Chapter 40: Sandy's Debut

457 22 12
                                    

Maaga akong nagising kinabuksan, bandang 5 AM siguro iyon para lang macheck ang lahat ng mga gagamitin mamaya sa party. Nandito ako sa kwarto ko habang kumakain at nagchecheck ng mga bagay-bagay. 

Caterer,  checked. Mag-aayos sila mamayang 1PM. Sounds and light, checked din. Sabay silang mag-aayos ng caterer. Invitations, checked. Halos lahat naman ay naibigay ko na. Sa program naman ay mauuna ang 18th roses tapos pipilitin kong kumanta si Sandy and then 18 gifts. Syempre uunahin ko si Toffer, siya ang nilagay ko bilang escort niya eh. Si Taehyung na lang kaya? Kaso baka mahalata ni Sandy na nandito ang BTS, si Toffer na nga lang. Pangalawa si Kuya Sander, pangatlo si Brylle. Sa BTS naman ang nangunguna ay si RM na pang 11th, sinundan ni Jin na pang 12th, pang 13th naman si Suga, pang 14th si Jhope, pang 15th si Jimin habang 16th naman si Jungkook and then pang 17th si Taehyung ang ultimate crush niya. Tapos si tito Hill na for the last dance, papa ni Sandy. Naisip kong ipangalawa sa huli si Taehyung para kapag turn na ni tito ay si Taehyung ang huling mag-aabot sa daddy niya. Tignan ko lang ang kilig ng bruhilda.  Ngayon palang ay naiimagine ko na ang mukha ni Sandy hayy nako. The rest ng 18th roses ay co-interns na namin.

"Checked na din pala ang emcee, photographer at videographer." Naalala ko si tito Ben, sinasali ko siya sa 18th roses pero ayaw niya. Parehas daw kaseng kaliwa ang paa niya na totoo naman. Dati kase nung 7th birthday ko, naging part siya ng 7th roses ko, actually pangalawa din sa huli bago pa si papa. Sobrang close kase talaga namin na aakalain ng lahat na kadugo ko siya. Tapos ayun nung turn na niya, hindi man lang siya makagalaw HAHAHAHA. Tamang sway lang ng katawan. Hindi ako natawa nun pero ngayon na alam ko na ang totoong pagsayaw ay natatawa na lang ako sa naging sayaw namin noon. Kailangan pala talagang igalaw yung mga paa pero si tito ay tamang sway lang AHAHHAHAH.

"Ano pa ba? Wait---nagsuggest nga pala ang BTS na sasayaw after ng 18th gift. Tapos..... Food! Oo tama." Inisa-isa kong tinignan ang listahan ng pagkain. Filipino and Korean food ang pinili ko, majority nga lang ay Korean dahil sa bisita niya. Sa Filipino food ay mayroong lumpia, fried chicken, lechon, spaghetti at carbonara, lahat ng iyon ay paborito ni Sandy. Sa Korean food naman ay kalimitan kong pinili ang seafoods pero may steaks din at Korean BBQ. Hindi mawawala sa lahat ang kimchi. Syempre nariyan rin ang dessert, unang-una na sa listahan ay ang salad at leche flan for Filipino desserts and for Korean ay nandyan naman ang favorite kong Patbingsu and Makgeolli icecream hehehehe. Sarap no'n I swear.

"Hayyyyyyy." Sambit ko pagkaunat, medyo nakakangalay na kase ang pwesto ko. Yung nakaindian seat sa kama habang walang sandalan, sakit tuloy ng likod ko. Tapos na naman akong kumain kaya pinatong ko na muna sa side table yung pinagkainan ko.

"Ano pa bang kulang? UGH." Naisabunot ko ang kamay ko sa pag-iisip. Dami ko pang gagawin! T_T

"Oh shizz yung gown at dress pa nga pala!" Mabilis kong chinekan yung dalawa, pamalit niya lang naman yung dress kung sakaling hindi na siya komportabke. Mauunang dumating ang damit kesa sa cake siguro bandang 2:30PM.

"Yung cake!! Oo nga pala aist!" Chinekan ko din yung cake which is dadating bandang 3PM. 5:30 kase ng hapon ang start ng party, tapos mga 4:30 naman dadating ang nga bisita. Kung nagtataka kayo na baka malaman ni Sandy ay nagkakamali kayo. 

Ganito kase yan, sa bakuran ng mansion ni tito gaganapin ang party. Habang nagdadatingan at nag-aayos ang lahat bandang 1PM ay sinabihan ko sila Toffer na igala si Sandy ng ganung oras at bumalik na lang uli sila sa mansion bandang quarter to 5 para halos lahat ng bisita ay kumpleto nang nasa likuran. And then pag nakauwi na si Sandy, mabilis ko siyang hihilahin sa kwarto niya at ipapasuot sa kanya yung purple dress na pinagawa ko pa. Jusko! Mabuti na lang halos magkasize kame ni Sandy, malaki nga lang ng konti ang hinaharap niya kesa sakin kaya pinalagyan ko pa iyon ng konting allowance hehehe. 

I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon