Chapter 47: Ship

435 31 89
                                    

(OMG Shane! OMG na talaga. Hoy Shane! SHANEEEE!) Nagising ako sa sunod-sunod na tawag ni Sandy kinabukasan. Kahit puyat ay wala akong nagawa kundi sagutin siya dahil baka importante ang sasabihin niya. Nakapikit kong sinagot ang tawag habang inaantok na sinagot ang tanong niya.

"Ano? Ang aga-aga, Sandy." Nakadapa kong hinintay anh sagot niya pero ganon na lang ang taranta ko ng tumawag siya sa messenger. Anak ng tupa, hindi nakuntento sa phone call.

(Accept mo dali! Aceept mo!)

"Ano ba 'yon? Dito mo na lang sabihin!" Naiinis ko ng sabi. Hindi sinasagot ang tawag niya sa Ipad.

(Sagutin mo na lang. May ipapakita ako sayo. Mas importante pa sa buhay mo.) Sa inis ay mabilis kong kinuha ang ipad ko sa ilalim ng coffee table. Palagi lang naman 'yon naka connect sa wifi para kung sakaling may biglaang meet up ng groupings ay updated ako.

"Pucha Sandy. Kapag ito walang kwenta, FO!"

(Seryoso nga ako! Accept mo yung share screen, dali!) Ganon na nga ang ginawa ko. Wala akong pakialam kung dugyutin pa ako ngayon, siya lamg naman ang kakausapin ko. Pumikit n amuna ako habang may hinahanap pa siya sa phone niya. Ayokong mapanood ang pinagpipipindot niya, puro BTS lang namna laman ng phone niya.


Hanggang sa naisipan kong tignan ang oras. Pakshet na talaga. Alas-singko pa lang ng madaling araw. Gusto ko pang matulog!

(Kita mo na? Kita mo na???) Dali-dali kong binalik ang tingin sa screen ng marinig ang sinabi niya. Nangunot naman agad ang noo ko. Ano 'to?


"Sino yan? Katulad yan ng suot ko kahapon ah."Pagtutukoy ko sa nakatalikod na babae. Ganong-ganon ang suot ko kahapon. Naka school uniform sa loob habang sa panglabas ay nakacoat na pink. Malamig kase sa room kaya naman kailangang magdala ng jacket kung ayaw kong manigas sa lamig. Habang suot ko ang isang mini backpack sa likod. Ganong-ganon talaga ang suot ko. Nagtaka tuloy ako.


(Gaga! Ikaw 'yan!) Ngunit lalo lang akong nagtaka sa sinabi ni Sandy. Paanong ako 'yan, eh magkasama kame kahap........Oh shizz. Wag mo sabihing..........Si ate girl na may dala ng camera ang nag-upload nito? Ibig sabihin, ako talaga ang puntirya niya??? P-aano......Bakit?!?!


Sa mga oras na ito ay pinasend ko kay Sandy ang link ng website na 'yon. Blured ang mukha ko pero kahit ganoon ay nakilala ko ang sarili ko. Nanginginig ang kamay ko habang ini scroll down pababa ang news article. Gano'n na lang ang pagdagundong sa kaba ng dibdib ko ng mabasa rin doon ang pangalan ng school ko. Syempre makikilala nila 'yon dahil sa suot kong uniform. Ang pinoproblema ko ay bakit, paano at kelan niya naisipang sundan ako??? Bakit wala man lang siyang pahiwatig o kung ano man para nakapaghanda ako! Kinginang 'yan.


"Papasok ba ako, Sandy?" Alinlangan ko, ang mata ay nasa article pa rin. Narinig ko siyang bumuntong hininga.


(Mas ok, kung wag na muna pero ikaw bahala. Nandito lang naman ako kung sakaling may dumumog sayo.) Ako naman ngayon ang napabuntong hininga. Papasok ba ako o hindi? Buset.






Nagpagdesisyunan kong pumasok na lang. Nagpalit ako ng bag, hair style, shoes, lahat-lahat maliban sa uniform. Iniba ko lahat para hindi nila ako makilala. Kabado man ngunit nandyan naman si Sandy para bantayan ako. Sabihin ko din kaya kila Brylle? Wag na nga, nahihiya ako.

Dahil nga sa balitang 'yon ay naisipan aking sunduin ni Sandy. Ayoko sana ngunit nagpumilit siya kaya hinayaan ko na. Nagpapark na si manong driver ng biglang magsalita ang kaibigan ko.

"Huwag kang kabahan, Shane. Isipin mo normal na araw lang 'to. Isipin mo walang ganon na nangyari, isipin mo wala kang boyfriend------ Joke lang." Agad ko siyang sinamaan ng tingin.

I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDWhere stories live. Discover now