Chapter 20: Jealous?

563 28 17
                                    

Nandito ako ngayon sa dining area, kasabay kong kumain yung tatlo. Sakto lang kame sa oras pero yung katawan ko gusto pang humigaw at matulog uli. Sabado kase ngayon kaya naman tamad na tamad akong gumalaw. Hays dapat kase day off namin eh. Bakit kase may pasok pa T_T





Pagkatapos naming kumain ay sumakay na agad kame sa van pero talagang antok pa ako. Inihilig ko na lang muna ang ulo ko sa upuan at doon pumikit. Maayos naman tulog ko kagabi, sa totoo nga lang bagsak na ako pagkarating sa kwarto. Kaso nga lang alam ng buong sistema ng katawan ko na wala kaming pasok tuwing sabado kaya pati utak ko hindi nakikisama.



Pagkarating sa company ay lantu-lantutay ako kung maglakad. Wala ako sa mood magtrabaho, wala ako sa mood gumalaw. Miski nga ata makita ko ang BTS ngayon ay hindi ako kakabahan dahil tinatamad magfunction ang utak at puso ko. Hayyyy pero sa huli ay wala akong nagawa kundi labanan ang katamaran ko. Dumaretso na kame sa 30th floor pagkaswipe ng I.D namin.

"Hayyyy inaantok pa ako." ani Sandy.

"Ako din." sabay naming sagot ni Toffer. Halata naman samin na tinatamad kameng pumasok kaso nga lang......KAILANGAN.



Ayun yung pinakamahirap sa lahat, kung sa trabaho ay ayaw mong pumasok pero....KAILANGAN. Kung sa school naman ay ayaw mo ding pumasok pero....KAILANGAN. Kung sa love naman, ayaw mong masaktan pero...KAILANGAN. Kailangan, kailangan, kailangan niyong masaktan para maramdaman niyo yung halaga niyo..LOL. Anong kadramahan yun Shane? Paexplain charr.



Pagdating namin doon ay kumpleto na ang lahat, si Miss Miyun at Miss Lim lang ang wala pa. Ang BTS? Ayun nag-i-stretching na para sa practice mamaya. Hindi pa namin alam ang bagong gagawin kaya naupo na muna kame sa isang gilid. Kumuha na rin kame ng towel ni Sandy, pangtaklob sa hita namin.

Habang naghihintay ay nagsimula ng magpractice ang BTS. Sinimulan nilang idoings ang Not Today hanggang sa may nasipol. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang title noon.



"Sandy anong title ng pinangcomeback song nila?" tanong ko habang sumasabay siya sa kanta.

"DNA yun bakla ka," sagot niya. Tumango-tango na lang ako, kunwari alam. So ayun simula Not Today hanggang DNA ay doings ang ginawa nila, yung hyper kung hyper.



"Ako ang napapagod sa kanila huhuhu" inarte ng katabi ko. Akala mo namang iisa lang ang bituka nila kung makapagod siya.

"Dami mo alam. Halika na, nandyan na sila Miss" ani ko, tatayo na sana ako kaso napaupo uli ako ng maramdamang nangimay ang binti ko. Napadaing ako sa sakit.



"Anyare Shane?" nag-aalalang tanong ni Sandy.



"Nangimay paa ako, hindi ako makatayo." tatayo na sana uli ako kaso nang igalaw ko uli ang paa ko ay napadaing na lang ako sa sakit. 

Alam niyo yung parang may natusok na marami? Ganun yung feeling eh. Hanggang sa may nag-abot sakin ng kamay niya, sinundan ko ng tingin iyon at napansing si Brylle pala.

"Give me your hand." utos niya. Ganun na nga ang ginawa ko. Ibinigay ko sa kanya ang kamay ko tsaka niya ako itinayo ng dahan-dahan.

"Tapos ipadyak mo yung nangingimay mong binti, Shane." dagdag ni Toffer, sinunod ko naman agad siya. Medyo nawala na ng konti yung tumutusok.

"Thanks guys." doon palang ako binitawan ni Brylle bago siya naunang maglakad papunta kila Miss Miyun.

"Let's go." sumunod naman kame sa kanya. Pagkarating namin doon ay bumilog kameng lahat dahil mukhang may sasabihin si Miss.

I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDWhere stories live. Discover now