Special Chapter

60 5 4
                                    

"Bungee jumping!" Excited na turo ni Kookie sa mataas na tower. Napabuntong hininga na lang ako. Nandito kame ngayon sa Gangwon-do, South Korea. Sa totoo lang kakatapos lang namin mag zip line pero heto si Kookie nag-aaya na naman.



"Ayoko nyan, iba na lang." Sagot ko sa sariling lenggwahe dahil pawang hindi nag function ang utak ko at hindi makaisip ng english word.

"Corny mo Shane. Kame na nga lang ni Toffer, tara!" Aya ni Sandy sa boyfriend niya. Nauna na naman sila. Dahil sa sinabi ni Sandy ay napatingin ako kay Kookie na ngayon ay nakabusangot na.

"But I want it."  Pamimilit niya pa.



"Oo nga Shane, para naman maranasan mong itapon sa ere." Inirapan ko si Sofie na nasa gilid namin. Sa huli wala akong nagawa, nagpahila na lang ako kay Kookie na ngayon ay excited na. Wala eh, talo ako kapag may kaibigang nanggagatong.






Isang buwan na ang nakakalipas matapos naming grumadate nila Sandy kasama yung magpinsan pero parang hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko na graduate na ako. Sa ilang taon kong nag-aaral, para tuloy hinahanap-hanap na ng katawan ko ang eskwelahan. Pero ganoon naman daw talaga, sa una ka lang maninibago pagkatapos naman noon ay papagurin mo na ang perang gagastusin mo tulad na lang ngayon. Dahil bawal raw gumala after graduation ay naghintay pa muna kame ng isang buwan bago iyon gawin, pamahiin lang naman iyon ng bawat Pilipino pero sinunod na rin namin. May mangyayari daw kaseng masama kung sakaling gumala man sa malayo kaya kahit gustong-gusto na ni Sandy makatikim ng gala ay hinintay muna namin ang sumunod na buwan bago gawin iyon. 







Ang plano dapat kame lang talaga nina Sandy, Brylle, Toffer at Sofie kaso noong magpaalam ako kay Kookie, nag suggest siya na gusto niya ring sumama. Nagpaalam siya sa CEO niya pero hindi niya alam na sasama rin ang buo niyang kamiyembro. At natuloy na nga ngayon ang dapat na gala namin lasth month pa. 2 weeks lang kame dito sa Korea pero dahil puno ang schedule ng BTS ay ngayong araw lang sila nakasama, sa tagal na naming nandito. Syempre hindi mawawala ang kanilang mga managers sa tabi nila.




Tutal nandito na rin naman kame sa Korea, inaya ko na rin si Chae na aking one and only Korean friend pero hanggang ngayon ay wala pa siya. Hindi naman uso sa kanila ang Filipino time.





"I am not doing it." Nabalik ako sa reyalodad nang marinig ang sinabi ni Suga. Nandito na rin pala kame sa ibabang bahagi ng mataas na tower na ito. 



"Me too, its too scary." Dagdag rin ni Jimin. Napatingin ako sa pinakatuktok. Hindi ko ata kakayanin. Hindi ako takot sa heights pero ibang usapan kapag tumalon ako ng ganito kataas.



"Ano na? Aakyat na kami." Tinanguan ko na lang sila Sandy na tila hindi makikitaan ng takot sa mukha.



"Go ahead, enjoy."



"Di mo tatry? KJ mo Shane." Narinig kong sabi ni Sofie.


"Ayoko tange. Baka mapigtal yung tali."



"Gaga, mapigtal ka dyan."





"Those who wants to try bungee jumping, follow the two up there. If you don't want, then stay here." Suhestyon ni RM na nagustuhan ko.


"I'll stay here." Mabilis pa sa mabilis kong sagot.





"Shaney....." Nilingon ko si Kookie na nakanguso na pala.





"Sorry Kookie. Baka matanggal puso ko eh." Umupo na lang ako sa isang bench na narito sa baba. Ganon rin naman ang ginawa nila Suga at Jimin na nauna ng nagsabi na hindi nila gagawin ang bungee jumping.





I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDWhere stories live. Discover now