Chapter 33: New Year's Eve 2

495 31 64
                                    

"W-what did you say?" Ang gwapo pa rin talaga ng boses niya, hindi ako magsasawang marinig iyon kahit araw-araw pa. Nakapikit ko siyang niyakap kaya naman hindi ko makita ang reaksyon niya. Bigla ay naamoy ko pa ang pabango niya. Shizzzz hindi pa rin talaga siya nagpapalit. 




Humugot na muna ako ng malalim na hininga bago siya sinagot.


"I said, I like-------" Naputol ang sasabihin ko ng tawagin ako ni Sandy, don ay bigla akong natauhan at bumalik sa reyalidad kung saan tapos na ang fireworks display. Shiz anong nangyare? Anong ginawa ko??






 Mabilis akong kumawala sa yakap at napatungo sa kahihiyan. Anong nangyare?!?!! Feeling ko may sumanib at kumontrol sakin kanina kaya parang nawala ako sa sarili. Jusko! Nakakahiya!!



 Agad kong hinanap si Sandy pero hindi ko siya makita! Anak ng tupa! Nasaan na 'yon?!?!?


"Hey Shane!" tawag sakin ni Jungkook pero hindi ko na siya nilingon. Narinig ko na lang ang matunog niyang pagngisi bago kausapin ang kamiyembro sa sariling lenggwahe.



Hindi ko mahanap si Sandy kaya mabilis akong umalis sa lugar na 'yon ng hindi man lang nagpaalam sa BTa member. Putek! Paano pa ako makakapagpaalam kung puro kahihiyan na ang nararamdaman ko?? Shiz na talaga! Nakakahiya! P-paano ako napaamin ng ganon-ganon lang, aber? Wahhhhhhhhhhh kingina!




Habang naglalakad ng mabilis ay naramdaman ko na lang ang pagbangga ko sa isang lalaki pero hindi ko siya tinignan, bagkus ay naglakad na lang uli ako paalis ng bigla niya akong tawagin.




"Are you alright Shane?" Napatigil ako dahil doon, ayon sa boses ay si Brylle ito na may nag-aalalang tono. Nilingon ko siya tsaka mabilis na tumango at ngumiti. Bumalik na lang uli ako sa table namin at tumungo doon, inilagay ko pa ang hood ng coat ko sa ulo. 




Sa ganoong posisyon ko inalala kung paanong napaamin ako kay Jungkook ng wala sa oras! Sa pag-iisip ko kase nitong nakaraang araw ay nasagot rin ang mga tanong ko. Majority, sinasabi ng puso ko na gusto ko siya pero itinatanggi ko lang hanggang sa mangyari yung kanina. Hindi ko na talaga naitanggi pa! Masasabi ko lang na once na sinunod mo ang nararamdaman mo ay wala ng makakapigil pa dito hys. Nagbalikan na ang mga tao dito sa table pero ako ay nakatungo pa rin.




"Ang ganda ng fireworks noh." boses ni Toffer. Narinig kong sumagot si Sandy.



"Sobrang ganda!" Napangisi ako sa pagka OA niya. Aarrgghhh anong gagawin ko nakakahiya! Ramdam kong may tumabi sakin sa kaliwa at hindi na ako magtataka kung sino iyon.

I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDWhere stories live. Discover now