[W.O.S] CHAPTER 9: BEGINNING OF FRIENDSHIP (KIRO'S PAST PT. 2)

3.4K 159 4
                                    

(Continuation of the flashback...)


K I R O

Pagdilat ko ng mga mata ko, nanlaki talaga sila.

"T-totoo ba 'to?" 'yan ang mga salitang unang lumabas sa bibig ko at inilibot ko kaagad ang paningin ko.

"Hindi nga ako nagkakamali. Totoo nga. Nandito na ako." sabi ko. Kinurot ko pa nga 'yung sarili ko pero di naman ako nasaktan.

"Astig ah! Hindi ako nasaktan pero feeling mo parang nandito ka talaga." manghang sabi ko.

Napalingon ako sa likod ko ng makarinig ako ng malakas na hangin. Kasabay nun ang paglitaw ng dalawang tao mula sa liwanag.

Teka, ganito rin ang nilabasan ko nung makapasok ako dito. Ibig sabihin lang nun, isa rin silang player. Babae't lalake sila. 'Yung lalake nakasimangot tapos yung babae naman todo ang ngiti sa akin.

Palapit sila ng palapit habang ako naman ay palayo ng palayo. Napatigil nalang ako nang maramdaman kong wala na akong maatrasan. Pag umatras pa ako, mahuhulog na ako. Bangin na kasi ang nasa likod ko.

"Hi! Newbie ka?" tanong sa'kin ng babae. Hindi dapat ako magtiwala kaagad sa taong kakakilala ko lang.

"Hindi. Matagal na ako dito." walang gana kong sabi. Aalis na sana ako nang bigla niya akong pigilan.

"Sandali lang. Ano kasi--uhm, bago palang ako dito. Pwede mo ba akong tulungan? Hindi ko kasi alam kung paano 'to hehe." sabi niya.

"Eh siya?" tanong ko sabay turo dun sa lalake.

"Anong siya?" taka niyang tanong.

"Bago lang din ba siya?" tanong ko.

"Hindi--"

"'Yun naman pala eh. Sa kanya ka nalang magpatulong." sabi ko.

"Eh pero..." sabi niya at yumuko siya.

Tae naman. Bakit ko ba kasi sinabi na matagal na ako dito? Mukha naman silang mabait. Mukha namang hindi sila katulad ng mga kaklase kong mayayabang.

Hinawakan ko ang baba niya at inangat ang ulo niya. Nabigla naman ako nang lumayo siya.

"A-ano sige pala okay na. Thank you nalang hehe." walang preno niyang sabi. Napatawa nalang ako.

"Pasensya na ah. Hindi kasi ako yung tipo ng tao na padalos-dalos eh. Tsaka mukhang hindi naman kayo masama kaya--" di ko naituloy kasi bigla siyang nagsalita.

"Grabe ka naman. Ako mukhang masama? Cute ko kaya." nakangiting sabi niya.

"Di pa ba tapos?" biglang singit naman ng kasama niya.

"Sungit mo no? Nakikipag-kaibigan lang eh." sabi sa kanya ng babae. Nakakatuwa naman silang tingnan. Para silang aso't pusa haha.

"Bro, pasensya na ah. Maingay talaga ang babaeng 'yan." sabi niya sa'kin.

Wow. Hindi ko inaasahang kakausapin niya ako. Nakakagulat siya ah.

"Ah ok lang 'yun." sagot ko naman.

"Luh bakit sa kanya di ka nagsusungit? Unfair!" sigaw niya sabay walkout. Nagtinginan kami at nagkibit-balikat. Sinundan na lang namin siya.

Ito ang unang araw na wala akong nakabunggong kaaway. Ito ang unang araw ko na magkaroon ng kaibigan.

Masaya pala.


*****

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon