Epilogue

845 40 100
                                    

THIRD PERSON'S POV

This is it JK, this is the right time to see her. I wanted to suprise everyone. I know this is unexpected but for me this was exciting. I missed my Shaney. Just hung on there, I'll see you in a bit.















Nasa loob ng van ang lahat ng BTS members habang nasa kalagitnaan ng traffic sa EDSA, papunta sila ngayon sa pinaka importanteng araw sa buhay si Jungkook. At iyon ang una nilang pagkikita ng dalaga. Kinakabahan man ang lahat ay walang makakatalo sa kabang nararamdaman niya. Tahimik lang siya sa isang sulok habang nag-iingay ang iba.



"Ugh! Why is it so traffic?!?" Iritableng sambit ni Jimin habang hindi na makapaghintay na makarating sa venue.



"Mol-layo.....Aish. Yeogi neomu deobda! (I don't know.....Aish. So hot here!)" Anang Jin habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay.





"Jinjja deobda. Sesanghe... (Its really hot. Oh my god...)" Dagdag naman ni Jhope. Gustuhin man nilang buksan ang bintana ay hindi na lang nila ginawa dahil baka may makakita sa kanilang fans at agad silang dumugin. Kaya kahit init na init ay tiniis na lang nila iyon para sa kanilang siguridad.






"Yahhh, nal jage naebeolyeodwo! (Let me sleep!)" Singit ni bigla ni Taehyung habang nakapikit ang mata. Napailing-iling na lang naman si Jungkook sa mga kasama. Hindi niya inaasahan na sasamahan siya ng buong kamiyembro niya sa pagpunta sa Pilipinas, kahit pa ang plano ay siya lang talaga. Natutuwa siya dahil sinamahan siya ng mga ito ngunit mas lamang ang kagustuhan na makita ang dalaga.














Ilang minuto ang dumaan at nakalagpas na nga sila sa EDSA. Dumaan na muna sila sa isang flower shop at bumili ng bouquet of flower as a love of Bangtan. Pagkatapos ay dumaretso na sila sa venue. Ngayon ay tumigil na ang sasakyan sa parking lot. Naghanda ng bumaba ang lahat habang si Jungkook ay tahimik lang sa isang tabi habang napapabuntong hininga, napansin iyon ni RM.




"Gwenchana?" Nag-aalalang tanong nito. Tinignan lang siya ni Jungkook bago nginitian kasabay ng bahagyang tango.


"Yea hyung, naneun yaggan ginjangdoenda. (I'm a bit nervous.)" Sagot nito bago tuluyang bumaba sa van. Pagkababa niya ay biglang may humaplos na malamig na hangin sa kanyang balat. Hindi niya alam kung bakit pero naging dahilan iyon para mangilabot ang buo niyang katawan.





'I'm here now Shaney' Anang nito sa isip.



Nauna ng naglakad ang lahat habang si na Taehyung ang nagdala ng bulaklak na binili nila para sa dalaga. Tinignan muna ni Jungkook ang anim na unti-unting lumalayo. Huminga na muna ito ng malalim bago naisipang sumunod.






Tuloy ay naging triple ang kaninang nararamdaman niyang kaba. Pinangingilabutan din siya sa hindi niya malamang dahilan kaya naman ganoon na lang ang panlalamig ng kanyang kamay.


"What floor Jk?" Tanong ni Jin. Kakasakay lang nila ng elevator ngunit walang nakakalam kung saan sila papunta, tanging ang pinakabata lang na mabilis namang sumagot.

"3rd, hyung." Pinindot na nga ni Jin ang button upang sumara ang pinto at tumigil iyon sa pangatlong palapag. Tahimik ang lahat sa loob na pawang pinapakiramdaman ang kanina pang tahimik na si Jungkook, hindi nila alam kung anong mangyayari mamaya kaya naman nanahimik na lang din muna sila.





Pagkalabas nila ng elevator ay agad na bumungad sa kanila ang maraming tao sa hallway. Hindi nila inaakalang ganun karami ang tao kaya naman hindi rin sila nakapag lagay kahit face mask man lang, pangtakip ng mukha. Tuloy ay nagadalawang isip sila kung tutuloy pa o hindi na, ngunit nang walang makakilala sa kanila ay doon lang sila nagpatuloy sa paglalakad.

I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDWhere stories live. Discover now