[W.O.S] CHAPTER 4: SEA OF STORM & THE MYTHICAL CAVE

3.9K 197 13
                                    

K I R O

"Magdu-dual sword ako." sabi ko sa kanya.

Pagkasabi ko nun bigla nalang kumislap-kislap ang mga mata niya at pinagpapalo niya ako sa braso. Acckk!

"Totoo?! Ang cool nun Kiro! Ang cool mo!" paulit-ulit niyang sinasabi 'yan habang hinahampas niya ako.

Hinawakan ko ang dalawang kamay niya para patigilin siya. Makahampas naman 'to. Napakabigat ng kamay!

"Kumalma ka nga. Tuwang-tuwa ka naman dyan wala pa nga eh." kumikislap parin mga mata niya hanggang ngayon. Hay naku po.

"So cooooool." sabi niya ulit.

"Tss." sabi ko nalang.

"By the way Kiro, patingin naman ako nung nakuha mong sword." sabi niya. Okay sige.

(ctto of the image below)

[Black Abyss Thundersword]

"Ang angas!" sabi niya habang hinihimas-himas 'yung sword ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang angas!" sabi niya habang hinihimas-himas 'yung sword ko.

"This one is also rare. Actually... pumapangalawa siya doon sa sword mo but still, that sword of yours is beyond rare." sabi ko sa kanya.

"Wow! Ikaw ah hindi ka nagsasabing ibang klase din pala 'yung nakuha mo." sabi niya at hinampas niya ulit ako sa braso ko. Ano ba? Akala mo ba hindi masakit?

"Bugbog sarado na ako sa'yo." sabi ko sa kanya at tinago ko na 'yung sword ko.

"Pasensya na, nadadala lang hahaha!" sabi niya. "I can't wait na makita ka in action. Nai-imagine ko palang ang cool mo na talaga." dugtong niya.

"Kinikilabutan ako sa mga sinasabi mo. Bumalik ka na nga sa kwarto mo! Pagkakatok ko sa pinto mo at hindi ka pa ready iiwanan na kita." sabi ko sa kanya.

Wala pang anu-ano'y kumaripas na agad siya ng takbo pabalik sa kwarto niya. Sumaludo pa nga muna siya sa'kin bago siya umalis. Baliw talaga.

Hindi na ako makapaghintay na mahawakan 'yung magiging pangalawa kong sword. Excited na ako.


*****


Nandito na kami ngayon sa labas ng blacksmith's shop at ang mukha ng babaeng 'to, amaze na amaze. Pumasok na ako at iniwanan siya sa labas. Sumunod naman kaagad siya sa'kin. Akala ko tutulala lang siya hanggang mamaya sa doon eh.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon