Chapter 48: Surprise

408 33 50
                                    

SANDY'S POV

Dalawang buwan ang lumipas at napapansin kong nagbabago si Shane. Tila bumabalik na naman siya sa dati kung saan mas gusto niyang magkulong sa kwarto kesa ang gumala. Hindi ko alam ang nangyayari pero sigurado ako tungkol ito sa relationship nila ni JK. Hindi ko naman siya matanong dahil nahihiya akong pakialaman ang buhay niya. Kahit naman makulit ako ay alam ko pa rin ang salitang respeto.

Nitong nakaraang buwan lang din tumahimik ang pagkatao niya sa balita. Hindi na masyadong pinag-uusapan ang tungkol sa kanya kahit ang mga estudyante dito sa school ay tumigil na rin sa pag-iimbistiga. Hindi ko na rin masyadong nababasa ang mga hashtag na Jungkook's Girlfriend, #UnidentifiedFlirtyGirl atsaka #ACollegestudentwhoflirtJungkook.

Masakit isipin na ganoon ang tawag nila sa kanya, kahit sino ay maiinis doon. Paano pa kaya ang kaibigan ko na masyadong naaappektuhan ng sobra? Wala naman akong magawa kundi ang kamustahin siya. Alam kong matapang si Shane pero kapag sumobra ay bigla-bigla na lang 'yon iiyak. Hindi man niya sabihin ngunit halata sa mugto ng mata niya. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko siya kayang protektahan mentally, pero kaya kong makipag sabunutan kung sakaling may sumugod man sa kanya.

Kasabay rin ng pagbabago ng kaibigan ko ang pagtrending ng hashtag na WenKookIsReal at CanWenKookBeReal? Ultimo mga kaklase namin ay iyon ang bukang bibig, lalo na nang matapos ang live interview nila noong tradefair namin. Ramdam kong nasaktan si Shane pero katulad noon hindi ako nagtanong tungkol sa kanila ni JK. Ang tanging nagawa ko lang ay ilihis ang atensyon niya roon at ayain siyang magMOMA.

Napabuntong hininga ako. Napagdesisyunan kong puntahan siya ngayong araw tutal Sabado naman, wala kameng pasok. Habang nasa kotse ay bigla na lang naglabasan ang maraming notif sa phone ko.



Bakit parang napakadami naman ata? Binuksan ko ang twitter app dahil yun ang pinakamaingay sa lahat. Hmmm, sino na naman kaya ang nagtrending. Sana lang huwag ang kaibiga-----What the fuck.

#JungkookDumpYourGirlfriend

Bigla ay nabulunan ako kahit wala naman akong iniinom. Seryoso ba 'to?? 1.2 MILLION TWEETS!?! WTF! GANYAN BA SILA KADESPERADANG PAGHIWALAYIN YUNG DALAWA?!?!

"Pakibilisan nga po, manong."


Pagkarating sa bahay nila ay hinanap ko muna si tito. Siya lang naman palagi ang naiiwan dito maliban sa kaibigan ko.

"Goodmorning po tito. Nasan po si Shane?" Nakangiting bati ko.

"Oh? Goodmorning din hija, aba'y tamang-tama ang punta mo." Tumigil siya sa paglilinis.

"Netong nakaraang araw ay mas gusto na lang niyang magkulong sa kwarto, kadalasan nga ay nalilimutan pang kumain. Pakitignan naman si Shane hija, baka may kung anong problema ang batang iyon." Nag-aalalang sabi niya sakin tungkol sa anak. Pilit aking ngumiti. Sabi na nga eh, may problema sila ni JK.

"Ako na pong bahala tito. Sige po, akyat na po ako." Paalam ko. Maglalakad na sana ako ng marinig ko pa uli siyang magsalita.

"Oh sige, padadalhan ko na lang kayo ng makakain." Nagsimula na akong maglakad sa hagdan bagi tumigil sa baymax na pinto, pinacustomized niya pa yan.

Kumatok na muna ako bilang respeto.

"Busy ako, pa! Wag ngayon." Narinig kong sigaw ng nasa loob pero hindi ako tumigil sa pagkatok.

"Ano ba, pa! Busy nga po ak----Sandy?!" Well, kakakatok ko ay binuksan na rin niya ang pinto.

"Hi! Miss you!"

I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon