[W.O.F] CHAPTER 15: THE TWINS

2K 89 0
                                    

S I L V E R

(Time: 8:00 A.M.)

"Iniisip mo parin ba 'yun?" tanong ko kay Kiro at umakbay sa kanya. Grabe naman pala 'yung napanaginipan niya. Naikwento niya sa'min ang bawat detalye. Base sa kinuwento niya, mukhang hindi lang basta nanaginip si Kiro kundi binangungot siya.

Bakit parang naramdaman ko na may kakaibang ibig sabihin 'yun? Ang brutal naman ng pagkamatay ko dun. Ako mamamatay ng ganun?

Naramdaman kong huminga siya ng malalim.

"Kiro, wala ka bang tiwala sa'min? Kami hahayaan naming mamatay ng ganun? Panaginip lang 'yun Kiro. Malayo sa reyalidad." pagpapagaan ko ng loob niya.

"Sana nga tama ka." sabi niya. Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Malayo sa mga tao, malayo sa posibilidad na makapatay ng tao at malayo sa kamatayan.



K I R O

Hindi mawala sa isip ko ang bangungot na 'yun. Hindi din mawala ang takot sa dibdib ko. Magkahalong takot na mamatayan uli at takot na mawalan ng kaibigan.

Pero sa panaginip na 'yun, halatang-halata na wala akong pakialam. Na nawala ako sa sarili ko. Paano ko nagawa 'yun? Hindi ko naman magagawa 'yun eh. Siguro nga masyado lang akong maraming iniisip.

I need to clear my mind. It's just a dream, hindi na importante. Sabi nga ni Silver, malayo sa reyalidad.

Naka-upo kami ngayon sa isang malaking bato at kumakain ng prutas. Napatingin ako kay Zeth at Clyde na masayang nagku-kwentuhan. Naalala ko nung isang araw, muntikan na akong madulas kay Zeth. Buti nalang at hindi ko nabanggit 'yung tungkol sa pangako ko kay Ashe. 'Yung pangako ko na poprotektahan ko ang kaibigan niya kahit ano mang mangyari.

Maya-maya, nakarinig ako ng mga kaluskos. May paparating dito sa lugar namin. Tumingin agad ako sa kila Silver at halatang narinig din nila 'yun.

Hahawakan na sana si Silver yung espada niya at akmang titingnan kung sino 'yun pero agad ko siyang pinigilan.

"Walang mangyayaring gulo." diretso kong sabi sa kanya. Sinunod niya naman ang sinabi ko.

Nakatingin lang akong mabuti sa direksyon kung saan ko narinig ang mga kaluskos. Maya-maya, nagulat nalang ako nang may lumabas na dalawang bata. Natigilan sila nang makita nila kami. Magkamukha sila. Mukha silang kambal.

Pumunta agad sa harap ng babae ang lalaki at ang sama ng tingin nila sa'min. Tatakbo palang sana sila paalis nang bigla ko silang pigilan.

"S-sandali lang!" sigaw ko at gulat silang napatingin sa'kin. Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa kanila. Kinuha ng lalaki ang sword niya at tinutok niya ito sa'kin. Maya-maya, napahawak ako sa pisngi ko. Basa na ito.

U-umiiyak ba ako?

Naalala ko lang kasi 'yung napanaginipan ko. 'Yung bata na nagsasabing pinatay ko daw ang kapatid niya. Hindi ko napansin na lumuluha na pala ako.

"W-wag mong lalapitan ang kapatid ko." sabi ng lalaki sa'kin. Kusang gumagalaw ang mga paa ko papunta sa kanila. Kitang-kita ko na nanginginig siya.

Natatakot ba siya?

"Wag kang matakot. Hindi ko kayo sasaktan." sabi ko sa kanila.

"Hindi ako naniniwala!" sigaw niya sa'kin. Nakatingin lang ako sa kanila hanggang sa nakalapit na ako. Unti-unti kong inangat ang mga kamay ko at ipinatong iyon sa ulo niya. Ginulo ko ang buhok niya.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon