Chapter 37: The Truth

465 24 14
                                    

TOFFER'S POV

Sa wakas ay nakauwi na rin kame galing OJT. Tulad dati ay enjoy naman, ang kaso nga lang nakakapagod talaga siya.

Napag isipan namin nila Brylle at Sandy na magstay muna dito sa sala tutal tapos na naman kaming kumain.

Si Shane kase ay hindi gumising kanina, mukhang napagod siya mamili kagabi. Pinuntahan naman namin siya sa kwarto niya pero nakailang katok na kame ngunit walang nagbukas samin, miski ingay ay wala kameng narinig. Sakto namang nakalock ang pinto kaya hinayaan na lang namin siyang matulog mukhang napagod talaga siya ng sobra.

"Gising na kaya si Shane?" Natawa ako. "Grabe pala matulog 'yon." Sambit ko sa dalawa.

"Siguro. Lumipas na kaya ang ilang oras." Hindi ko alam kung sarkastiko niya iyong sagot o sadyang ganon lang talaga ang tono ni Sandy.

Syempre, hindi ko nakalimutan ang birthday niya. Binati ko siya kanina kaso nga lang wala akong nabiling regalo HHAHAHAHA. Pero, ok lang naman daw. Atleast binati ko siya.

De, ang totoo kase niyan. Binilhan ko talaga siya ng regalo kaso nga lang sa sabado ko pa pwedeng ibigay. Dahil sa katangahan ko ay nakalimutan ko siyang bilhan ng regalo para ngayon. Ang bobo lang.

Maiba tayo, nagpapasalamat ako dahil hindi narinig ni Sandy yung sinabi ko nung nasa elevator kame. Mas ok nang si Shane at Brylle lang ang nakarinig kesa sa babaeng yon na puro sigaw ang alam.


By the way, tumawag pala si Shane sakin kanina, siguro mga 5 times 'yon kaso hindi ko nasagot HAHAHAHHA. Ambobo ko. De joke lang, may dahilan naman ako. Nakalimutan kong kunin sa bag yung phone ko kaya hindi ko nasagot. Peaceyow Shane, sorry.


Bandang 7:28PM ay napagdesisyunan naming umakyat na sa kanya-kanyang kwarto. OT na naman kase kame kanina kaya kakauwi lang namin ng 6:30. Nagdahilan na lang kame tungkol sa pagka absent ni Shane, wala namang nagawa si Misty.

Nauna ng umakyat si Sandy, sisilipin daw niya ang kaibigan niya. Sumunod naman si Brylle na tangka na sanang hahakbang sa hagdan ng biglang may magdoorbell. Patayo na rin sana ako 'non kaso napatigil ako ng marinig ang sunod-sunod na doorbel. Masama akong napalingon roon kasabay ng malalim na pagbuntong hininga.
Sino naman ang dadalaw ng ganitong oras??? At teka? Nasaan ang mga maid namin? Anak ng pucha!

Mukhang busy ang mga kasambahay namin kaya naman
Napagdesisyunan ko nang ako ang magbubukas dahil mukhang walang balak tumigil kakapindot ang kung sino mang iyon.


Bago maglakad ay tinignan ko muna si Brylle na ngayon ay napatigil rin sa pag-akyat, nakakunot ang noo niya at mukhang nag-iisip rin kung sino ang dadalaw ng ganitong oras.

Pagkatapos 'non ay naglakad na ako papuntang gate dahil nakakarindi ang ingay ng doorbell. Sobrang tinis ba naman.

"Teka lang! Sino ka ba? Kung kelan namang paakyat na kame." Pero mukhang hindi niya narinig ang sinabi ko. Baka naman hindi Pilipino' to? Oo nga, bobo mo Toff.

"Wait lang! Pucha! Can you stop pressing the butto------" Napatigil ako ng mabuksan ang gate. Nabigla ako kung sino yung kanina pang nagdodoorbell. Ang dalawang miyembro lang naman ng BTS. Pucha! Anong ginagawa nila dito??

"Where is Brylle?" Yan na agad ang bungad sakin ni Ju-----Jungkook! Oo tama! Yung boyfriend ni Shane. Mas gwapo pa pinsan ko dito eh.

"Why are you finding him?" Taka kong tanong. Sa lamig ng gabi ay hindi ko naisipang papasukin agad sila. Wala akong paki kung makita ko pa sila sa balita bukas.

"Can we talk to him Toffer? This is an emergency." Tarantang sambit ni------teka------ayy oo si Taehyung pala 'to. Yung ultimate crush ni Sandy tsk.

I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDWhere stories live. Discover now