Chapter 17: Misunderstanding

557 18 12
                                    

Hindi ako nakatulog ng maayos  kaya heto't kakagising ko pa lang. Arrgh ang sakit ng ulo ko!



6:30 na uli ang call time namin pero kakagising ko lang ng 6:15 hys. Binilisan ko na lang ang pagligo at baka mamaya ko na lang ligpitin ang hinigaan ko. Hindi na din ako nakapagpolbo't liptint at baka sa van ko na lang iyon gawin.



Bumaba na ako at napansin yung tatlo na nakakunot noong nakatingin sakin habang papasok ako ng dining area. Nginitian ko kang sila bago tumabi kay Sandy at nagsimulang kumain.


"Nagpuyat ka noh? Sa ano namang dahilan aber?" taka niyang tanong habang nakatingin sakin. Hindi ko naman siya pinansin dahil kakaumpisa ko pa lang kumain habang sila ay patapos na.


"Ano! Di mo ako sasagutin? Wala ka namang ikakapuyat dito ah?" tahimik pa rin akong kumakain. Nagmamadali na kase ako, kung sasagutin ko pa siya ay baka malate na kame ng tuluyan.




"Aist! Tinatanong ka dyan ayaw mo sumagot, alam mo namang bawal kang magpuyat eh!" angil niya uli. Napabuntong hininga ako. Hindi niya ba pansin na kumakain yung tao tapos tatanungin niya ako? Nagmamadali na nga eh! Para makaalis na kame agad tapos mas gusto niya pang unahin ko siya? Hah!

"Hoy! Ano ba Shane! Sagutin mo ak---"

"Ang aga-aga nagbubunganga kana agad! Kumain kana nga lang!" inis kong singhal. Badtrip! Kulang na nga tulog mo ganito pa bubungad sayo.


"Tigilan niyo na, kumain na lang kayo" singit ni Toffer, tinarayan lang naman ako ni Sandy. Hindi ko nga pinansin.



Umalis na kame maya-maya, hindi sakin tumabi si Sandy sa van bagkus ay tumabi siya kay Brylle sa likod. Like?I don't care tss. Si Toffer tuloy katabi ko ngayon. Inihilig ko muna ang ulo ko bago pumikit habang nasa byahe, naramdaman ko kase ang pagkirot ng ulo ko. Ganito ako palagi kapag kulang sa tulog tsk.




Pagdating sa parking lot ay ginising ako ni Toffer, akala niya siguro tulog ako pero nakapikit lang talaga ako 'non.



Lumabas na kame at iniswipe ang I.D sa scanner. Ngayong tapos na ang task namin sa BTS, balik na uli kame sa dati. Yung nasa departnent kameng dalawa ni Sandy habang yung magpinsan ay nasa storage room. Dumaretso na ako sa second floor, hindi ko na hinintay yung isa. Pumasok ako sa isang department at sakto namang natataranta ang lahat. Kaya ako na mismo ang lumapit sa isang employee.


"You need help ma'am?" tanong ko, mukha kase siyang may hinahanap.

"Ah yeah yeah, I can't find the schedule of other group but I need to give this to Misty. Can you please gave this to her? I'll just find the paper." may ibinigay siya saking papeles. Nakalagay sa labas nito ay BTS. Makamot ko ang kilay ko. Kelan ba ko mabubuhay ng wala sila? Miski pangalan nila ayoko makita!



"Ok ma'am, I gotta go" nagbow na ako sa kanya, ganun din naman siya sakin. Nagpatuloy siya sa paghahanap habang ako ay dumaretso na sa office ni Misty.




"Who is it?" tanong ng nasa loob pagkatapos kong kumatok. Lumapit ako ng bahagya sa pinto para marinig niya ng ayos.

"Miss Imperial, the intern" sagot ko.

"Come in, come in" pagkasabi niya 'non ay pumasok na ako.

"Misty, a one employee wants to give this to you" ani ko sabay abot sa kanya ng papeles


"Who's employee?" tanong niya. Napatigil ako. Shiz! Nakalimutan ko palang itanong pangalan ni Ma'am, bowset.


"Ah sorry Misty, I forgot to ask" binuksan niya iyon tsaka binasa, maya-maya ay tumingin siya sa company calendar tapos may pinirmahan sa huli.


I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDWhere stories live. Discover now