Chapter 1: Meet the Bangtan

2.5K 47 26
                                    

"Ano ba Sandy! Ano tong pinuntahan natin?!.. Bakit ang dami tao!" pasigaw kong tanong kay Sandy. Nakakainis kase sa dinami rami niyang pinsan, ako pa talaga ang naisama nitong babaeng to.

"Sabi ko naman kase sayo Shane pupunta tayo sa concert ng BTS. Bakit ba hindi mo sila kilala? Eh super sikat kaya nila and they're so handsome pa" nakita ko ang muka niya. Alam niyo yung emoji na naka heart yung mata? Ganung ganun tss.

"Sabi ko din naman kase sayo na hindi ko kilala yang BTS chuchu na yan.. Ang kilala ko lang na KPOP ay 2ne1" pataray kong sagot.

"Ang tagal tagal na nun noh, hindi na nga buo ang 2ne1 eh. Pag nakita mo sila baka malaglag panga mo or worst maglaglag panty mo" anang niya pabalik.

"Kpayn" I just rolled my eyes, yan na lang nasagot ko kase alam kong hindi siya magpapatalo kahit anong mangyare.

Ano namang kung watak watak na sila? Yun ang pinaka favorite ko eh. Eh eh eh eh eh eh eh 2ne1 hahahaha.

Nandito kame sa pinakaunahan ng stage, VIP tickets ata binili nitong empakta na to eh...

Habang nag aantay, magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Chelsy Shane Imperial, call me Shane at itong kasama ko ay si Alessandra Ramos call her Sandy na lang. Were bestfriend since elementary, I'm 18 already and she's only 17. And yeah 3rd year college na kame, Oh diba tagal na naming mag bestfriend. 

Di ko alam kung bakit ako napapayag nitong babaeng ito dito sa concert, basta ang sabi niya ay ite-treat daw niya ako. Syempre pag libre sinong hindi aayaw hindi ba? Kaya pumayag na rin ako, kaya lang parang nagsisi ako kase dapat nasa mall ako ngayon hindi dito sa buset na concert nato T_T

Hindi pa nagsisimula ang concert ay nahihirapan na akong huminga, naso-suffocate ako sa dami ng tao tapos siksikan pa. Buti na lang nandito kame sa may railings. Nakakakuha pa naman ako ng hangin kahit papaano. 

Maya maya lang din ay nakita ko na ang pag-ilaw ng stage, ibig sabihin ay mag i-start na ang concert. Mukha nga dahil nagsimula ng magtilian ang mga fans nila, mapa babae man o lalaki.... nagtitilian. Wala man lang upuan dito sa unahan, buti pa sa taas meron. Ano ba yan!

Napansin kong may lumabas na 7 persons sa may LED screen, hindi ko sila maaninag dahil sa mga lights na nakapaligid.

"KYAHHHHHHHH, SARANGHAE BTS!! GOD!! ANG GAGWAPO NIYO!!!" syempre sino pa ba yan, edi si Sandy. Pogi daw, eh hindi ko nga maaninag ang mukha.

Pumunta yung mga boys sa unahan and nag thank you chuchu sila. Hindi ko sila inintindi, nag eenglish naman sila kaya lang I'm feeling bored. Sabi na maboboring lang ako dito eh. 

Kinulbit ko si Sandy

"Huyy Sandy is that what you called handsome? I thought backup dancer sila? " takang tanong ko kaya lang parang hindi lang siya ang nakarinig dahil sa biglaang pagsama ng mga tingin sakin nung nakapalibot samin. Totoo naman kase, akala ko talaga backup dancer lang sila BWAHAHAHAHA

"Who's that girl ba? Sumama ba siya para lait-laitin lang ang BTS?" stranger girl said.

"Yeah right, kung ako sa kanya mananahimik na lang ako. Sa dami natin dito baka di na yan makalabas ng buhay" Second stranger girl said.

Tumahimik na nga lang ako gaya ng sinabi nila. Yun na rin ang oras na nagpakilala ang BTS isa-isa.

"Hi I'm RM the leader of BTS" sabi nung matangkad na singkit. Bored ko silang tinignan.

Nagtilian ang lahat

"Annyeong I'm Suga" cute ng isang to, mukha siyang mabait.

Nagtilian na naman ang lahat -_-

I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDWhere stories live. Discover now