Chapter 30: Missing Part

471 26 12
                                    

Natapos ang Christmas at sobrang saya ko nung time na yon, as in talaga. Parang gusto mo na lang na tumigil ang mundo sa sobrangg sarap sa pakiramdam.








Umaga ngayon at nandito na kame sa kompanya, as usual pagkatapos ng okasyon ay trabaho na uli. Thursday ngayon, December 28 which is my birthday. Oo ang boring ng birthday ko dahil may pasok hys. Pero ok na rin, wala din namang handa kung sakaling walang pasok.






Binati na ako ni Sandy kanina, nagulat pa nga ako dahil paggising ko ay nasa loob na siya ng kwarto, may dalang regalo. Natuwa naman ako dahil isa iyon sweatpants na may maliit na logo ni Baymax.









Yung magpinsan? Ewan, hindi ko alam kung babatiin nila ako. Ni hindi ko nga alam kung alam ba nila ang birthday ko eh.





Nung Monday kase ang pasko, so Tuesday and Wednesday ay pumasok na agad kame kahit medyo bangag pa. Sa dalawang araw na lumipas ay hindi ko nakita ang BTS na pumunta dito sa Satin company. Siguro ay wala sila ngayong important business ika nga ni Sandy.






Bumalik kame ni Sandy sa dati kung saan nag-iikot-ikot sa lahat ng department. Yung magpinsan naman ay sa stock room na uli nakapwesto. Dumaan ang oras at naging busy ako nitong umaga dahil na rin sa maraming utos. Puntahan ko daw si ano, ibigay ko daw ito kay ano. Linisin ko daw yun, umakyat daw ako doon at marami pang iba. Ni hindi nga kame nagkita nung tatlo sa sobra naming busy. Ngayon ay lunch break na, kaya naman bumaba na ako sa 3rd floor cafeteria, ngayon kase ay nasa 8 floor ako may pinabigay lang na papeles.

Habang naghihintay na bumukas ang elevator ay biglang nagtext si Sandy.


(Dito na ako sa cafeteria Shane, wala pa yung magpinsan. )


Bigla ay naatat akong lumabas dito, gutom na rin kase ako. Pagkapasok sa cafeteria ay kumuha na muna ako ng pagkain bago tumabi kay Sandy.


"Anong balak mo ngayon Shane?" bigla ay tanong niya, tinignan ko siya ng nagtataka bago sumubo ng pagkain.



"Wala, isipin mo na lang na normal day 'to" sagot ko.


"Ano ba yan, ang corny. Hindi ka man lang ba manlilibre?" Kunot noo ko siyang tinignan uli.


"Ahmm pwede naman after nitong OJT. Basta ba'y wala tayong overtime."

"Yon oh! Yehey!" parang bata niyang sambit. Natawa na lang ako. Pero di na ako aasa na walang overtime, eh panay OT nga kame nitong nakaraang araw eh tsk.




Natapos ang lunch break ng hindi kasabay ang magpinsan. Nagtext kase si Toffer kay Sandy na sa regular employee sila sasabay maglunch kaya umalis na kame doon pagkatapos kumain. Tulad kaninang umaga ay naging busy ang buong maghapon ko, nakita ko pa nga ang magpinsan nang mapunta ako sa groundfloor. May bagong deliver pala na mga materials kaya sobrang busy nila.







Dumating ang quarter to 5, may inutos sakin si Misty na kailangang isakay sa last delivery truck namin. Isa daw iyong rejected products na kailangan palitan kaya kailangan ko daw magmadali dahil baka makaalis yung truck.



Habang naglalakad sa hallway ay napansin ko ang pagtahimik ng paligid. Miski ingay ng keyboard ay hindi ko marinig pati tunog ng sapatos ng mga naglalakad ay wala. Hindi ko na lang pinansin iyon at nagdere-deretso na lang sa elevator dahil baka maiwan pa ako ng truck.




Pagdating sa parking lot ay napansin kong isasara na nila ang likod ng truck nang bigla akong sumigaw at magtatatakbo papunta sa kanila.

"Heyeyeyey wait! There's something more! Wait!" Pigil ko sa nagsasara noon. Tumikhim na muna ako bago huminga ng malalim sa pagod.


I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDWhere stories live. Discover now