo?" tanong ko.

"Wala. Ganun talaga." sabi niya. Hay. Sayang naman 'yung golds na nagastos niya dito.

Naisipan kong pindutin yung blue button para i-check ang status ko.

Woah. Tumaas na 'yung level namin ni Yume. Level 15 na ako at level 17 naman si Yume. Grabe ang laki ng itinaas. Sa pagkaka-alala ko kasi mataas 'yung level ng minotaur na kinalaban namin kahapon. Napansin ko rin na may red na dot mark 'yung inventory ko.

Huh? May bago akong item?

Nagpunta ako sa armor section. May bago akong item sabi dito. Hmm, Crimson Robe? Pinindot ko ang 'equip' at agad na napalitan ang damit ko.

(ctto of the image below)

[Crimson Robe]

Tumayo ako at tiningnan ang sarili ko sa salamin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumayo ako at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Hindi ko in-expect na bumagay pa siya sa mask ko. Ang angas nito, ang cool ng dating! Goodbye school uniform and hello to a new avatar armor! Mukha na talaga akong gamer nito yes naman.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon