Chapter 4: Sophia's Party

931 26 30
                                    

Natutulog ako ng maramdaman may umaalog sa kama ko, pagmulat ay si ate Cheska pala. Sabi niya ay may tao daw sa baba, hinahanap ako. Tinignan ko naman ang orasan at alas tres pa lang naman ng umaga. Teka ano??? Sinong nilalang ang dadalaw ng ganito kaaga aberrr?? Parang kakatulog ko pa lang eh T_T

Sa bwisit ay hindi ako bumaba. Manigas ka dyan! Inaantok pa ako eh. Hanggang sa marinig ko na lang na may tumawag. Pabadog ko iyong sinagot habang nakapikit ang mga mata.

(Hey! Buti naman sinagot mo, kanina pa po kame dito sa baba oh. Wala ka ba talagang balak umalis hah?) sarkastikong sabi niya.

Nangunot ang noo ko sa narinig. Boses ni Sandy yun diba? Ibig sabihin siya yung  taong naghihintay sakin sa baba?  Wtf. Bakit kase hindi siya nagsabi or nagtxt man lang, nabigla tuloy ako. Masyado pang maaga para magising ako ng tuluyan pero dahil wala na akong nagawa ay bumaba na ako sa sala para bulyawan siya.  Magsasalita na sana ako ng makitang hindi lang pala siya ang nandito, may kasama siyang mga lalaki na akala mong goones o body guard. Nagtataka ko silang tinignan lahat. Anong nangyayari?



"Sandy bakit.......bakit may kasama kang ganyan?" nanlalaki ang mata kong tanong. Mukha kase silang magnanakaw baka mamaya kinidnap na pala itong si Sandy kaso lang naisip niya ako kaya pinakidnap na rin ako. Ayoko pang mawala sa Pinas T_T

"Kung ano man ang nasa isip mo, hindi sila ganun Shane. Sila yung magsusundo satin papunta sa Palawan. Kaya nga magbihis kana dahil alam kong nakaimpake kana kagabi, so bilisan mo na" anang niya. Nakahinga ako ng maluwag.

Wala akong nagawa kundi ang sundin ang utos niya. Mabilis akong umakyat sa kwarto at nagbihis agad. Nagsuot lang ako ng plain white shirt and black track pants with white sneakers tapos nag jacket na rin ako. Malamig kase kapag madaling araw. Akala mong nagyeyelo dito sa Pinasm eh hindi naman.



After ilang minutes ay nasa loob na kame ng van papuntang airport. Sabi daw ni Sophie sa private plane kame sasakay para daw mas mabilis ang byahe. Taray ng aming friend, yayamanin. But they're not actually rich, may kashare kase sila sa pagpapatakbo ng airport. 

Pagkarating sa airport ay yung mga goones na ang nagbaba ng bagahe namin. Namangha naman ako kay Sandy sa daming dala.

"Oy babaita, doon kana ba titira? Napaka dami mo namang dala ah" sambit ko sa kanya. Akala mo kaseng isang buwan kame doon, eh isang araw lang naman.

"Wala kang pake, sa gusto kong madami akong dala eh" pagsusungit niya. Naitaas ko ang isang kilay ko. Mukhang badtrip si bruha dahil hindi ko siya binaba agaf. Kpayn.

"As you've said" at tinalikuran ko na lang siya. Nauna na akong maglakad kesa makasabay siyang mainit ang ulo. Kapag ganitong kulang ang tulog ko ay huwag niya akong ginaganyan.

Hanggang sa makasakay kame sa helicopter ay hindi kame nagkikibuan. Alam ko namang hindi ako kakausapin nyan kapag mainit ang ulo kaya hindi ko na lang din siya kinausap. Kinuha ko na lang ang earphone ko't sinalpak iyon sa tenga.  Matutulog na lang uli ako.

Cause we will just kids when we fell inlove, not knowing what it was.
I will not give you up this time.
Darling just kiss me slow, your heart is all I own

"GOSH!! IU, siya talaga hah"

Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms

"Pffft HAHAHAHA ayun talaga ideal type mo hah" nangunot ang noo ko.

When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath

I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDWhere stories live. Discover now