Chapter 3: Palawan here I am

1.1K 28 4
                                    

Sa wakas FRIDAY na!! Nandito ako ngayon sa kwarto ko, naghahanda ng mga dadalhin para sa sleepover namin ni Sandy. Napabunting hininga ako sa katamaran. Kung hindi lang talaga kaylangang mag OJT ay hindi ko talaga aggawin.





Nandito si Sandy sa bahay. Dito na kame dumaretcho after class para makapag handa na ako mamaya. Sa ngayon ay nasa baba siya, nakikipag kwentuhan kay ate Cheska. Susunduin na rin naman kame ni kuya Sander any minute.




Dala ang black track pants na baymax at white loose shirt para pantulog ko. Sa pang alis ay navy blue croptop and highwaist pants with a pair of converse shoes.




Hindi mawawala ang baymax stuff toy ko na madalas kong yakap sa gabi at ang baymax eyemask ko din.



Pagkatapos kong ihanda ang mga dadalhin ko ay bumaba na ako. Nakita ko sila Sandy at ate na nagkukwentuhan pa rin kaso kasama na si mama habang katabi si papa. Nandito na din pala sila.


"So Sandy, how was school?" my mother asked, napairap ako.


"Ayos lang naman po tita. Tutal nga po niyan, naghahanap po kame ng pwedeng mapag OJT-han" tango na lang ang balik ni mama.



"Do you two have boyfriends or should I say manliligaw? Hindi na kase palakwento si Shane ngayon eh. Masyado na siyang private sa lovelife niya " my mom ask again. Kaya ayokong nandito yan eh, masyadong matanong.



Bumaba na ako ng tuluyan at lumapit sa kanila.



"We dont have boyfriends nor manliligaw ma" I said in a bored tone.




"Ikaw ba tinanong namin Shane? I'm asking Sandy not you" binaling uli ni mama ang tingin kay Sandy. Napasinghal ako. Asa namang meron. -_-



"Well yes, tita we have boyfriends po" nanlaki ang mata ko sa sagot niya.





"Ano??" bulalas ko, hindi makapaniwala. Napakurap pa ako ng maraming beses sa kanya  Ano na naman bang pakulo ito bruhilda??




"Hayyy sabi na meron eh. Kaya ayokong magtatanong dito kaya Shane, hindi nagsasabi ng totoo. Tell me who's that lucky boys?" ani mama na pawang natatawa't pailing-iling pa. Sinamaan ko ng tingin si Sandy pero ang bruha ay nagpipigil na lang ng tawa. Tss patay ka sakin.



"My boyfriend is Taehyung po and Shane's boyfriend is Jungkook tita" pinigilan pa saglit ni Sandy ang tawa pero sa huli ay hindi na niya kinaya. Siniringan ko na lang siya bago naglakas sa sofa. Puro kalokohan.



"Who's Taehyung and Jungkook?" tanong uli ni mama, nagtataka. Nakamot ko ang sintido ko. Hindi na natapos ang Q and A na ito, jusko.



"Nah their just a boy group in Korea called BTS and I'm not a fan of them. Si Sandy lang" sagot ko at binagsak ang katawan ko sa sofa.




"Yess tita HAHAHA" dagdag ni Sandy. Napailing na lang ako sa kawalan.



"Now I know, kinabahan ako doon. Akala ko nagtatago na kayo samin. Oh siya sige aakyat na muna kame, ingat kayo" at umakyat na nga siya kasama si papa pagkatapos magpaalam samin. Mabilis kong nilingon si Sandy.





"ARAY!!......Ang chakit!" anang Sandy matapos kong kurutin sa braso. Inirapan ko nga.



"Paano puro ka katarantaduhan. Akala ko kung sino na ang boyfriend ko!" inis kong singhal. Siya naman ay tumawa lang.




"Ang galing ko nga eh. Lahat kayo nakatingin sakin, halatang gustong malaman ang pakulo ko HAHAHA" kamit ang pisngi kong pinabayaan siyang tumawa doon. Kahit nakakarindi na ng boses niya ay hindi ko na lang inintindi.







I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDWhere stories live. Discover now