Chapter 22: January 1

532 18 6
                                    

Lumipas ang ilang araw at Sabado na ngayon with new ambiance, new environment and  new country. Yes tama nga kayo nasa Hongkong na kame, wala akong choice kundi ang sumama. Dahil majority ng intern students ay gusto makapunta dito lalo na si Sandy.




Kahapon ng tanghali ang flight namin kaya naman gabi na kame nakarating. Hindi na ako nagdala ng maraming gamit dahil ilang araw lang din naman kame. Alam na rin nila papa at mama na nandito kame lalo na ni tito Ben.



Kung hindi lang para sa OJT ay hindi ako pupunta dito. Alam niyo kung bakit ako naiinis? Kase nakaalis nga ako ng bansa pero dahil sa OJT ko naman ang dahilan! Gusto kong umalis ng bansa kapag magbabakasyon o kaya naman turista ako. Hindi yung trabaho ang inaatupag ko hys. Wala na, sira na ang pangarap ko.





Magkakasama sa isang hotel room ang babaeng interns habang sa kabilang banda ay ganun din ang mga lalaking interns. Sa Tuesday pa naman daw ang performance ng BTS pero kailangan na agad nilang makapunta dito para makapagpractice sa mismong stage ng stadium with VCR and back-up dancers. Mapapaiyak na lang talaga ako sa isang tabi. Yung feeling na kakarating lang namin pero trabaho agad ang aasikasuhin, may jetlag pa ako eh T_T

"Let's go guys" aya ni Archie. Napairap ako sa kawalan. Gusto niya kase palagi on time pero 5 minutes advance naman. On time bang matatawag yun? Tss.



Papunta na kame sa stadium, dala ang lahat. Mapa pagkain o tubig man dala namin, sumakay kame sa bus na tanging intern students lang ang pwedeng sumakay. Hindi kase kakayanin ang bilang namin kung sa van lang kame kaya naman dinala na dito pati bus ng Satin company.

Tungkol sa Bighit staff? Syempre may iba silang van or bus o kung ano man 'yon.


Anyways, pagpasok namin sa main entrance ng stadium ay namangha ako sa nakita. Masyadong malaki ito compare sa MOA Arena. Sabagay, magkaiba nga pala ang arena sa stadium boba. Pero kase ngayon palang ako nakapasok sa ganito hehehe.





Kinuha ko ang phone ko tsaka pinicturan ang kung anong makita. Napatigil naman ang camera ko kila Sandy, Toffer at Brylle na manghang-mangha din sa lugar kaya pinicturan ko din sila hahahaha.

"Ang laki daebakm" ani Sandy habang nakanganga. Mabilis ko iyong kinuhanan ng picture BWAHAHA.

"Hoy Shane kinukuhanan mo kame ng picture noh?"bintang  ni Toffer. Bigla kong naibaba ang phone ko tsaka mabilis na umiling.


"Hindi ah. Bat ko naman kayo pipicturan. " inosenteng sagot ko. Pfft.

"Wehhh patingin nga. " lalapit na sana siya ng humakbang ako paatras.

"Nayy. Oy Sandy! Kinuhanan tayo ng picture ni Shane. Kunin mo yung phone dali!" nagsinula akong tumakbo palayo nang mapansing umuusok ang ilong ng kaibigan ko. Alam ko na kase ang susunod doon eh, hahabulin niya ako at sapilitang kukunin ang cellphone ko.

"HINDI NIYO 'TO SAKIN MAKUKUHA!!" natatawa kong sigaw habang tumatakbo. Kaso sa kasamaang palad ay mas binilisan ni Sandy ang takbo niya kaya wala akong nagawa kundi ang doblehin ang takbo ko.


Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa maikot na namin ang buong stadium. Nakakahingal pala

Lumingon ako sa likod para tignan yung dalawa perp tanging si Sandy lang ang nakita ko na masyadong malayo ang distansya mula sa akin.

Binagalan ko ang takbo ko at hinanap si Toffer. Nasaan kaya yun?


"Woy!!! Baka ang panget ko dyan hah. Malilintikan ka talaga saki !!!" sigaw ni Sandy dahilan para belatan ko siya

I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDWhere stories live. Discover now