[W.O.S] CHAPTER 23: KIRO & HIS FAMILIAR, YURI

3K 137 10
                                    

W I S H (Z E T H)

"Talagang 'yun pa talaga ang naisip mong gawin huh? At may payuko-yuko ka pang nalalaman." sabi ni kuya Carl habang nagpipigil ng tawa.

Nandito kami ngayon kung saan namin nakita si Silver. Gaya ng pinag-usapan. Tulog na ang mga player kaya matiwasay kaming nakalabas.

"Eh 'yun nalang naiisip ko eh." sagot naman ni Silver.

"Pero infairness, mabenta naman." sabi ko. "Pero wag kang matuwa dahil nakuha mo agad ang tiwala niya. Hindi mo kilala ang pinuno. Hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin." dugtong ko.

"Alam ko naman 'yun." sagot niya. "So ano ng plano natin?" tanong niya. Magsasalita palang sana ako nang bigla akong pigilan ni kuya Carl.

"Sshhh..." senyas niya sa amin.

"Bakit?" bulong ko. Maya-maya, may nakita akong mga tao na naglalakad. May hawak silang mga torch.

"Tsk. Ano nanamang mga pakulo 'yan? At kailan pa sila nagro-ronda?" sabi ni kuya Carl.

"Oo nga. Di natin alam yan ah." sagot ko naman. Nakita ko na nag-uusap sila.

"Sigurado ba kayong tama 'tong ginagawa natin?" tanong nung isa.

"Oo. Ito nalang ang tanging paraan para makawala dito kaya kailangan na nating magmadali bago pa nila malaman." sagot naman ng kasama niya.

Hindi. Hindi sila mga nagro-ronda. Tatakas sila.

"Pero alam natin na mamamatay tayo kapag nahuli nila tayong tumatakas." sabi niya.

"Kaya nga bilisan na natin!" sagot ng kasama niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya lumabas na ako sa pinagtataguan namin.

Pumunta ako sa kanila at hinarap sila.



S I L V E R

Nagulat ako nang biglang tumayo si Zeth at lumabas mula sa bush na pinagtataguan namin kaya ayun, napalabas na rin kami.

Nakayuko lang siya. Tumingin ako sa mga player. Halatang-halata mo ang pagkagulat sa kanilang mga mata. Maya-maya, nagsiluhuran sila at nagmaka-awa.

"Wag po! Wag niyo po kaming patayin. Maawa po kayo!" pagmamakaawa nila. Inangat na ni Zeth ang mga ulo nila at niyakap sila.

"Wag kayong matakot. Kakampi niyo ako. Kakampi niyo ako..." sabi niya. T-teka, umiiyak ba siya?

Nakatingin lang ako sa kanya.

Sincerity and kind heart. Iyan ang mga katangiang natutuklasan ko sa kanya ngayon.



A S H E

Nagpahinga muna kami sandali. Nitong mga nakaraang araw, hindi ako nakakaramdam ng pagod pero iba na ngayon.

"Baka nakakalimutan mo, totoong nangyayari 'to. Napapagod din ang katawan mo. You need to rest." sabi sa'kin ni Yume.

"Oo Yume, salamat." nakangiting sabi ko sa kanya. "Ikaw, hindi ka ba magpapahinga?" tanong ko sa kanya.

"I don't need it. I have to protect you." sabi niya. Hinila ko siya papunta sa akin at pinisil ko ang pisngi niya.

"Why are you so serious? Nami-miss ko na 'yung dating Yume." nakanguso kong sabi sa kanya. Nakaka-miss na 'yung maingay at makulit na Yume.

"Wala lang." sagot niya naman. Ano ba 'yan! Nakakatampo na siya.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon