Chapter 43: Fear

460 35 12
                                    

Woah. For the first time in a while ang ganda ng tulog ko kaso nga lang ang sakit ng ulo ko. Mukhang naparami ang inom ko kagabi. Napansin kong ako na lang ang nandito sa kwarto Teka anong oras na ba? I checked the time and its already 12PM. Nice. Kelan pa naging 12PM?? Putspa!


Napabalikwas ako ng bangon. Napansin ko ang maraming text ni Kookie na may tawag pa ngunit dumaretso na ako dumaretso sa banyo. Bakit kase walang gumising sakin?? T_T

Sa loob na ng banyo ko nireplayan si Kookie, sinabi kong kakagising ko lang at mukhang maiintindihan naman niya 'yon. Pagkatapos no'n ay naghilamos lang ako ng mukha bago bumaba sa sala. Grabe! Brunch ko na 'to eh.

Pagkababa ay dumaretso ako sa dining area. Nasaan kaya ang mga kaibigan ko? Hindi man lang ako ginising. Hindi ko rin marinig mga boses nila sa malapit. Ay ewan. Nagtimpla na lang ako ng kape bago kumain ng tanghalian. Habang kumakain ay nagscroll-scroll rin ako sa phone.

"Aba't ang dami ko naman atang notif." Sumubo muna ako ng isa bago tinignan ang notif. Nakatag pa talaga sakin ang isa. Binasa ko muna ang caption bago tinignan ang picture.

'Sana matitigan din ako ng idol ko ng ganito.'

Ganon na lang ang panlalaki ng mata ko sa nakita. Oh shizzz. Nakatingin lang naman sakin si Jungkook dun sa pic habang nakatalikod ako! Mabuti na lang 'di kita ang mukha ko kaso....kaso yung dress! Halatang sakin' yon! Nagpost pa naman ako sa IG amputek! Baka kumalat 'to!

Isa ata sa tatlong kaklase ni Sandy na inimbita ko ang nag-upload nito. Nahahalata ko kaseng kada makikita nila yung BTS mga nagtitilian sila. Nagpapicture pa nga pagkatapos ng party eh. Bowset. Napahawak ako sa ulo ko ng lalo iyong sumakit.

"Oh ba't nakakunot-noo ka dyan?" Maya-maya ay narinig kong sambit ni Sandy.

"Yung kaklase mong isa kagabi, nagpost tapos tinag ako, tignan mo." Pinadulas ko ang phone ko sa mesa para makalapit sa kanya, mabuti na lang at mabilis niyang nakuha iyon bago malaglag.

"O...M...G. OO NGA HALA!"
Napapikit ako sa inis. Iwas na iwas na nga tapos ganyan pa tsk.

"Ipadelete mo yan." Singhal ko bago tumayo at naglakad papuntang sala.

"Okay sige sige. Argghh bwisit yung si Joan eh! Malilintikan sakin 'yon!" Aniya bago umakyat sa taas, mukhang nasa kwarto ang phone niya.

"Oh Shane, morning." Bati naman ni Sofie habang kasama si kuya Sander, hindi ko sila pinansin.

"Ba't nakabusangot ka agad? Aga-aga." Pansin ni Sofie pagkaupo sa tabi ko, si kuya Sander naman ay umupo sa kaharap kong sofa. Ibinigay ko kay Sofie ang cellphone ko para malaman niya ang problema ko.

"Huh?----OMG! Sumisimoy rin naman pala sayo eh." Asar niya sabay tawa, inirapan ko siya.

"Hindi 'yon! Nakapost yan sa FB tas tignan mo. Nakatag sakin bowset na yan." Muli niyang tinignan ang picture at mukhang nakuha na din naman niya ang tinutukoy ko.

"Hala oo nga! Lagot! Ipadelete mo! Ipadelete mo! Nako baka kumalat yan!"

"Sinabi ko na kay Sandy, kaklase niya yung nag-upload." Sagot ko ko sabay sandal sa sofa.

"Nubayan! Kapag kumalat yan nako! Rereport ko account nung babaeng 'yon. "

"Ang alin? Anung report?" Narinig kong tanong ni kuya, si Sofie na ang nagkwento tutal madaldal naman siya. Nawala na rin ako sa mood kaya ganon.

"Ahhh. I hope its not." Pampalubag na balik ni kuya. "But let me confirm this Shane. Totoo bang kayo na no'n? I mean napakaimposible kase diba?" Tanong niya na nagpalingon sakin. Gusto ko sanang magbiro kaso naalala ko wala ako sa mood kaya tumango na lang ako.

I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDWhere stories live. Discover now