Chapter 24: After Party

520 21 13
                                    

Oo. Nakatingin ngayon sakin si Jungkook pero hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa hindi malamang dahilan.

Napalunok ako nang tumango siya sakin. Pawang sinasabing kumanta ako. Na para bang gusto niya uling marinig ang boses ko. Nakaramdam ako bigla ng kapal nang mukhang kumanta. Dahil lang sa tingin niyang iyon ay para bang lumakas ang confidence ko. Parang tinanggal niya lahat ng takot ko sa katawan at puro kakapalan na lang ng mukha ang natira. Kaya 'ko 'to Shane. Kaya mo 'to.

Naka all black casual siyang suot habang may hawak na glass wine sa kanang kamay. Malapit siya sa bar island na medyo ilang metro din ang layo sakin. Yung kaninang kabang nararamdaman ko ngayon ay pawang nawala noong mawala ang mga tao sa paligid ko at siya na lang ang makita. Tumango uli siya para mapangiti ako.


"Wuhooooooooo that's my friend!! Go Shane!!!!"


Nabalik lang ako sa reyalidad ng marinig ang boses ng bruha kong kaibigan. Nilingon ko si Sandy at ayun! Nakita ko silang magkakasama sa isang table malapit sa BTS. Umiinom at halatang nag-eenjoy. Habang ako??? Late na nga, na out of place pa, ngayon ay kakanta naman?!?? Kinginang yan! Ano pang kamalasan ang mangyayari ah? Sana mangyari na ngayong araw para isang bagsakang kahihiyan na lang hys.




Sinamaan ko ng tingin ang tatlo habang ramdam kong may kumulbit sa likod ko. Nilingon ko 'yon at nakitang ang vocalist pala.


"Uhmm sorry but what song would you sing?" naisip kong wala na talaga akong choice sa tanong niya. Napailing-iling na lang ako sa kamalasan ko, dapat tulog ako ngayon eh T_T


"Well......do you know MYMP? The song Only reminds me of you? " Nahihiyang sagot ko. Kung alam nila edi ayos. Pero kung hindi, yun ang ayos na ayos.

Nag wait sign siya bago tinanong ang kasamahan kung may nakakaalam ng kanta iyon. Sana lang ay wala, matutuwa pa ako roon.

Kung tutuloy man ako sa pagkanta, iisipin ko na lang uli na birthday ni Sofie at pina request niya ito sakin. Na pawang kameng magkakaibigan lang ang nandito, nadagdagan nga lang ng Toffer at Brylle. Ipipikit ko na lang din ang mga mata ko para hindi ko makita ang reaksyon ng mga tao. TAMA! Ganun na nga lang ang gagawin ko pero sana pa rin ay hindi nila alam.

"Yes Maam, the bass guitarist knows the melody. He will use keyboard for a easier and smooth start." aniya. Lumaylay ang balikat ko.

"Here is the mic stand Ma'am, we will just prepare the melody." abot niya sakin sa isang mahabang bagay. Napabuntong hininga na lang ako.


Nakakita ako ng mataas na upuan, mabuti na lang at pagkaupo ko'y sumakto ang mic sa bibig ko. Pinagsaklob ko ang dalawang kamay sa sobrang kaba, hinihiling sa vocalist na sana huwag akong iwan dito. Ayokong mag-isa T_T

"We're done Ma'am. Goodluck and nice song choice." bumaba na siya sa stage at iniwan niya ako dito. Gusto ko sana siya pigilan kaso napapatagal na ang pagtungtong ko sa stage, kaya huwag na lang.

"Sir!" sahuli ay tinawag ko pa rin siya. Hindi ko talaga kayang mag-isa ngayon. Wala akong lakas ng loob lalo na ang kapal ng mukha.

Lumingon ang vocalist sakin pati ang mga taong malapit sa kanya.

"Anything Ma'am?"

"C-can you stay by my side? I'm..... I'm scared. " Sa huling salitang sinabi ko ay napatingin ako sa taong dumaan sa harapan ko. Napalingon ang vocalist sa kanya, inaakalang yun ang tinutukoy ko. Nagulat na lang ako ng sa hindi inaasahang pagkakataon ay itinulak niya iyon papunta sakin nang hindi man lang nagtatanong hys. Ang tinutukoy ko ay yung vocalist, hindi yung dumaan buset.

I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDWhere stories live. Discover now