Chapter 19: His Sweat

556 23 4
                                    

Si J-jungkook?! Natuod ako sa kinatatayuan habang sinisink-in sa utak ko na si Jungkook ang tumulong sakin nung nakaraan. Pero? Napaka imposible nun!!!

Naglakad na siya palapit sakin, napansin kong nilingon niya ako saglit habang naglalakad pero lumagpas lang siya habang ako ay hindi pa rin makagalaw sa kinatatayuan ko. Kinilabutan ako ng maamoy ko uli yung pabangong 'yon. I-ibig sabihin....... sa k-kanya nga yun!!!!

Napahawak ako sa dibdib ko, nakakaramdam na naman kase ako ng kaba na akala mong hinahabol ako ng aso sa sobrang bilis. Myghad! Hindi pwede to! Napakaimposible! Ni minsan nga hindi sumagi sa utak ko na si Jungkook yun eh. Ugh! Bowset.

"Huy Shane ok ka lang?" nilingon ko si Sandy, mabilis ko lang siyang tinanguan pagsagot. 

Maya-maya lang din ay nagpatuloy na ang shooting kaya naging busy uli ako. Hanggang sa dumating sa point na magkakaroon ng kanya-kanyang dance number ang BTS sa paggawa ng VCR. Iniiwasan kong tumingin kay Jungkook dahil hiyang-hiya na ako sa mga pinaggagagawa ko. Pero hindi ko kayang hindi siya tignan, lalo na noong sumasayaw siya. 

Ang hot niya kaseng tignan, ang sexy niya ding gumalaw lalo na kapag sinusuklay niya ang buhok niya pataas dahil nakaharang sa mukha niy...... Teka? Nasabi ko ba lahat yun? Aist! Boswet.

Nakatingin pa rin ako sa kanya habang sumasayaw. Ang fierce ng mata niya at pawang seryoso ang mukha. Habang pinapanood ay bigla siyang napatingin sakin, nagulat ako sa ginawa niya.


Yung kaninang fierce niyang mata ay biglang gumaan. Yung kaninang pagod na pagod kong nararamdaman ay biglang napawi nang tumingin siya, para bang nakapagpahinga na agad ako sa ginawa niya, na para bang nawala ang mga tao sa paligid namin at tanging siya na lang ang nakikita ko. 

Napahawak na naman ako sa dibdib ko, bigla na naman kase siyang sumikip at tila hindi na naman ako makahinga ng ayos. Gustuhin ko mang alisin ang tingin sa kanya ay hindi ko magawa dahil natuod na naman ako sa kinatatayuan ko. Mabuti na lang at inalis na niya ang tingin sakin noong tinawag siya ng direktor, nagkamali kase siya ng step kaya lihim akong napangiti sa paghingi niya ng sorry. Pagkatapos din naman noon ay nagpatuloy na uli siya sa pagsayaw na parang walang nangyaring titigan kanina.

Tumalikod na lang ako at nakitulong na lang sa iba. Mabuti na lang rin at umayos na ang paghinga ko. 

Nagpaalam na muna ako kay Sandy na magccr saglit. Dumaretso nga ako doon tsaka tinitigan ang sarili sa salamin. Naipaypay ko ang kamay ko sa sobrang init.

Shizz! Anong nangyayari sakin? Bigla akong nakaramdaman ng init. Pero paano yun mangyayari, eh kahit dito sa cr ay may aircon. napabuntong hininga ako. Pagkatapos kong maghilamos ng mukha ay nagstay pa muna ako ng ilang minuto bago bumalik roon.

Pagpasok naman ay napansin kong nagkukumpulan sila sa table ni Miss Lim. Mukhang tapos na ang shooting kaya pinapanood na nila ngayon ang VCR na nagawa. Hindi na ako nakisingit doon ng makitang nandun din ang BTS members, umupo na lang ako sa isang tabi at nag-indian seat. Maya-maya ay tumabi sakin 'yong magpinsan.

"Ayos ka lang Shane? Bat ayaw mong makihalubilo? Tignan mo si Sandy oh" tinignan ko yung bruha at tuwang-tuwa siya dahil malapit sa kanya si Taehyung. Inalis ko na agad ang tingin doon.

"Hayaan niyo siya, kayo? Bat ayaw niyo ding makihalubilo?" taka ko ding tanong. 

"Alam mo Shane, ang mga gwapo hindi nakikihalubilo bagkus sila pa yung nilalapitan" napangiwi ako sa sagot ni Toffer. Tinignan ko na rin siya ng may nasusukang itsura.

"Feeling mo naman gwapo kayo" natawa lang siya sakin habang si Brylle ay napangisi.

"Oy gwapo kame!" napatango-tango na lang ako.

I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora