Chapter 49: Suprise 2

442 34 88
                                    

Kamusta naman ang mata ko ngayon? Hindi ata ako tumigil sa pag-iyak kagabi hanggang sa makatulog na lang ako. Ramdam kong gustong malaman ni Chae kung anong nangyari sakin pero hindi na lang siya nagtanong. Kaya para makabawi ay nilaan ko ang araw ng linggong ito para makapag bonding kameng dalawa. Sa totoo nga lang ay nauna pa siyang gumising sakin at ngayon ay naghahanda na kame sa pag-alis.

"OMY, I'm so excited Chelsy! Wait, lemme record this." Aniya habang naglalakad kame palabas ng apartment.

Bukas na ang uwi ko pero hindi ko pa rin nakikita o nakakausap man lang ng maayos si Kookie. Gusto ko man siyang puntahan sa tinutuluyan nila ay hindi ko magawa dahil nag promise ako kay Chae na gagala kame ngayon.

"I am now with Chelsy and where are now heading to----" Narinig kong sambit ni Chae habang ineexplain kung saan kame papunta. Napagdesisyunan naming maglakad na lang kesa magtaxi para din masulit namin ang araw na magkasama. Kanina ay sinendan ko ng goodmorning message si Kookie pero hanggang ngayon ay wala pa siyang reply. Si Taehyung naman ay tinanong ko din kanina kung umuwi na si Kookie kagabi pero ang sabi niya ay hindi pa raw. Napabuntong hininga na lang ako.


"We're here! Lets go Chelsy!" Aya niya sakin bago pumasok sa isang BT21 Line Store, ito ang napag-usapan naming unang puntahan tutal parehas naman naming gusto ang BTS.


"Wow, still the same." Aniya sa camera. Pagkapasok namin ay kumuha agad kame ng shopping basket, doon namin ilalagay ang mga bagay na gusto naming bilhin.


"Actually, this is my first bond with my foreign friend. Are you excited Chelsy??" Nakangiti niyang tanong sakin saka iniharap ang camera.



"Oh yes!" Natawa ako. "Lets go!" Mangha akong nagmasid sa palagid. Ngayon lang ako kase nakapunta sa ganitong lugar, puro BT21 merchandise ang nakikita ko at tila dito lang umiikot ang mundo ni Chae. Itinabi ko na muna ang problema ko at ipinokus ang sarili, ayoko namang madismaya si Chae sa bonding namin.


"LETS GO! WUHOOO!" Nagsimula na nga kameng magshopping habang nagvi-video pa rin siya.
Tamang kaway at ngiti lang naman ang ginagawa ko kapag tumututok sakin ang camera. Hindi kase talaga para sakin ang vlogging kaya naman hiyang-hiya ako kapag tumitingin. May isang beses pang pinahawak sakin ni Chae yung cam dahil kailangan niyang sukatin yung jacket na napili niya kaya heto at mas marami pa siyang nabili kesa sakin. Kung ako ay naka isang paper bag lang, siya naman ay nakatatlo. Jusko.



Umalis na din naman kame agad doon bago naghanap ng restaurant para kumain ng lunch. Habang naglalakad ay nagugulat na lang ako kapag may bumabati kay Chae sa daan, siguro ay ganun nga siya kasikat para makilala siya ng ibang tao.



"Wait Chelsy! Lets take a selfie." Tumigil kame sa paglalakad saka ngumiti, nagpeace sign pa ako habang siya ay bumelat lang.



"Thanks. I'll just post this on my IG story." Sambit niya saka nagkalikot sa phone. Sa totoo lang hindi ko pa alam ang YT channel niya kaya naman hindi ko alam kung gaano siya kafamous. Ig at Twitter account niya lang ang alam ko, hindi rin naman niya sinabi na isa siyang vlogger.



Pagkaraan ng ilang lakad at kaway sa mga tao ay nandito na rin kame sa wakas sa isang Korean resto. Umorder kame ng samgyupsal, rice cakes, bibimbap, jappagheti at kung ano-ano pa. Treat ko para makabawi ako. Pagkarating naman ng food ay kumain na kame agad habang nagrerecord pa rin siya, nakapag sa mesa yung cam niya pero alam kong rolling pa rin 'yon dahil sa pagpula no'n. Gusto ko mang patigilin siya ay hindi ko magawa, nakakahiya naman kung gagawin ko 'yon.



"How is it?" Nakaabang na tanong niya. Galak akong tumango saka nag thumbs up, pagsang-ayon. Ilang oras ang dumaan at nabusog na rin sa wakas ang tyan ko.



I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon