Chapter 9: Task

695 32 3
                                    

Pangalawang araw na namin ngayon as interns. Smooth sana kahapon kaso nga lang nagkita na naman kame ng BTS. Masyadong napaka imposible pero totoo talagang sila iyon. Hindi ko alam kung anong koneksyon nila sa kompanya pero di ako natutuwa -_-

Nandito kame ngayon sa 15th floor. Pinapaayos nila ang isang malaking kwarto, sa sobrang laki ay kameng apat na intern ang pinaglinis.

"Ano ba yan, sobrang gabok naman dito" angil Sandy habang winawagayway ang walis sa kisame. Siya kase ang naka assign doon habang nakatungtong sa step ladder.

Ako naman ang nagpupunas sa bintana at nagwawalis ng sahig. Yung dalawang boys naman ay taga buhat ng bagay-bagay atsaka tagalagay sa tamang pwesto nito.

"Nag mask ka ba? Baka magkahika ka hah" paalala ko, hindi naman sa may hika siya pero baka lang magkaroon.

"Meron naman, sadyang napupuwing lang ako" sagot niya. Halos lahat naman kame ay naka mask at naka gloves din.

"Mag iingat ka Sandy baka dumaplis paa mo" paalala din ni Toffer. Na nakaantabay naman kay Sandy sa likod.

"Yah right, dahan-dahan na nga to oh" nagtuloy lang kame sa paglilinis hanggang matapos ako sa bintana.

Hinintay ko naman matapos si Sandy sa kisame bago ako nagwalis ng lapag. Sayang effort ko kapag nagwalis ako ng nagwalis habang may dumi pa ang kisame, kaya hinintay ko muna matapos si Sandy.

"Oh yeah, tapos nak----AHHHHH" nanlalaki ang mata kong nakita si Sandy na dumaplis ang paa. At lalo ng nanlaki iyon ng makitang tumama ang likod ng ulo niya sa edge ng cabinet malapit sa kanya.

"SANDYYYYY!!!!!" sigaw lang ang nagawa ko, hindi malaman ang gagawin. Tatakbo na sana ako palapit pero nakita ko si Toffer na mabilis na nakalapit sa kanya. Sinalo niya ang ulo ni Sandy bago pa ito tuluyang bumagsak sa sahig. Nakahinga ako ng maluwag pero nanginginig na rin sa kabila ng nangyari.

"Oh fuck call the first aider!" sigaw sakin ni Brylle. Natutuliro akong sumunod, hindi nagana ang utak ko!

Tumakbo lang ako palabas, hindi inintindi ang itsura. Nagtatakbo ako hanggang sa mapansing may nagkukumpulang tao sa bandang gitna ng hallway. Nasa dulo kaseng bahagi ang kwartong nilabasan ko. Kaya naman tumakbo na ako sa kanila at doon humingi ng tulong.

"Sir sir! Call the first aider please please please" pagmamakaawa ko. Nagtataka silangg tumingin sakin na pawang kinikilala ako. Hindi ko sila inintindi at nagpatuloy lang sa pagmamakaawa.

"Please sir!!! Call the first aider!!" sigaw ko at nagsimula na akong umiyak. Napaluhod ako sa sobrang panlalambot, taranta naman silang sumunod sa akin. Naririnig ko silang nagsalita ng korean pero nagpatuloy lang ako sa pag iyak.

"A-ahmm they are coming now, d-don't worry" nag-aalalang ani ng isang lalaki pero nagpatuloy lang ako.

"What happened miss?" tanong pa ng isang lalaki pero hindi ko din siya pinansin.

"Chelsy where are you?! Nasaan na yung nurse!!" narinig kong tarantang sigaw ni Toffer. Napalingon ako sa likod at nakita ko siyang nasa labas ng kwarto, hindi din alam ang gagawin. Napansin kong may pula sa kamay niya. Llo akong nanginig sa takot, hindi inisip ang dapat isipin. Tumayo ako sa pagkakaluhod bago tumakbo ng mabilis pabalik sa kwarto.

"Hey miss!!" narinig ko pang tawag ng lalaki pero hindi ko na sila pinansin pa.

Tumakbo lang ako papasok sa kwarto at  napatigil rin sa bungad ng pinto nang nakitang may pulang umaagos banda sa ulo ni Sandy. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Nagsimula na ring umakyat ang dugo ko sa ulo, nag-iinit.

"TANGINA KAPAG MAY NANGYARI KAY SANDY, HINDI KO MAPAPATAWAD ANG EMPLEYADO NIYO" umuusok ang galit kong asik habang nakatingin kay Brylle. Nakita ko siyang napalunok habang tinatapik ang mukha ni Sandy.

I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant