Chapter 32: New Year's Eve

523 28 32
                                    

Dumaan ang December 29 ng nagtatrabaho pa rin. Wala kameng pasok ng 30 at 31 dahil sabado at linggo iyon.




Nalaman ko rin kay Sandy na birthday pala ni Taehyung nung December 30, nagulat ako pero at the same time natuwa rin kase magkalapit lang pala kame ng birthday. Pero syempre hindi ko siya nabati kase wala namang pasok nung time na 'yon, siguro pag nagkita na lang kameng dalawa.



Si Sandy? Ayun, binati daw niya sa twitter, IG, FB at Weverse. Akala mo namang mababasa ni Taehyung, eh sa dami ng fans nila na sabay-sabay bumabati, imposibleng mabasa pa iyon ng tao.




Ngayon ay December 31 na! Wuhoooo! Ngayon na lang uli ako naexcite magbagong taon. Di ko alam kung bakit. Sa nagdaang tatlong araw kase ay todo isip ako kung bakit biglang gumaganda ang mood ko, hindi ko na kase madalas naiisip si Adrian, kung maiisip ko man ay pinapaalala lang ng kupal kong kaibigan. Para bang bigla na lang may nagbago sakin. Alam niyo yung isang araw nagising kana lang tapos BOOM! Ang gaan na ng pakiramdam mo, ang saya-saya mo 'di tulad nitong nakaraang buwan o linggo na umiiyak ako tuwing gabi. 




Oo hanggang ngayon ay umiiyak pa rin ako, sabi ko naman kase sa inyo marami kameng ala-ala ni Adrian dito sa Korea at ang Chelsy Shane na katulad ko ay mahirap talaga mag-move on. Mahirap balikan mag-isa yung mga bagay na kameng dalawa ang gumagawa, kaya naman pag-iyak na lang ang tanging nagagawa ko na humahantong sa mahimbing na pagtulog. Pero kahapon ay halatang may malaking pagbabago sa akin, ramdam ko iyon pero hindi ko binibig-deal. Sinabihan pa nga ako ni Sandy na ang blooming ko daw, mukhang inspired daw ako at kung ano-ano pang bagay na halata talaga ang pagiging good mood ko.






Majority sa puso ko sinasabing  nakamove-on na ako pero malay natin, baka may maalala na naman ako tapos maiyak na lang ako uli. Sa nakaraang araw iniisip ko kung paano, bakit, kelan at saan nagsimula ang ganitong pakiramdam na ito. Yung tipong may namimiss ka, may hinahanap-hanap ka, may gusto kang makasama at alam kong hindi si Adrian yun.








Iniisip ko kung sino ang taong nagkapagpabago sakin. Gusto kong malaman kung sino ang dahilan ng magandang paggising, pagtulog at pagngiti ko. Gusto ko mang hulaan ay wala akong ideya. Nakakasama ko sila Brylle, Toffer at tito Ben pero hindi nun masagot ang tanong sa isip ko. Gusto ko lang naman siyang pasalamatan ng malaki, dahil sa wakas after 2 years ay bumalik na ako sa dating Shane na kilala ko.












Timecheck, 9:35 palang ng gabi. Ang tagal pa ng hihintayin namin. Nandito kame ngayon sa kwarto ni Sandy. Wala lang, gusto ko lang siyang puntahan, as usual nanonood na naman siya ng BTS videos.



"Ano kayang ganap ngayon? Wala namang sinasabi si tito Ben." Maya-maya'y sambit niya sa gitna ng panonood, napasang-ayon ako. Wala ngang sinabi si tito. Ang alam lang namin ay magbabagong taon kame ng sama-sama and the rest ay wala na kameng ideya. Hindi nga namin alam kung may pagames si tito eh. Nasanay lang kase ako kay papa na nagpapabunot ng pera tuwing new year hehehe. Kung anong mabunot mo ay iyo na, astig diba?














Bigla ay naisip ko si Adrian. Naisip ko lang, kung sana ay kame pa rin ang magkasama hanggang ngayon. Nasaan kaya kame? Sa Korea pa rin kaya? O nasa Pilipinas lang na nangangakong hindi ako iiwan? Tss katarantaduhan! Masasabi kong pangalawang beses ko na siyang hindi nakakasama sa new year slash anniversary date  namin na dapat pang limang taon na din namin bilang magkarelasyon. Well, mas ok na rin yong hindi ko siya kasama ngayon. Mas natutuwa pa ako dahil doon. 




Napangiti na lang ako sa naisip, hindi ko na kase maramdaman yung sakit na dinulot niya sakin nitong nakaraan. Masasabi kong nakamove-on na talaga ako.




I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDWhere stories live. Discover now