Chapter 18: His Scent

573 23 10
                                    

Nakasandal pa rin ako dito sa sofa na 'to habang naririnig ko ang masasaya nilang boses. Bahagyang nakamulat ako kaso nga lang doble pa rin ang paningin ko. Walang nakakapansin sakin kase pinatay na yung mismong ilaw dito sa sofa.

Kaya pala hindi ko ito napansin kanina dahil madilim sa parteng ito. Ramdam kong may papalapit sakin dahil sa yabag ng paa niya, mukhang ito na yung nurse.

"Geunyeoneun ganhosa noonaleul dowa! (There she is, help her nurse noona!) narinig kong tarantang ani ng tumulong sakin. Koreano siya? Pero hindi ko na inintindi pa iyon, dahil ngayon ay gustong-gusto ko ng pumikit.

Pagkatapos nito sobra sobra kitang pasasalamatan, thank you na agad.

Pinaupo niya ako ng ayos kaya umupo ako pero talagang hinahatak ng sofa na 'to ang likod ko. Tinignan niya ang pulse rate ko, inilawan niya ang mata ko at pinakiramdaman niya ang hininga ko. Mukhang ok naman lahat, sana nga hys.



Ramdam kong may umantabay sa likod ko noong umayos ako ng upo,  siguro ay may isa pa siyang nurse na kasama. Tinatanong niya ako ng kung ano-ano sa english language pero tango at iling lang ang sagot ko.




Sa huli ay pinainom niya ako ng gamot, sinabi niyang saglit na mawawala ang hilo ko kaya kailangan ko daw agad makapagpahinga. Hindi niya ako pinasandal, bagkus ay pinapatong niya ang ulo ko sa katabi ko at pinapikit ako.


Habang nakapatong ang ulo ko ay naaamoy ko ang pabango nitong katabi ko. Sa totoo lang hindi masakit sa ilong yung amoy niya kase kung masakit ay baka nahilo uli ako. 

THIRD PERSON'S POV

Hindi napansin ng dalaga na nakaidlip siya habang ang katabi naman niya ay tinawagan na ang kaninang nurse. Kailangan na niyang gisingin ang dalaga dahil baka maiwan siya ng mga kasamahan. Nagsilabasan na kase ito na hindi man lang napansin na nawawala si Shane.

Pagkarating ng nurse ay sinabihan ng lalaki na gisingin na ang dalaga, sumunod naman agad ito sa kanya.

"Ahh Ma'am...  Ma'am.....Wake up... Ma'am" inalog-alog na ng nurse ang dalaga para tuluyan itong magising.

"Hmmmm" ungol nito.

"Your service car may leave you" doon na nataranta ang dalaga. Dali-dali siyang napatayo dahilan para mahilo siya uli.

"Shit nabigla ata ako" sumamo niya.

"Don't force yourself Ma'am, come here I'll take you downstairs" mabait na ani ng nurse. Nasa isip ng dalaga na bagay sa kanya ang pagiging nurse dahil sa kabaitan niya pero may gusto siyang malaman. Sino yung tumulong sa kanya?

"Ahm wait.....do you know who helped me? I just want to say a big thank you to him" napatingin ang nurse sa bandang likod ni Shane. Alam niya sa sarili niya na kilala niya iyon pero tanging iling lang ang natanggap niya mula sa binata sa likod. Sinasabing wag na lang sabihin.

Nagtaka ang dalaga kung bakit tumingin ang nurse sa likod, sisilip na sana niya patalikod ng hilahin na siya ng nurse.

"I don't know Ma'am, let's go downstairs" sumunod na lang ang dalaga sa kanya pero mabigat ang nararamdaman niya dahil hindi man lang siya nakapag pasalamat sa tumulong sa kanya.

SHANE'S POV

"Thank you so much but I felt dismayed, I couldn't even say thank you to the one who helped me" hayyyy nalulungkot ako kase hindi ko man lang siya nakita o baka ayaw lang talaga niya magpakita.

"Don't worry, I'll say it to him" bigla naman akong nagkaroon ng pag-asa.

"You said earlier you didn't know him right? So who is he?" hindi mapakali ang nurse kung saan titingin. Mukhang kilala naman niya, ayaw lang sabihin tss.

I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDWhere stories live. Discover now