Chapter 13: Day 2

607 19 1
                                    

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mata ko. Maganda naman ang tulog ko kaya tumayo na ako't inayos ang kama.



Nandito pa rin kame sa Hotel at day 2 na namin ngayon. Ginawa ko muna ang morning routines ko bago pumuntang balcony. Nangako kase kame ni Sandy na lilibutin namin itong buong hotel kaya siguro napaaga ang gising ko.




Iyong bruha naman ay humihilik pa ng lingunin ko kaya hindi ko na muna siya ginising. Nag stretching lang ako bago uminom ng kape. Nagpahatid na rin ako ng breakfast para paggising ni Sandy ay may kakainin na kame. Nanood muna ako habang hinihintay na dumating ang pagkain.





Maya-maya lang din ay lumabas ng kwarto si Sandy, gising na pala.



"Morning masayang bati ko. Tumango lang naman siya bago  dumaretso sa banyo.



Nakarinig ako ng doorbell, inaasahang nandito na ang pagkain. Ngunit pagbukas ko ay yung dalawang magpinsan lang pala. Nagulat ako kaya napatalikod ako ng wala sa oras, wala kase akong suot na bra! Kainis! Wrong timing! Bakit kase hindi man lang nagtext bwisit!


"Hey Shane? Bakit?" takang tanong ni Toffer.

"Bakit hindi man lang kayo nagtext na pupunta dito? Hindi kame ready" nakatalikod ko pa ring sagot.


"Well sinabihan ko si Sandy, mukkang nakalimutang sabihin sayo. Bakit ka ba nakatalikod?" nainis ako sa tanong niya. Malamang wala akong bra! Aist!


"Ah wala-wala, sige pasok kayo. Magbibihis lang ako, kayo na ang magsara ng pinto" dali-dali akong pumasok sa kwarto bago nagsuot ng bra. Nahaggard tuliy ako ng konti hys. Hindi pa naman ako nagsusuot ng bra kapag hindi pa naliligo. Bwisit kase sila Toffer eh!

Lumabas na ako't nagulat ng makitang may pagkain na sa ibabaw ng mesa.

"Ah may nagdala dito. Akala ko ba magbibihis kana? Bakit 'yan pa rin ang suot mo?" nakukulitan na ako sa kakatanong ni Toffer. Kung sana lang pwede siyang batukan ay ginawa ko na tss. Ang bagal naman kase lumabas ng banyo ni Sandy eh! Dapat naliligo na ako ngayon.


"Wala akong bra kanina ok? Ngayon alam mo na?" masungit kong balik. Napahiya naman siya't tumungo na lang.

"Sorry"narinig kong sambit niy

"Ok lang, hindi niyo naman napansin. Well bakit ba kayo nandito ng ganitong kaaga hah?" tanong ko. Hindi ko alam na sobrang aga nilang mambulabog
-_-


"Eh kase may outdoor activity tayo. Pupuntahan natin yung cave malapit dito kasama si Tito Ben at buong empleyado niya, sa ngayon late na tayo ng 10 minutes" namilog ang mata ko sa sinabi niya. Seryoso????

"Weh? Bakit hindi ko alam 'yan? Dapat inaagahan ko pa ng konti ang gising ko. Hayyy Sandy bilisan mo dyan!!!" naiinis kong sigaw. Napakabagal niyang kumilos.



"Ano na naman! Kakagising lang nung tao naririnig ko na agad pangalan ko dyan. Uy! Morning pala boys" bati niya sa dulo. Napairap ako. Kapag sakin tango lang pag sa iba may pa morning tse!


"Bakit hindi mo sinabing pupunta sila dito ng ganito kaaga and take note may outdoor activity pa?!" mataray ko na talagang tanong. Nagbago ang ekspresyon niya at napalitan iyon ng pagkainosente.

"Ah hehehe, nakalimutan ko kagabi sorry Shane. Maligo kana para makaalis na tayo hehehe" inikot ko na lang ang mata ko bago naglakad papuntang banyo.

"Magbihis kana. Naka roba ka pa dyan" pumasok na ako ng tuluyan bago sabihin iyon kay Sandy. Ginawa ko na ang dapat gawin at pagkalabas ay nakita ko si Sandy na kumakain sa mesa.

I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDWhere stories live. Discover now