Chapter 27: Parade

483 28 17
                                    

Wala kameng nagawa kundi umorder ng 7 meals. Dinagdagan na din namin ng dessert, si Brylle naman magbabayad eh. Pero yung isiping kasama namin yung brat na yon, yun ang hindi ko kakayanin. Feeling ko tuluyan ng masisira ang araw ko hys.






Tapos na kameng umorder, hinihintay na lang namin ang pagdating ng pagkain at ng magkapatid.

"Watdahel? Nandito talaga si Brianna? Hayyy hindi na tayo makakapag-eenjoy nito, mukhang susunod na lang tayo sa lahat ng gusto nun eh. " iritableng ani Sandy, totoo naman siya. Mukhang si Brianna na ang maglelead sa gala namin. Ayoko ng ganon!





"Hindi naman siguro, kakausapin ko si Brylle. Humiwalay na lang tayong apat kay Brianna." mahinahong sagot ni Toffer.



"Edi iniwan naman ni Brylle ang kapatid niya? Aist! That girl! Wala na sira na talaga ang araw ko." napatungo ako sa mesa sa sobrang inis. Hindi ko maisip na susunod ako sa isang spoiled brat.



"Edi iwan natin si Brylle, kahit tayong tatlo na lang. Pwede naman siguro yun diba Toffer?" naitaas ko ang ulo ko sa suggestion ni Sandy, sana pumayag si Toffer kaso asang iwan niya ang pinsan niya psh.



"Hmm kausapin na muna natin si Brylle, wag nga kayong magmadali. Kakain pa nga tayo eh " medyo inis na niyang saad. Wala kameng nagawa kundi hintayin ang pagdating ng magkapatid.

"Hi olderlies!!! I miss you all. " maya-maya ay narinig namin ang matinis na boses na yun. Sa sobrang tinis ay maiirita kana lang.


"Ayan na si brat, manahimik na tayo." bulong ni Sandy, sumunod na lang ako. Nilingon namin sila Brianna na kakapasok lang bago tumayo. Napansin ko si tita na nasa likod nila Brylle kaya mabilis kong kinulbit si Sandy.


"Nandyan si tita, baliw. Batiin natin." mahinang bulong ko.



"Hala oo nga, sige pag nakalapit." bulong din niya. Masyado kaseng mabait samin si tita, bumabawi lang kame sa kabaitan niya.





"I just saw BTS outside kyaahhh! I feel like I'm one of the luckiest fan of them." wala sa sariling ani Brianna. Hindi namin alam kung sino ang kinakausap niya. Pagkarating nila sa table ay sabay-sabay kameng nagbow nila Sandy at Toffer, paggalang.



"Annyeong halmeoni, I didn't expect that you're here too." magalang na bati ni Toffer.



"Hello tita, good afternoon." Agad na bati namin ni Sandy. ahagya siyang ngumiti samin tsaka umupo doon sa tabi ni Toffer. Kanina kase ay pang-apatan lang ang inoccupy namin, kaso ng malaman naming nandito si Brianna ay lumipat kame ng pwesto. Nandito na kame ngayon sa 8 seater na table.





"Seat down guys, nice meeting you here too." Pagkaupo nila ay sakto namang dating ng inorder namin. Katabi ko si Sandy sa kanan habang nasa kaliwa ko si Brylle, dito na siya umupo sa tabi ko dahil puno na yung katapat naming upuan which is sila Toffer, Tita, Brianna at isang yaya ang nakaupo roon.




"Let's eat!" masayang ani Brianna, hindi namin siya pinansin bagkus ay kumuha na kame ng kanya-kanyang pagkain.




"I didn't know that you're here with this kid. I didn't expect that halmeoni." pagbubukas ng topic ni Brylle.



"I didn't knew either. I only know, your dad called Brianna and ask if she wants to go to Disneyland with me. Without me she'll not coming, but then I realized the four of you were also here that's why I agreed." mahabang paliwanag ni tita. Lihim akong naoabtungon hininga, nasa isip ko'y sana hindi na lang siya pumayag para wala ngayon dito si Brianna.


I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDWhere stories live. Discover now