Chapter 39: Dinner

510 27 41
                                    

Nagising ako sa ingay na makinang malapit sakin. Hindi ko alam kung ano yung makina na 'yon pero hindi ko na pinansin 'yon. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, pero mabilis ring napapikit ng masilaw ako sa liwanag mula sa kisame. Nagmulat uli ako pagkaraan ng ilang segundo bago sinilip kung ano iyong ingay malapit sa tenga ko.



Napangiwi na lang ako sa nakita. Isa lang pala iyong heart rate monitor. Sino namang-----Teka ano? Napasecond look ako sa monitor ng maisip kung sino ang gumagamit nito. Ba't may monitor dito? Napansin kong may nakakabit na swero sa tabi 'non, sinundan ko iyon ng tingin hanggang sa makitang nakadikit pala iyon sa kamay ko. Teka ano? Kamay ko 'to?? Ginalaw ko iyon at napagtantong sa akin nga. Hys. Ano bang nangyari? Ang natatandaan ko lang ay ang imahe ni Brylle, tumatakbo daw kameng pareho sa isang malawak at madilim na lugar.




Dahan-dahan akong umayos ng upo saka nag-unat-unat ng buto. Namiss ko ang kwarto ko sa totoo lang. Pakiramdam ko ang haba ng tulog ko. Sarap sa pakiramdam.


Habang nag-uunat ay biglang bumukas ang pinto, naging alisto ako sa pagpasok ng kung sino at agad na kinabahan. Sino yun? Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ang isang maid.


"You're awake. Let me call Mister Satin, stay still please." Nagmamadaling aniya saka lumabas sa kwarto. Mukhang sinilip niya lang talaga ako, sakto namang gising na ako.


Teka? Nasan ang pinamili ko? WAHHHHHHH NANDUN YUNG REGALO KO KAY SANDY EH! AMPUTEK! SAYANG YUN! Hinanap ko sa paligid kung nasan ang bag ko pero hindi ko makita. Nanlumo tuloy ako sa naisip.


Maya-maya'y narinig ko ang mabilis na yabag ng paa sa labas kaya napangiti ako ng pumasok ang inaasahan ko nang nilalang. Pumasok si tito Ben na hingal na hingal sa kwarto ko habang ang mukha niya ay puno ng excitement.


"Thank God! You're awake. Pinag-alala mo ako ng sobra." Lumapit siya sakin saka ako bahagyang niyakap, namuo agad ang luha ko sa mata. Namiss ko si tito Ben T_T


"Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala babygirl." Dagdag niya, niyakap ko rin siya ng mahigpit. Hindi niyo din po alam kung gaano ko kagustong mayakap muli ng ganito.


"Thank you tito." Galak kong pagpapasalamat. Agad rin naman akong nagtaka ng may maalala.


"Pero bakit po kailangan pang nakaswero? May nangyari po ba sakin?" Agad siyang kumawala sa yakap at bumuntong hininga na lalong nakapagpataka sa akin.


"Ang totoo niyan babygirl. Tinawagan ako ni Brylle kahapon at sinabing hindi  ka raw makahinga ng ayos kaya ayan pinapunta ko dito ang private doctor ko at inayos ang paghinga mo. Don't worry, ayos naman na." Nakangiti niyang paliwanag.


"Nasa'n po siya ngayon? Teka, anong oras na po ba?" Taka ko uli. Napansin ko kase sa bintana na medyo may kadiliman sa labas.


"Actually 2 days kang tulog. Ngayon ka lang nagising, alas-sais ng hapon." Napamaang ako.
G-ganun ba ako katagal natulog? Kaya pala parang narefresh ako ng bongga.

I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDWhere stories live. Discover now