Chapter 44: CEO

451 25 17
                                    

Maaga ako nagising....Ay hindi pala... Sa totoo lang, hindi talaga ako nakatulog. Sa dami kase ng iniisip ko ay hindi ako dinatnan ng antok. Dumagdag pa yung nangyari kagabi. Naligo na agad ako pagkagising saka mabilis na
nag-ayos ng sarili, naglagay ako ng concealer sa eyebags ko dahil nangingitim siya ng tignan ko 'yon, magkikita pa naman kame ni Kookie pssh. Pagkatapos kong gawin ang lahat ay bumaba na ako. Napaaga ang kilos ko kaya naman pagkababa ay wala pa ang mga kaibigan ko. Dumaretso ako sa dining area at napansin ang isang baso ng kape do'n.

Kanino 'to? Sa sobrang aga kong gumising ay wala pang breakfast na nakahanda, no choice ako kundi ang magtimpla na lang din ng kape. Maya-maya ay nakarinig ako ng pagbukas ng pinto, mukhang sa cr galing' yon pero hindi ko na siya pinansin at uminom na lang ng kape.

"Oh? Ang aga mo Shane." Bati ng kung sino man, sinilip ko siya at si kuya Sander lang pala. So sa kanya yung kape? Nginitian ko lang naman siya ng bahagya saka tumango. Wala ako sa mood, wala talaga.

"Are you ok now? I mean, about yesterday?" Umupo si kuya sa tabi ko, pinagmamasdan niya ako kung ok na ba talaga ako. Uminom na nuna ako ng kape bago siya sagutin.

"I'm fine kuya, don't worry." Saka uli ngumiti ng bahagya.

"Nag-alala kame sayo. Kagabi ka pa kase hindi nagsasalita. Mabuti't kinakausap mo na ako ngayon." Tumungo ako saka uminom uli. Ang sama ko naman ata kapag hindi ko siya sinagot. Kaso ayoko ng pag-usapan yung kagabi kaya sana maramdaman 'yon ni kuya.

"Uh sorry. Change topic. Ang aga mo naman atang nagising?" Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Kaya crush ko siya eh. Ang lakas kase ng instinct.


"Uhmm sa totoo lang kuya. Hindi ako nakatulog." sa sagot ko palang ay mukhang alam na ni kuya kung bakit, kaya naman hindi na siya nagtanong pa uli.

"Mamaya na nga po palang gabi ang flight niyo noh?" Tumango siya sakin, pagsagot. "Ingat po kayo kuya." Habilin ko pa.


"Thanks Shane but I'm being honest with you, I know you admired me the most but I think you should stop." Aniya. I looked at him, nervous. Alam niya?!?Pero bakit niya ako pinapatigil? Eh crush ko lang naman siya.

"I mean, sana hanggang crush lang talaga kase kapag nagkataong nainlove ka sakin, malaking problema 'yon." Napaamang ako. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya dahil hindi ko siya nage-gets.

"Go straight to the point kuya, hindi ko po kayo maintindihan." Uminom na muna siya sa kape niya bago huminga ng malalim. Tumitig siya sa mata ko na para bang may pinapahiwatig na kakaiba. Gusto ko sanang kiligin kaso wag na lang.

"L-liligawan ko kase ang ate mo kaso handa daw siyang magparaya para sa nararamdaman mo." Nahihiyang paliwanag ni kuya. Namilog ang mata ko at napanganga sa sinabi niya. Sabi na may tinatago sila eh! Napangiti tuloy ako ng malaki, hindi ineexpect na mararamdaman ko 'to.


"Yun lang ba 'yon kuya?" Natawa ako. "Crush lang kita promise. Tsaka kaya kong kalimutan nararamdaman ko sayo basta maging kayo lang ni ate." Paliwang ko kasabay ng pigil na tawan. So totoo yung sinabi ni Sandy na may something fishy daw kila ate at kuya? Omyghad. Di ko talaga expect 'to HAHAHA. I'm happy for them.

"Salamat Shane." Pinat niya ang ulo ko dahilan para medyo gumaan ang pakiramdam ko. Pero hindi nabago' non ang mood ko. Nagpaalam na si kuya na matutulog na uli. Pagkaakyat niya ay siyang baba naman ng mga kaibigan ko. Hindi na uli ako nagsalita pa hanggang sa makaalis kame at makarating kame sa kompanya.

Nandito ako sa department B kung saan maraming inuutos sakin, sinusunod ko naman agad. Kahit wala ako sa mood ay nasusunod ko naman ang mga utos nila ng paonti-onti. Nagpatuloy ang trabaho ko hanggang lunch break. Magkakasama na kame nila Sandy ngayon ngunit walang nagbukas ng topic tungkol kagabi. Nagtatanong sila kung kamusta ako pero ngiti at tango lang ang isinasagot ko. Si Jungkook naman ay hindi ko man lang sinendan ng goodmorning message kanina, hinintay ko kase siyang unang magtext sakin bago ko siya replayan. Ewan ko, wala talaga ako sa mood gumalaw. Kung sana wala akong trabaho, edi sana nakahiga lang ako sa kama ko buong araw. Eto ang unang beses na hindi kame sabay kumain ni Kookie. Busy siya sa pagpapractice kaya naman hinayaan ko na lang. Tutal wala rin ako sa wisyong makipag-usap kanino man.


I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDWhere stories live. Discover now