[W.O.S] CHAPTER 22: SILVER'S PLAN

3.1K 148 10
                                    

A S H E

Nanatili lang kaming tahimik ni Kiro. Pabalik-balik kami. Paikot-ikot. Halo-halo ang nasa isip ko ngayon. Iniisip ko ang iba pang mga player lalo na sina Mist, Silver at si Wish.

Ewan. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung sino ba ang uunahin ko. Hinarap ko si Kiro. May hindi pa pala ako nasasabi sa kanya. 'Yun ay ang tungkol sa mga kaibigan niya.

"Kiro, ang mga kaibigan mo. May isa pa pala tayong problema. Si Mist, bigla nalang nawala. Si Silver naman, naiwan sa gitna ng labanan. Pina-alis niya kasi ako. Ayoko sanang sundin siya kaya lang nagpumilit siya. Kiro, ayoko ng ganito. Hindi ko ugali 'yun." sabi ko sa kanya.

"Ashe, don't feel that way. Wala kang kasalanan. All we have to do is, first, find Silver tapos tutulungan natin siyang hanapin si Mist tsaka natin pupuntahan ang bestfriend mo." sabi niya.

"Eh paano kung tanggihan ka ni Silver?" tanong ko.

"I don't care. Mahal ko ang mga kaibigan ko. Malaki ang nagawa kong kasalanan sa kanila. Kahit ito man lang pagtulong ang gawin ko makabawi lang ako sa kanila." sabi niya.

Tama siya. Wag kang susuko hanggang sa mabalik uli ang dating pagkakaibigan niyo. Minsan lang dumating sa buhay ng tao ang mga tunay na kaibigan kaya dapat natin iyon pahalagahan. Dahil kapag binalewala natin iyon, siguradong malaki ang mawawala sa atin. Isinawalang-bahala natin ang pagkakaibigan na iyon.

Nginitian ko nalang siya.

"Magiging maayos din ang lahat Kiro. I'm sure mapapatawad ka rin nila." sabi ko sa kanya. Maya-maya, tinawag ako ni Yume.

"Ashe." tawag niya sakin kaya napatingin kami sa kanila.

"You need to hurry. Tumatakbo ang oras. Kailangan niyo nang kumilos kaagad dahil kung hindi, mas lalo kayong mahihirapan. Mas magiging mabigat ito. Mas lalo lang lalala. Nararamdaman ko na. Nararamdaman ko na ang huling yugto." seryosong sabi niya.

"Huling yugto? I-ibig sabihin... huling mundo? Matatapos na 'to?" tanong ko nang may halong tuwa.

"Hindi kami sigurado sa nararamdaman namin. Pwedeng oo, pwedeng hindi. Nasa creator 'yan. Pero hindi kayo dapat magpakampante. Habang tumatagal, mas lalo lang nagiging komplikado ang lahat." sabi naman ni Yuri.

"Pero Yume, alam mo ba kung bakit biglang nawala si Mist?" tanong ko sa kanya.

"I'm afraid not. May limit lang ang mga nasasagap namin. Pero malakas ang kutob ko. Siguradong walang player ang may gustong mapunta doon. Kaya kailangan niyo ng magmadali. Kailangan niyong magmadali para makapag-prepare sa nalalapit na isang mabigat na labanan." sabi niya.

Nagkatinginan kami ni Kiro. Kailangan na naming magseryoso ng husto. Hindi na talaga biro ang lahat ng 'to. Ngayong kasama na namin ang mga familiar, mas mapapadali nalang ang mga hamon sa amin. Kailangan naming tulungan ang iba pang mga player.

"Ashe, natatandaan mo pa ba kung saan mo iniwan si Silver?" tanong niya.

"Oo. Tara na." sabi ko at kumilos na kami.

Every second is important. Kailangan bago matapos ang gabing ito, mapagtagumpayan naming makita sila.

Next world huh? Ano naman kaya 'yun? Exciting but I'm sure it's challenging.



W I S H (Z E T H)

"S-Si Asky... buhay siya?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Oo. Actually, kasama namin siya all the way. Kasama namin siya ni Mist, ang kapatid ko. Pero bigla nalang nawala ang kapatid ko kasabay nang pagtambad ng mga ninja sa harap namin. Kaya pina-alis ko si Asky para di na siya mapahamak kasi ako mismo sa sarili ko, alam kong mahirap silang kalabanin. Buti nga at natalo ko naman sila." pagpapaliwanag niya.

"You're a strong fighter. Pero base sa sinabi mo, ibig sabihin, pagala-gala lang sila sa mundong ito?" tanong ni kuya Carl.

"Posible 'yun. Posible na nasa gitna rin sila ng labanan ngayon. Sana ligtas siya. Sana ligtas si Asky." sabi niya.

"Eh pero si Kiro?" tanong ko.

"Hindi ko pa siya nakikita." sagot niya. Bigla akong nakaramdam ng pag-aalala. Nag-aalala ako sa kanya baka hanggang ngayon, di parin nila nakikita ang isa't-isa. Nakita na niya kaya si Asky? Nagkita na kaya sila? Sana. Sana nagkita na sila.

Tumingin ako kay Kuya Carl. Parang nabuhayan uli siya ng loob. Masaya ako sa nakikita ko.

"Wala na tayong dapat ipag-alala ngayong alam na natin na buhay pa sila. Sila nalang ang naiisip naming paraan para matulungan kami dito. Pero, dumating ka. Matutulungan mo kami. Kailangan nating tulungan ang mga tao." sabi ni kuya Carl.

"You can count on me." sabi niya.

"Salamat." sabi namin sa kanya.

"Now, kailangan nating maka-isip ng paraan. Mamaya, pagpatak ng oras na tulog na ang mga tao, magkita tayo doon sa lugar kung saan ka namin natagpuan." sabi ni Kuya Carl at nag-agree naman kami doon.

"Okay. Magpahinga na kayo." sabi niya at pumasok na kami sa loob. Pagkapasok namin sa loob, tulog na ang mga tao. Tanging ang pinuno nalang ang gising at ang iba pang mga opisyal.

"How was it? Okay na ba 'yang lalaking yan?" tanong niya sa amin at nagulat naman ako nang bigla siyang lumapit sa pinuno.

"I'm sorry sir sa mga kinilos ko kanina. Hindi na po mauulit." sabi niya nang nakayuko.

"Good. Madali ka lang naman palang kausap. Kaya gusto ko 'yang si Zeth at si Clyde eh. Masunurin. They are one of my best players." sabi niya.

Alam ko na ang gagawin nitong si Silver. Papa-ikutin niya ang ulo ng pinuno hanggang sa maibigay sa kanya ang buong tiwala nito. Silver, you're a genius. Parang nakaka-isip na ako ng paraan.

"Good job guys." sabi sa'min ng pinuno.

"Thank you, sir." sagot namin ni Kuya Carl.

Humanda ka. Hindi na namin hahayaan na makapatay ka pa uli ng isa pang tao.



K I R O

Patuloy parin naming hinahanap 'yung lugar kung saan nakipaglaban si Silver kanina. Pasalamat nalang ako dahil natatandaan pa ni Ashe yung lugar na 'yun. Sana nandun lang siya pero may kutob ako na posibleng wala na siya doon. Ayokong namang maging negative pero 'yun ang nararamdaman ko.

Maya-maya, nagulat ako nang biglang napahinto si Ashe.

"Ashe, bakit ka huminto?" tanong ko pero di niya ako sinasagot. Nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Maya-maya, may bigla siyang pinulot.

"Kay Silver 'to." sabi niya. Kinuha ko naman iyon para tingnan. Isa itong kapiraso ng tela.

"Hindi kaya..." sabi niya na parang iiyak na anumang oras.

"No Ashe. Malakas si Silver. Siya pa, sisiw lang sa kanya ang lahat ng 'yun." pagpapalakas ko ng loob niya.

"Alam ko naman 'yun Kiro. Pero hindi kaya isa na rin siya sa mga nawala? Pa'no kung 'yun nga ang nangyari? Parang yung sa'yo nun. Pa'no kung hindi kita nailigtas? Ayoko nang isa pa sa mga kaibigan ko ang mawala." sabi niya.

Maya-maya, biglang nagsalita si Yuri.

"No. He's not gone." biglang sabi niya.

"Pa'no ka nakakasiguro Yuri?" tanong ko.

"May nararamdaman ako sa lugar na 'to. Mag-ingat kayo." napatahimik kami nang biglang magsalita si Yume.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon