Chapter 8: Awkward

705 26 9
                                    

What the hell? Hanggang dito ba naman ay makikita ko sila? Arrrgg.

Gulat at kaba ang nararamdaman ko sa oras na ito. Hindi ko mapaliwanag ang nangyayari ngayon, masyadong napaka imposible.

Habang nanlalaki ang mga mata ko ay bumitaw na sa akin yung babae. Nakita ko ang pagyakap niya kay Taehyung pagkatapos ay humarap sa akin pero ako ay tulala lang na nakatingin sa kanila.

Tama kayo ng nabasa, si Taehyung nga na member ng BTS. Sila ang nasa harapan ko ngayon. Puros mga naka brown at black na coat. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Mukhang pinaglalapit talaga kame ng panahon, buset na yan.

"Uhmm s-sorry if I didn't tell you my name right away but now that you saw my companions, you probably know me now." dahan-dahan akong lumingon sa kanya habang gulat pa rin ang expresyon. Masyadong hindi tinatanggap ng utak ko ang nakikita ngayon.

"Ahhhh........ so y-your a staff of them?" nauutal kong tanong, iniisip na sana ay hindi nila ako makilala.

"No, this is my brother Kim Taehyung and I am Kim Seyon " sagot niya para lalo akong magulantang. What?

"I told you my name because you help me to find them so thank you very much." yumuko siya ng matagal para mag bow sakin napayuko din naman ako ng wala sa oras.

"And sorry" sambit niya pagkatingin sakin. Nginitian ko siya ng pilit.

"No worries Ma'am, that's part of my job" pagkaangat ko ng tingin ay nasa harapan ko na si Taehyung. Napaamang ako kasabay ng panlalaki ng mata ko.

"Thank you for finding my sister she's always like that, sorry for the inconvenience" yumuko din siya kaya napabow uli ako.

Tinignan ko ang lahat ng nandito, napansin kong may sarili silang staff na kasama. May ilang employee din ng kompanya namin at kumpleto ang bts pwera sa isang kulang. Hmmm sa pagkakatanda ko ay pito sila.

"I'll go ahead, I have something to do" paalam ko at bahagyang tumungo. Maglalakad na sana ako ng may marinig akong nagsalita.

"By the way Miss, what's your name?" humarap uli ako dahil sa tanong na iyon. Hndi ko alam kung sino ang nagtanong pero buset!! Bakit kaylangan pa nilang alamin?!?

"I'll just tell your kindness to your boss" nawala ang konting kabang naramdaman ko sa sinabi ni RM. Siya kase ang nakita kong nagsalita. Napabuntong hininga ako tsaka ngumiti ng bahagya.


"I'm Chelsy, nice meeting you all" tumungo na uli ako at naglakad paalis sa lugar na iyon. Pero bago pa man ako makalayo ay may narinig pa muna ako.


"I think I saw her before" ani ng isang boses mukhang kinakausap ang staff namin. Hindi ko na narinig ang sunod niyang sinabi dahil nagmadali na akong maglakad papasok sa elevator.

*ting

Pagbukas ng pinto ay nagdere deretso akong lakad. Hindi pa rin ako makapaniwalang makikita ko uli sila!  Ang masama pa ay dito mismo sa kompanya ni tito! Badtrip naman!



Hindi ko alam kung bakit ganito ako kainis ng makita uli ang BTS. Siguro ay dahil doon sa sobrang kahihiyan na nangyari sa Palawan at sa concert nila kaya ganito na lang ako umasta. Masyado nila akong pinakakaba jusko!


Simula kase ng makita ko uli sila noong birthday ni Sophie ay sobra- sobrang kahihiyan na naman ang naramdaman ko. Lalo na ng maging partner uli kame ni Jungkook sa paper dance. Hindi ko alam kung sinasadya ng panahon pero ngayon ay sigurado na ako. Pinaglalaruan nga talaga kame buset!!!







I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDWhere stories live. Discover now