Chapter 35: Gift

477 28 8
                                    

Ok, so Wednesday na! Ang bilis ng panahon, parang kailan lang stress pa ako sa pag-gawa at pamimigay ng invitation ni Sandy. Pero sa ngayon ay kumpleto na ang lahat, hinihintay na lang talaga namin ang January 13 para icelebrate ang birthday niya.




 Nandito kame ngayon sa 'Making Room' kung saan kakatapos lang malabhan ang costumes ng dancers. Habang nagpaplantsa ang ibang interns ay taga sampay naman kame ni Sandy at ng iba pa sa clothing rack. Alam kong bukas na ang birthday niya pero miski isang beses ay hindi ko man lang inopen sa kanya ang tungkol doon kahit naman siya ay hindi rin naoopen





.


Ang BTS? Ayun nasa court na naman nagpapractice, hindi ko tuloy sila mapanood. Kung dati ay bagnot na bagnot ako kakahintay matapos ng practice nila, ngayon ay gustong-gusto ko na silang panoodin. Pagdating na pagdating kase nila kanina ay agad kameng pinapunta dito ni Miss Miyun kaya pagtingin na lang sa isa't-isa ang nagawa namin ni Jungkook hys :(





"Oy ang sarap magsamgyup ngayon, tara mamaya?" Hindi ko naman napansin ang paglapit ni Toffer na nakisampay na rin samin. Ramdam kong napabuntong hininga lang si Sandy.


"Pass ako." Nangunot ang noo ko sa sagot niya. Teka, parang alam ko na.


"Bakit? Paborito mo yun diba? Tsaka sabi mo cravings mo na yun nung Monday pa kaya tara na Sandy." Sapilitang aya ni Toffer.



"May problema ka ba? Ba't parang ang lungkot mo?" Nagtataka kong tanong pero bumuntong hininga lang uli siya. Siguro'y iniisip niyang 'Bakit wala man lang nag-oopen ng birthday ko? Bukas na 'yon eh! 


Nagpigil na lang ako ng tawa sa naisip. Kilala ko si Sandy and I swear ganun nga ang nasa utak niya.



"Wala, tara na sa taas." Aya niya pagkakitang nakalagay na lahat sa clothing rack ang costumes. Ito pa rin yung mukhang waiter na damit, pinalabhan lang at pinaplansta. Kumuha na ako ng dalawang rack tsaka sumunod sa kanila papuntang elevator.




Pagkarating sa taas ay agad na kameng lumapit kay Miss Miyun.


"Here are the costumes, Miss" ani Jessy, tinanguan lang naman siya ni Miss bago pinatabi ang clothe racks sa gilid.



Napansin ko anh BTS, halos nakahandusay na sila sa sahig at pawang naghahabol ng hininga. Grabe ang pagod nila, ganon ba kahirap ang mga sayaw nila? Bigla ay nag-alala ako kay Jungkook, gusto ko man siyang lapitan ay hindi pwede hanggat walang inuutos si Miss Lim. Anyways, naibigay ko na rin pala sa kanila ang invitation ni Sandy. Nasa kanila na yun kung aattend sila.

I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDWhere stories live. Discover now