[W.O.M] CHAPTER 5: THE COOKING CONTEST

5.5K 274 4
                                    

A S H E

Ang daming players pagkapasok namin sa loob. Lahat 'to sasali? My ghad! Pinagtitinginan din nila ako. Bakit kaya? Problema nila? Nakaka-kaba tuloy lalo.

May lumapit kaagad na NPC sa akin at dinala niya ako sa isang room kung saan may 19 din na players. Pang-20 ako. Eto siguro ang mga makakalaban ko.

Ang intense nga ng atmosphere eh, mga competitive! Hindi na ako nag-bother na kausapin sila dahil mukha silang masusungit. Umupo nalang ako sa upuan sa sulok.

Pinagmasdan ko din ang mga familiar nila, ang cu-cute! Medyo nawawala ang kaba ko dahil sa cuteness overload ng mga 'to.

"Lakas ng loob niyang sumali, parang wala naman siyang talent." sabi nung isang babae.

"I know right. Panggulo lang siguro." sabi ng kausap niya at sabay silang tumingin sa akin.

Problema ng mga 'to? Di ko naman sila ina-ano. Hmp!

"Are you okay Asky-sama?" tanong sa akin ni Yume.

"Oo Yume. Na-intimidate lang siguro sila sa presence ko." sagot ko.

Napa-smirk nalang ako. Watch me.

Tiningnan sila ng masama ni Yume pero hindi ko na sila pinansin.

"Kinakabahan ka parin ba Asky-sama?" tanong ni Yume sa akin.

"M-medyo." sagot ko sa kanya. Ganito pala feeling ng mga sumasali sa contest. Never ko pa kasi na-try 'yun in my life.

"Ok lang 'yan Asky-sama. Wala namang mawawala kung susubukan natin eh. Okay lang na matalo at least we tried. Pero confident talaga ako na mananalo tayo kasi we have our ultimate weapon. 'Yung meat! Tiwala ako na magagawa natin 'to. Pero sorry hindi ako makakatulong kasi kaming mga familiar, hindi talaga kami marunong magluto." sabi niya.

Ayokong mabigo si Yume lalo na't binigay niya sa akin ang full trust niya.

"You really, really think so na magagawa ko yun?" sabi ko sa kanya.

"Yup. Hundred percent." sabi niya at nginitian niya ako.

Maya-maya lang pinuntahan na ulit kami ng NPC at pinalabas na ng room. Nakasunod lang kami sa kanya. Saan naman kaya kami pupunta? Game na ba?

Nauuna akong maglakad at nasa likod ko 'yung mga kalaban ko. Huminto kami sa harap ng isang double door. Napatakip ako sa mga mata ko pagkabukas nung NPC kasi liwanag ang bumungad sa amin.

Nagitla ako.

Shet! Ang daming tao! Daming audience! 'Yung mga player pala na nagkukumpulan kanina sa looby mga audience pala lahat 'yun!

Di ako na-inform na blockbuster pala ang event na 'to!

"Yes Asky-sama. Ito kasi ang kauna-unahang event na mangyayari dito sa WOM." bulong sa akin ni Yume.

"Sa wakas, dumating na rin ang ating pinakahihintay! Kumpleto na natin ang ating mga contestants para sa cooking battle na ito! Oh! Isang masked school girl? Wow! Mukhang magandang labanan 'to ah!" sabi nung host na nasa stage. Is he referring to me?

Tiningnan ko mga kalaban ko. Yup. Ako nga 'yung tinutukoy niya.

Pumwesto na kami sa kanya-kanya naming station. This is it. Waah! I'm so nervous!

"Are you all guys ready?" tanong uli ng host.

"Yes!" sagot nila. Pati si Yume naki-yes din. Wait, am I ready? Waah!

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon