[W.O.M] CHAPTER 14: WORLD OF MONSTERS MULTI-BOSS BATTLE

4.5K 214 8
                                    

A S H E

Hinanap ko agad sila Kiro pagkaliwanag. Para akong naghahanap sa gitna ng giyera. May mga tao na napako sa kinatatayuan nila, hindi makagalaw. 'Yung iba, halos hindi na makatayo.

Hindi pa nagsisimula ang laban. Nakakabingi ang katahimikan.

Nasaan na ba kayo? Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko sila nakikita.

Napatingin ako sa likod ko nang may humawak sa balikat ko. Niyakap niya kaagad ako at yumakap din ako pabalik.

"Finally found you." sabi ni Kiro.

Napatingin ako kay Yuri. Napakaganda niya. Napansin ko din na ang dating kulay itim niyang buhok, naging puti na ngayon at nagkaroon ng transition from light to dark ang buntot niya. Si Yume nagkaroon naman ng highlight na white ang buhok niya. 'Yung buntot niya ay may transition naman na dark to light.

(ctto of the image below)

Nilibot ko ang aking paningin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nilibot ko ang aking paningin. Kung bibigyan lang ako ng lakas, ako nalang mismo ang makikipaglaban sa kanila para wala ng magbuwis pa ng buhay. Kung kaya ko lang sila lahat protektahan, gagawin ko para wala ng masaktan pa.

Hindi ko kayang panuorin kung pa'no sila mamatay. Hindi ko kaya.

Maya-maya, napatingin ako sa mga halimaw dahil unti-unti na silang gumagalaw. Hinanda ko na ang sarili ko at lumapit kay Kiro.

"This is it." sambit ko.

"Yeah..." sabi niya at hinawakan ko ang kamay niya.

"Kiro, thank you sa lahat. Hindi ako makaka-abot sa puntong 'to kung hindi dahil sa'yo. Ikaw ang naging sandigan ko sa mundong ito. Ngayong nandito na tayo, gawin nalang natin ang best natin. Alam kong matatapos natin ito ng buhay. Magtutulungan tayong lahat. Nandito lang ako sa tabi mo." sabi ko sa kanya.

Naramdaman kong hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko.

"Alam mo sa totoo lang, natatakot din ako. Pinanghihinaan din ako. Pero nang marinig ko ang mga sinabi mo, bumalik ang lakas ko. Tama ka. Hindi lang dito matatapos ang lahat. Magtutulungan tayo. Gaya ng sabi mo, nandito lang din ako sa tabi mo." sabi niya. Nginitian ko siya.

"Kaya natin 'to." sabi ko sa kanya at tinanguan niya ako. Humarap na kami sa mga kalaban at nagsimula ng umilaw ang mga mata nila. Na parang binuhay na sila.

"Yume/Yuri!" sabay naming sigaw at pumwesto na sila.

"Let's do this." sabi ni Yume kay Yuri.

"Yeah right." sagot niya at nagfist-bump sila.

Nagsigawan na ang mga halimaw at nagsimula ng magkagulo ang lahat.

Sumugod kaagad kaming apat. Nangunguna ang mga familiar at sumusunod lang kami sa kanila. Tumatakbo kami sa pagitan ng mga tao. Nang makarating kami sa paanan nung isang higante, inutusan agad ni Kiro so Yuri na magpalabas ng thunder rope. Itinali niya ito sa katawan nung higante kaya hindi na nito magamit pa ang kanyang mga kamay. Dali-dali rin itong bumagsak. Pagkatapos nun, inutusan ko agad si Yume na magpalabas ng flame needles.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon