Chapter 21: Hongkong!?

509 25 2
                                    

Bakit Jungkook? Bakit pinapakilabot mo buong pagkatao ko? Bakit ang lakas ng epekto mo? Bakit ka ngayon nag-aalala? Bakit? Bakit?


Hindi ko yan masabi kase nahihiya ako. Nahihiya dahil baka akalain nila na assumera ako. Mas gugustuhin ko pa atang hindi siya nababasa tulad noon kesa sa ganitong basang-basa ko katulad ngayon.


Sabi ko noon lalayuan ko kayo pero bakit ikaw naman ang lapit ng lapit? Nagiging malas ang buhay ko kapag nagkikita tayo kaya heto't minalas na naman ako. Hindi ito masasabing swerte dahil pareho kameng nasaktan, swerte sana itong natatawag kung walang hulog portion na naganap kaso palagi na lang ako nahuhulog o di kaya'y napapahiya sa harapan nila. Ito na talaga ang pinaka nakakahiya kong taon sa lahat.

Gusto ko mang tumigil sa pag OOJT pero ayokong madisappoint ang parents at mga kaibigan ko. Ayoko namang tumigil din sila ng dahil sakin, ewan! Gulong-gulo na ako.

Mabilis akong tumayo ng mapansin kong papalapit na ang lahat samin. Ayoko ng gumawa pa ng eksena kaya naman ako na ang lalayo at iiwas kahit anong mangyari. Dapat pala sinunod ko na lang si Miss Lim kanina, edi sana hindi na ito nangyari pa.

"I'm sorry sir. I didn't mean it." tumayo siya na parang walang nangyari habang ako ay sunod-sunod ang pagtungo dahil sa katangahan ko.

"Are you ok? Are you hurt? Do you want me to call a medi---"

"I'm really sorry sir, really really sorry." natataranta kong samb, hindi alam ang gagawin.



"What happened to your leg? Hey answer me." hindi niya inintindi ang sinasabi ko bagkus ay sinilip niya ang hita ko.

Inilayo ko iyon sa kanya at hindi pinansin ang tanong niya. Iling na lang ang naisagot ko habang nasa baba ang tingin.

"Nothing sir, I'm really sorry."

"What happened here? Jungkook-ah gwenchana? Sesanghe! You can't be injured, you know that!" nag-alala ngunit striktang sambit ni Miss Lim, ngayon ko lang siya nakitang nagpanic. Lalo tuloy akong napatungo sa narinig

"Sorry Miss, it was my mistake. I'm really sorry" ramdam kong nilingon niya ako.

"What happened to your leg? Take her to the clinic now. Mygosh." napalunok ako. Kasalanan ko 'to eh, kung sana sinunod ko na lang siya kanina hys.


"Let's go Jungkook, I'll talk to you." hindi ko na talaga alam kung galit ba si Miss o nag-aalala lang talaga siya. Umalis na siya para sumunod sa kanya si Jungkook pero bago pa man siya tuluyang umalis ay tinapunan muna niya ako ng tingin. Simula sa paa ko paakyat sa mukha, napatungo tuloy ako lalo sa kahihiyan.



"I'm really sorry sir. " Habol ko. Ang malas ko talaga ngayong araw tss.



Ramdam kong lumapit sakin yung tatlo kong kaibigan handa na sana sa bulyaw nila nang magsalita si Sandy sa nag-aalalang tono.

"Ayos ka lang Shane? Sorry ah, hindi kita natulungan. May pinagawa kase sakin eh." si Sandy na puno ng pag-aalala sa mukha.

"Don't worry ok lang ako. Sa susunod hindi na talaga ako uupo, bwisit na paang 'to." nginitian ko lang sila ng bahagya bago naglakad kahit iika-ika. Mabilis naman akong inalalayan nang magpinsan.

"I'm sorry too Shane, I shouldn't have left you there." narinig kong sambit ni Brylle. Pinaupo agad nila ako pagkarating sa isang bench.


"Baliw ayos lang, hindi mo naman kasalanan eh."


"Igalaw-galaw mo na lang para mawala agad yung ngimay. " suhestyon ni Toffer. Ginawa ko naman agd at nang maramdamang wala na yung ngimay ay tumayo na ako.



I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDDove le storie prendono vita. Scoprilo ora