Chapter 28: Nervousness

499 25 13
                                    

"What are you doing?" masungit niyang tanong, bigla ay para akong natuod sa kinatatayuan ko. Napansin kong tumingin siya sa kamay kong nakahawak sa damit niya, di na ako nagdalawang-isip at  mabilis na iyong tinanggal.

"Uhm....y-you hit my....... forehead." mahinang paliwanag ko, nangunot uli ang noo niya.

"But its fine, sorry ah." sarkastiko kong sabi, nauna na akong tumalikod sa kanya. Nandito pa pala sila, akala ko wala na psshh. 




Nasa gitna pa rin ako ng maraming tao. Hindi ko alam kung kelan matatapos to. Pilit akong nakipagsiksikan at nakipagtulakan sa madadaan ko. Wala akong balak na sumunod sa parada, kailangan ko pang hanapin sila Sandy.


Dali-dali kong dinial ang number ni Sandy bago nilagay ang phone sa tenga. Nagriring lang ito at mukhang walang balak sagutin ng bruha. Dinial ko uli ang number niya, sa pang limang ring ay mabuti na lang sinagot na niya.

"Hoy nasan kayo!?" inis kong tanong. Lalo pa akong nainis dahil sa maingay na paligid, bowset.

"Ikaw ang nasan? Bigla-bigla kang nawawala. Nandito kame sa-----" bago ko pa man marinig ang huling sinabi ni Sandy ay may umapak bigla sa paa ko.

"OUCH! That hurts! You bitch!!" inis ko na talagang sigaw, apakan daw ba naman ang paa ko? Ang malala pa, naka heels siya?? Bwisit!!!! Ang sakit T_T

"What?! Did you just call me bitch?!" angil ni ate girl na tumapak sakin. Maka what, eh siya naman ang nanapak!!

"Oh yes! Well, you just  stepped on my foot with your heels!" sigaw ko. War freak na kung war freak, eh siya naman ang may kasalanan eh.

"Good for you!!!" sigaw niya bago ako tinalikuran. Aba, aba, aba! Ang kapal ng mukha niyang talikuran ako.


"You bitch! We're not done yet!!" hahablutin ko na sana ang buhok niya ng may humila sakin palayo roon. Aist! Sino 'to? Hindi pa nga ako nakakabawi eh!!

"Who are you??! Let me go!!" hindi ko makita ang mukha niya dahil sa suot niyang cap. Hindi rin naman to si Brylle o Toffer dahil iba ang pigura nito sa pigura ng magpinsan na yun. Patuloy lang siya sa paghila sakin, ni hindi ko man lang siya marinig na mag 'excuse me' sa nadadaanang tao.


"Where are you taking me?!! Ouch!" nawala ang pagiging masungit ko ng maramdaman ang pagkirot sa hinliliit ko. Bwisit! Doon pa talaga niya ako inapakan sa hinliit ah? Pero hindi man lang nag-atubiling tumigil itong humihila sakin, wala ba siyang awa? O hindi niya lang talaga ako naririnig? Ang sakit na talaga ng paa ko, feeling ko dumudugo na yun T_T


"Please, stop for a bit... my foot" pagmamakaawa ko pero wala talaga siyang balak na tumigil, tuluyan na akong napaluha sa sakit ng hinliit. Hindi ko naman maagaw ang kamay ko sa kanya dahil masyado na akong nanghihina, no choice ako kundi ang sumunod sa kanya kahit pa masakit na ang paa ko. Nagsimula na akong humikbi ng mahina, hanggang sa hindi ko na makita pa ang paligid ko.

'Yung paa ko, ang sakit sakit na talaga. Kelan ba 'to titigil sa paglalakad?' Bigla ay para akong naawa sa sarili ko, nagsimula na din akong maglakad ng ika-ika. Napapadaing na ako rito.


Pinunasan ko ang mata ko para mawala ang panlalabo nito. Doon ko napansin na naglalakad kame papunta kame sa picnic area. Tinignan ko ang paligid ko, medyo nawawala na din ang mga tao.

"Awawaw....ouch." kumirot na naman ang hinliit ko. Hindi ko na kaya, nanlalambot na 'ko.


 Tumigil ako sa paglalakad tsaka biglang hinila ang kamay ko sa kanya. Nagulat siya sa ginawa ko kaya napatingin siya sakin ng nagtataka. Hindi ko magawang magulat ng makita ko kung sino siya, dahil sa sakit ng nararamdaman ko sa paa. Ika-ika akong naglakad papunta sa malapit na bench at hindi ko na pinansin pa si Jungkook. Pagkaupo ay nilapag ko agad ang cellphone sa bench at hinubad ng mabilis ang sapatos ko. Hindi ko pa man nakikita ang paa ko ay alam ko ng dumudugo ito, namumula na kase ang white socks ko! Bowset talaga! 


I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDWhere stories live. Discover now