Chapter 41: Sandy's Debut 2

446 21 23
                                    

SANDY'S POV

Ogosh.  Sino 'tong lalaking humahawak sakin? Base sa pigura at mata niya ay mukhang gwapo naman siya pero duh? Bakit niya ako hinihila sa bakuran ng naka GOWN? Pakiexplain nga. Bakit doon!  Aist! Wala akong nagawa kundi ang magpahila sa kanya dahil mahigpit din ang hawak niya sakin. Pagkalabas sa back door ay napanganga ako sa dami ng tao na naroon... Anong meron? Atsaka bakit sila nakatingin sakin? Masyado ba akong maganda para palakpakan pa nila? Omy, thanks! Pero walang nagsabi sakin na may party pala dito ngayon! Dinala ako nitong pogi na ito sa stage dahilan para magpanic ako at mapahawak ng mahigpit sa kanya. Teka bakit sa stage?!?!?



"Wow! She's so gorgeous with her purple dress, isn't it?" Puri ng kung sino. Sinagot naman siya ng mga tao. Ano bang nangyayari??? Hahabulin ko pa sana si kuyang pogi ng bitawan niya ako at iwan sa stage kaso lumapit na itong emcee sakin pssh.

"How do you feel right now Miss Alessandra? This is your day, you should be happy and excited by now." My day? Bakit?? Anong meron??? Putek! Naguguluhan na ako! Inabot niya sakin yung mic pero takang tinignan ko lang iyon.

"Maybe you're just shocked, anyways. We're happy cause you finally enter the adulthood stage.I hope that you've enjoy your teenage life-------" Hindi ko na naintindihan pa ang sunod niyang sinabi dahil sa panic ko. Naghahanap rin kase ako ng kakilala dito pero wala akong makita. Nasan sila Shane? Si Toffer? O kaya si Brylle? Wahhhhhhhhhh T_T

"Are you alright Miss Alessandra?" Tanong ng emcee sakin. Mukhang nahalata niyang wala ako sa sarili.

"Ah yeah, yeah I'm fine. I'm just nervous. Call me Sandy by the way." Sambit ko pinipigilang mautal. Hindi ako komportable sa Alessandra.

"Ok ok, maybe we should start now the 18th roses. May I call on Mister hotness?" Hotness? Nangunot ang noo ko. Ano yun codename? Hinagilap ng mata ko kung sino yung hotness na iyon pero naitaas ko lang ang isang kilay ko ng maglakad uli paakyat ng stage yung nagdala sakin dito. So siya si Mister Hotness??? Sino ba 'to? At bakit naka half mask pa siya?



Pansin kong nakangiti siya habang papalapit sakin. Agad niyang nilahad ang kamay niya  ng tumigil sa harap ko kaya wala akong nagawa kundi ang tanggapin iyon kahit hindi pa talaga  nagsisink-in sa utak ko ang nangyayari. Inabutan niya ako ng isang purple rose saka inilagay ang isang kamay sa bewang ko habang ang isa naman ay inintertwine niya sa kabilang kamay ko.

"Wag ka ngang kumunot-noo dyan. Pumapangit ka tuloy." Nabigla ako sa pagsasalita niya. Pilipino ba siya? Bakit hindi ko mabosesan ang boses kung ganon? Wahhh may problema na ata utak ko.

"Wag kang mangialam kung sino ka man. Inaabsorb pa ng utak ko ang nangyayari." Supladang sabi ko. Natawa siya.

"Alam mo Sandy. Hinanda namin ito para sayo kaya sana mag-enjoy ka at maappreciate mo." Hindi pa rin talaga siya mabosesan. Bakit ganon?

"Thanks." Na lang ang naisagot ko. Kahit na hindi ko siya makilala feeling ko safe ako sa kanya. Ewan, baka siya lang kase ang mukhang mapagkakatiwalaan dito. Wala akong kilala miski isa eh.

"Bawat kanto dito may nakatutok sayong camera. Sige ka, panget ang kalalabasan non." Bigla ay napatingin ako sa paligid. Wala akong maaninag na kahit ano sa bawat sulok pero agad akong ngumiti para naman magmukhang maayos ako don. Kapag lang nalaman ko na walang camera dito, malilintikan sakin itong kaharap ko.

"By the way you're so gorgeous right now, I mean it." Sambit niya bago ngumiti. Napangiti rin tuloy ako. WTH. Nagtaka ako sa paghinto niya. Kunot-noo kong pinagmasdan kung paano siya tumungo at dahan-dahang tinanggal ang maskara. Ganon na lang tuloy ang panlalaki ng mata ko ng itunghay niya ang kanyang ulo.

I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon