Chapter 7: Not Again

750 31 0
                                    

Lunes na ngayon at kaylangan na naming pumasok sa Satin company para makapag simulang mag OJT. Excited ako pero nangunguna ang kabang nararamdaman, hindi ko kase alam kung paano at saan magsisimula. Hindi ko din gamay ang tao dito lalo na't nasa ibang bansa kame. Di tulad sa Pilipinas na go with the flow lang palagi.


Bumaba na ako pagkatapos gawin ang morning routines ko. Nakita ko naman na ready na ang dalawang binata, si Sandy na lang at ako ang kulang.

"Hi goodmorning" bati ko sa kanila.

"Morning din Chelsy" bati sakin ni Toffer habang tumango lang si Brylle. Dumaretso muna ako sa kusina para kumain ng breakfast, maaga pa naman para umalis kame. Sadyang 5:30 ang napagplanuhan naming call time kahapon.



Bale may 20 minutes pa kame bago pumasok sa company. Habang kumakain ako, nakarinig ako ng yabag ng sapatos galing sa hagdan, mukhang si Sandy na yun nagmamadaling makababa.


"OMG OMG, AM I LATE AM I LATE?? SHIZZZ" taranta niyang sabi. Nadinig ko ang boses niya mula sa sala. Kaya naman nagpigil ako ng tawa. Masyado siyang aligaga, eh nakain pa nga ako hahahahha.


"Your not, you're just on time Sandy. Nasa dining area si Chelsy nakain" narinig kong sagot ni Toffer. Mukhang naglalakad na papunta dito dahil naririnig ko ang pagkalampag ng sapatos niya, napaka ingay ba namang maglakad. Yung tipong gasgas na ang swelas niya pssshhh.

"Goodmorning my dear bestfriend, taranta pa HAHAHAHAHAHAHHA" natatawa kong bungad pagkapasok niya.

"Gagi kase Shane akala ko late na ko. Hayyyy nagmadali pa naman ako, muntik pa nga akong hindi maligo HAHAHAHAH" kwento niya sakin para lalo akong matawa.


"Baliw ka. Kumain kana nga baka tuluyang malate tayo dahil sayo" tumayo na ako at inilagay ang pinag kainan sa lababo.


"Ikaw ang maghugas dahil ikaw ang nahuli." asar ko pa bago bumalik sa upuan, tinarayan lang naman niya ako.


May naalala ako na dapat kahapon ko pa itatanong kay Sandy pero nakalimutan ko dahil sa ginawa naming advance knowledge tungkol sa kompanyang papasukan namin, ngayon ko pa lang tuloy itatanong sa kanya.


"Nga pala Sandy" pagsisimula ko. Pumangalumbaba ako sa upuan, tinignan lang naman niya ako para sabihing ituloy ko.

"Noong sabado kase, diba gumala tayo nung gabi? Pagkauwi natin naupo tayo sa sala diba?" tumango siya.

"Oh tapos?" tanong niya ng hindi nakatingin sakin. Tumayo siya sabay lagay ng pinagkainan sa lababo at sinimulang hugasan iyon.

"Ahmmm ano kase, alam kong sa sofa ako nakatulog noong oras na yon pero paggising ko kahapon ng umaga nasa kwarto na ako." hindi siguradong paliwanag ko pero seryoso, alam kong sa sofa ako nakatulog noong time na yon sa sobrang pagod kaya imposibleng sa kwarto ako makatulog.


"Hmm hindi ko tanda Shane. Alam ko kase inaya kita paakyat sa kwarto pero tango at ungol lang ang sagot mo, kaya hinayaan na lang kita doon. Akala ko naman ay umakyat kana pagkatapos ng ginawa ko kaya hindi ako sigurado dyan." paliwanag niya para mapabuntong hininga ako. Napansin kong nagpupunas na siya ng kamay, sa tingin ko ay tapos na siyang maghugas ng pinakainan. Naglakad na siya palabas ng dining area at sumunod ako.

"Tara na guys, malelate na tayo" ani Sandy atsaka kinuha ang sariling gamit. Ganoon na rin ang ginawa ko.








Maya-maya lang ay nandito na kame sa harap ng building. Sobrang taas niya na hindi mo maaninag ang tuktok. Pumasok kameng apat at tumigil si Brylle sa bukana ng lobby. may kinausap na babae.


I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDWhere stories live. Discover now